"How did you... I mean. What happened to you?" Maingat na tanong nya. "All the while, we thought that you were dead, or so the police thought. Naglaho ka na lang bigla without a trace, and here you are now, kung kelan ikakasal na ang anak ko, saka ka naman nanggugulo. Iyan na lang ba ang kaya mong gawin? Ang manggulo ng buhay ng may buhay? "

"Stop that ma! "

"Hindi ko po kayang sagutin ang mga tanong nyo. Wala po akong naaalala sa nakaraan. Lately ko lang din po nalaman na ang tunay kong pangalan ay Ysabelle. At ngayon ko pa lang unti-unting nabubuo sa isip ko ang nakaraan ko."

Kumunot ang noo nya na para bang may malalim syang iniisip.

"Why? Did you have amnesia or something? O nagkukunwa-kunwari ka lang para makuha ang loob ng anak ko. Alam kong tactic mo yan, ang pagiging damsel in distress, and you are looking for a prince to save you."

"Stop it ma. Mag-aaway na tayo kapag ipinagpatuloy nyo yan." Parang napuno na si Spencer at tumayo na sya. "We have to go."

Naglapag ng pera sa lamesa si Spencer at kinuha nya ang kamay ko at tumayo na rin ako.

"Spencer, whether you like it or not, we are going to talk!" Halos nanggagalaiti na ang mama ni Spencer sa galit.

"Later Ma. I still have things to do. At mas priority ko si Ysabelle ngayon. Our talk can wait. "

HInatak ko ang kamay ko kay Spencer.

"You stay, I'll go. " Humarap ako sa mama ni Spencer. " For all it's worth po, Spencer and I are not together. Wala pong namamagitan sa aming dalawa. "

"But rest assured ma, that I am going to change all that. HIndi maglalaon na may mamamagitan na ulit sa aming dalawa. That, I promise you."

Tinignan ko ng masama si Spencer. My Gosh! itong lalakeng ito! Mas lalo pang pinapaypayan ang apoy! Hindi ba nya nakikita na galit na galit na sa kanya ang mama nya?

"I'll wait for you at our house." Pahabol ng mama nya pero hindi na sinagot ni Spencer. He put his hand at the back of my waist and led me out of the coffee shop.

Hindi ko na nagawang makapagsalita. I was so lost with my own thoughts, na kahit na nakaalis na kami sa country club ay hindi pa din ako kumikibo. PInilit kong alalahanin ang tungkol sa mama ni Spencer. Kilala nya ako, so that means that our paths have crossed in the past and most probably, I did not make a good impression. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit ganon na lang ang galit nya sa akin? May nagawa ba akong masama sa kanya? O baka naman talagang ayaw nya lang talaga ako para sa anak nya at mas gusto nya si Lovely para kay Spencer.

I searched my brain for anything about Spencer's mom, pero kasi isang bagay ay walang nag-re-register sa isip ko. I tried harder, pero sa halip na may maalala ako, sumakit lang ang ulo ko. I closed my eyes and pinched the bridge of my nose. I leaned my head for support. Ang sakit ng ulo ko!

"Hey baby, are you alright?"

Hindi ko sinagot si Spencer. Naramdaman ko na lang na inihinto nya ang sasakyan. Ayoko pang idilat ang mga mata ko dahil patindi ng patindi ang nararamdaman kong sakit sa ulo. Naramdaman kong niyakap nya ako, at hindi ko na nagawang kumawala sa kanya dahil nanghihina ako.

"What's wrong? " I felt his lips brushed my temple. "Are you in pain or something?"

"I'm having a migrane attack."

He cradled me in his arms and my heart hammered against my chest! Gusto ko sanang kumawala dahil mali ito! pero dahil sa patindi ng patindi ang sakit ng ulo ko ay hindi ko na kinaya kahit itulak man lang sya. Nagkaka-migrane attack ako dati pero hindi katulad nito na parang binibiyak ang ulo ko. Gusto ko na ngang maduwal pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now