"Bakit po kayo nandito sa labas? Everyone's having fun inside." ngumiti ako sa kaniya at tumabi.

I was glad she didn't give me a snide remark for disturbing her silence. Nang dumating ako kanina ay wala akong salitang narinig mula sa kaniya. Sanay naman na akong hindi niya ako binabati pero ito ang unang pagkakataon na hindi ako nakarinig ng insulto mula sa kaniya.

"Alam niyo po," I trailed, glancing at her. Nakababa ang kaniyang tingin sa kaniyang mga paa na parang may magandang tanawin doon.

"tama kayo noon." Lumingon siya sa akin. Ngumiti naman ako nang bahagya at tumingala sa langit. "Sampid nga po ako sa pamilya ninyo. Mas lalong makapal ang mukha ko dahil gusto kong manatili. I know you think I stayed because of money pero gusto ko lang pong sabihin na nanatili po ako dahil sa pamilya. This is an honest answer, Lola. Hindi ko po kayo pinipilit na maniwala sa akin pero gusto ko lang pong maintindihan niyo ang side ko."

"You're supposed to be hating me," aniya, "—for all the things, I have said. Kung pinagpatuloy ko ang pagpapalayas sa iyo, hindi mo mararating ang lugar kung nasaan ka ngayon. You could have been also genuinely happy with the life you choose."

"Namili din naman po ako. Pinili ko pong magsakripisyo at hindi ko naman pinagsisisihan iyon. Maraming salamat po kasi kung hindi po dahil sa inyo, hindi naman po ako magiging matatag. Hindi ko po alam kung ano ang ipagmamalaki para sa sarili. Thank you for pushing me too far, Lola. Kung siguro hindi po ako nakipaglaban, hindi po ako magiging masaya. Yes, I wasn't genuinely happy with the agreement, pero mas lalong naging malungkot po ako kasi hindi ko po matatamasa ang pamilyang gusto kong buoin."

"Then, are you happy now?"

Tumango ako."Yes, I am."

"Kahit na pinagkasundo lang kayo?"

Tumango ulit ako. "It wasn't an easy road to take."

"I'm sorry." she suddenly blurted. Napatingin ako kay Lola Ansela at nakatitig na siya ngayon sa akin. Her eyes were clouded with sincerity. Ngumiti ako. Hindi ko inaasahang iyon ang maririnig ko sa kaniya.

"I'm sorry that I never accepted you in the family. I had a bad experience with people like you— mga batang inabandona at inampon lamang ng pamilya. My parents were generous people and they accepted one in the house. We treated her as a family but when she grew up, she ran away stealing money from us. I've witnessed how my parents invested everything to her. Iyong panahon na para sa akin, naibaling sa kaniya. Ang mga gusto kong bagay, naibibigay sa kaniya. I was left with nothing but a little ounce of attention from them. I hated her and my parents hated me too for not accepting her."

"Ganoon po ba ang tingin niyo sa akin noon? Natatakot kayong...maaagawan ko si Kuya Boaz sa lahat ng bagay?"

"Yes, there's no point in lying here, Syden. Natakot ako na baka mangyari din kina Lyco at Agatha ang nangyari sa mga magulang ko noon. Alam na alam ko ang galaw ng mga katulad niyong inabandona kaya hindi kita tanggap sa pamilyang ito. Through the years, you have proven yourself innocent. You didn't bring us any harm and I stull couldn't believe it. Hindi ko matanggap na magiging iba ka sa kanila. You have proven me wrong that's why I couldn't face you after everything."

"Lola," lumambot ang aking puso. This is the moment that I have been waiting for. The moment where I could see acceptance in her eyes. The moment where she will open her arms widely in order to embrace me.

"P-patawad sa lahat. I'm sorry if I couldn't accept you before. I'm sorry if I made your life a living hell. I am sorry for the things that I have said. Seeing your success now, carrying the family name, you don't know how proud I am for having such a successful granddaughter like you."

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Where stories live. Discover now