CHAPTER 1

300 15 8
                                        

Out of my mind 


"Dugo!" Isa, dalawa, tatlo, apat. Napako siya sa kinatatayuan niya sa itaas na sanga ng punong manga nang makita ang ilang duguang katawan ng mga estudyante.


Sa likod ng mataas na pader na nakapagitan sa dalawang paaralan ay isang kaguluhan ang tumambad sa paningin niya. Napaigtad siya ng marinig ang hiyaw ng isang babae. Nawala sa isip niya ang tumitingkad na dilaw na prutas na kanina pa niya pinaglalawayan. At kahit nanginginig ang mga paa at kamay ay mahina siyang gumapang malapit sa dulo ng sanga. Mas lumalakas pa sa tenga niya ang sigaw at pagmamakaawa ng babae habang papalapit siya sa pader. Minabuti niyang magtago sa likod ng mga dahon at usisain ang nangyayari. Medyo naaaninag niya ang mga mukha ng mga estudyante (hindi niya kilala) maliban sa lalakeng nakatalikod sa kanya. Nasa harapan nito ang babaeng duguan ang mga kamay. Buong lakas nitong pinipigilan ang mga paparating na suntok ng lalake sa isa pang estudyante. Habang sa kaliwa naman nila ay nakatihaya ang isa pang lalake. Nagkalat ang mga basag at sira-sirang imahe ng mga santo sa paligid ng katawan nito.


Kakatongtong pa lamang ng buwan ng Marso kaya naghahabulan sa pagpatak ang pawis sa bawat nuo nila. Sumasabay din ang ingay ng mga insekto at paminsan minsang tilaok ng mga manok sa hapong iyun. Ang mga matang kanina pa nang-uusisa ay biglang nanlake nang maramdaman niya ang pagdapu ng isang mabigat na bagay sa ulo niya. Unti-unti niyang nararamdaman ang pagbaon ng matatalas na koko sa bunbunan niya. Ganun pa man ay nakapako pa rin ang mga mata niya sa lalakeng nakahiga sa lupa nang bigla itong napaupo at ang mapupula nitong mga mata ay parang may sariling buhay na nakipagtitigan sa kanya sa bawat puwang ng mga dahon. Dahil sa gulat ay napasinghap siya sa nakakatakot na anyo nito. Huli na para mapagtanto niyang hindi na siya nakahawak sa sanga at tinatangay na ng mabigat na pwersa ang katawan niya pababa. Ang tanging alaala niya ay ang malakas na pagpakpak ng ibong lumipad sa kanyang harapan bago humalik ang likod niya sa tuyong lupa.


 ============================================


Malakas na tunog ng kampanilya ang naghudyat sa mga estudyante ang sampung minuto na pagitan  bago magsimula ang panghapong klase. Matutunog na hakbang at ingay ng mga  nagmamadaling paa ang  pumailanlang sa hapong iyun. Bilang pangunahing prayoridad ng paaralan ang mataas na antas ng edukasyon sa bawat estudyante ay ginugugol ang oras na ito sa remedial instruction.


POV: Asher Mae Bacaltos

Kanina pa ako hikab ng hikab. Dapat ay remedial class namin ngayong oras pero wala parin kaming guro. May pinagkakalibangan man ang mga kaklase ko pero wala sa kalooban ko ang makipag-usap ni kanino. Ang ilan ay nakabukod habang nag-aaral, may natutulog, naglalaro ng kanilang mga selpon at nakita ko pa ang isa sa mga kaklase ko na tinatapos ang tanghalian niya. 


"Hey! You're so quite today. Are we missing something?" Tanong ni Sheena.


Umiling lang ako.  Umupo na rin si Clarisse sa harapan ko habang sa mesa naman si Sheena. Magkababata kami ni Sheena at naging matalik na kaibigan ko naman si Clarisse sa Junior High simula nang maging magkaklase kami. Magpinsan ang dalawa.


"May crush kana ba?" 


"Huh?"

And You Will Believe In (EDITING AND CURRENTLY UPDATING)Where stories live. Discover now