"Sabihin mo sa amin kung anong ginawa niya sayo at sisiguraduhin naming magbabayad ang tarantadong 'yun!"

Seryosong giit din ni Brixton habang gumagalaw ang kanyang panga at malalim ang bawat paghinga.

"Dominique! Pinepressure niyo si Ysabella!" Aniya ni Marjorie sa kay Dominique na napanguso na lang bago yumakap mula sa likod ng kanyang asawa. "At kumalma rin kayo diyan, kung anu-ano iniisip niyo."

Suhestiyon pa ni Marjorie sa mga pinsan ko na nagkatinginan naman bago sabay-sabay na tumango at naupo sa malaking couch na nandito sa loob ng kwarto.

""Sino ang ama ng pinagbubuntis mo, anak?"

Malumanay ngunit puno ng awtoridad ang boses ng aking ama na tila hindi ko pwedeng hindi sagutin ang kanyang tanong.

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala dahil wala siyang kwenta!"

Bigo akong pigilan ang mga luha ko na mabilis na namang kumawala sa mga mata ko.

"Ayaw ko na siyang pag-usapan, ayaw ko na siyang maalala..."

Humikhikbing dagdag ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-yakap sa'kin ng aking ama.

"Pasensiya ka na, anak. Nag-aalala lang kami sayo. Hindi kita pababayaan, hindi ka namin pababayaan. Pamilya mo kami."

Sinserong saad ng aking ama habang inaalu ako.

Nabigo man ako sa lahat ng nangyari dumating naman ang panibagong pag-asa sa buhay ko, ang tunay na pamilyang hindi ko inaasahan na meron pala ako at higit sa lahat ang panibagong lakas at dahilan ko para magpatuloy, ang batang nasa sinapupunan ko ngayon.

Kung kailan nawalan na ako ng pag-asa sa lahat saka naman ako binigyan ng liwanag para magpatuloy. Akala ko hanggang doon na lang ang kuwento ng buhay ko bilang isang masalimuot na kuwento, pero nagkamali ako dahil nagkaroon pa ng panibagong yugto ang buhay ko.

Panibagong kabanata kung saan kasama ko ang mga totoong pamilya ko sa lugar kung saan nahanap ko rin ang sarili ko, ang lugar na totoong kumalinga sa akin. Ang lugar na tanging nagparamdam ng puro at tunay na pagmamahal at pagtanggap. Sa lugar kung saan nagsimula akong muli, ang lugar ng El Paradiso.

Hindi naging madali ang lahat. Halos gabi-gabi akong umiiyak, umiiyak ako hanggat sa kaya ko dahil alam ko na darating din ang araw na mawawala ang sakit at makakalimot din ako ng tuluyan at sa pagkakataon na ito ay hindi ako nabigo dahil kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay ang pagtanggap sa lahat ng mga nangyari noon.

Sa loob ng walong taon ay hindi naging madali ang makalimot pero nagawa ko. Pinatawad ko ang sarili ko sa lahat ng mga kabiguan ko. Nagawa ko dahil sa tulong ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin. Sa tulong ng aking pamilya.

And I'm proud to say that I'm stronger than before. I can stand alone now while giving my sweetest smile in front of the crowd. I am happy and contented of what I got under my sleeves, how invincible am I , doing whatever I wanted. I've learned my mistakes. The pain from the scars of yesterday mold me to be better person today.

Pain make us to become a better person. Pain teach us thousands of lesson. Manhid at tanga na lang siguro ang hindi natututo sa mga sakit at pagkakamali niya.

The new chapter of my life was began eight years ago.

It was summer again at nandito sa El Paradiso ang buong angkan naming mga Sarmiento maliban sa bunsong anak nina tita Amanda at Don Victorino na si Vince Amante na nag-aaral sa U.S ngayon.

Tuwing summer talaga ay nag uuwian sila dito kaya punong-puno lagi ang mansion pero hindi mo naman ramdam na sikip dahil sa laki at lawak nito.

Malapit lang ang mansion ng mga Sarmiento sa dagat na natatanaw lang mula dito sa may terrace sa labas, pinong-pino rin ang puting buhangin at ang mga nagtataasang puno ng niyog ay nakakadagdag lamang sa ganda ng lugar.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Onde histórias criam vida. Descubra agora