76

3 1 0
                                    

"Papunta na raw manager ko rito"


Hindi ko alam imbis ata na mapagaan ko loob ni Sana sa pag punta dito parang mas gumulo pa. Kanina lang binalita na nandito ako sa condo niya tas ngayon naman may issue kay Jun na damay si Sana. Ang gagong yun may jowa pala tas lakas mang blackmail kay Sana.


"Sorry" nahihiya kong sabi


Alam ko naman na ako ang nag simula ng gulo. Nakakahiya lang talaga kay Sana dahil nababash din siya dahil sa kapabayaan ko. Ayos lang sana kung ako lang eh kaso pati siya damay at ayoko ng ganon.


"Stop it. You did nothing wrong" pag iling niya sa'kin at nginitian ako


Ilang saglit pa dumating na rin yung manager niya at masama akong tinignan mula ulo hanggang paa.


"I hope you know the amount of trouble you brought to us" inis nitong sabi


Napayuko naman ako nun. "Pasensya na po. Hindi ko po inaasahan na may kukuha ng litrato-"


"'Di inaasahan? My God! Eh muntik na rin kayo mahuli last time diba? Pero hindi ka pa rin natuto. Ikaw ang sisira sa career niya sinasabi ko sayo!" natahimik naman ako non. Tama naman ang manager ni Sana. Ako ang nag presinta sa mga gala namin at lagi rin kami nahuhuli dahil sa'kin. Kaya wala akong masabing para depensahan ang sarili ko.


"That's enough po. Wala naman pong may gusto sa nangyare" panimula ni Sana. Bumili ang tibok ng puso ko. Is she defending me? "And I think it's time po that the fans see me in a new light. Hindi na po ako bata. And with the recent controversy of Jun po I think time na rin po na ihinto na namin ang loveteam. I want to start anew po and I hope you respect that."


I looked up to her with full of awe. Nakakaproud pag nakikita ko siyang nag stastand up para sa sarili niya at sa paniniwala. She really is a strong girl and I have to be better to fully deserve her.

𝙄𝙙𝙤𝙡  || YutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon