--Skyla Brei Park--
3rd day of school na pala, pero wala parin akong kaclose. Haaaysss, napabuntong hininga nalang ako. Recess ngayon at ito ako sa upuan ko at isang malaking NGA-NGA para sakin -________- Ang boring grabe!
"Hanubaaaa Eeeed!! Tumigil ka na nga!!"
"Iiihhhh, sige na kasi Athena. Pakagat lang ako ng konti sa choco mucho mo!!! Sige na!!"
"Ayokooo ngaaa ehh!! Bumili ka ng sayo!!"
Hahaha, nakakatawa talaga tong dalawang to. Kaklase ko nga pala sila Athena Kyuwa at si Mark Edward Tagsuan. Hmmm, Smells fishy ahh.
Masyadong nagiging malapit tong dalawang to. Super friendly at hyper ng dalawang yan, as in araw araw silang ganyan. Buti pa sila marami ng friends at kaclose dito sa school/room -_____- Eh ako?! Wala NGA-NGA talaga.
Sana naman may maging kaibigan ako dito =_=
"Hi!" napalingon ako bigla sa nagsalita. "Hi!!! ^_^" Sabi pa nung isa niyang kasama.
Sila Ed at Athena pala. Hindi ko sila napansin na nakalapit na pala sila, siguro sa kakaisip ko kanina.
"Hi :)" Sagot ko sa kanila. Wow himala may kumausap na sakin.
"Hindi ka ba magrerecess?"--Athena
"Nagrecess ka naba? Tara! Kain tayo!!"-- Ed
"Oo nga! Treat ko :)"-- Athena
Hindi na ako naka tanggi, LIBRE EH! DJoke Lang! Mapilit kasi sila. Pero atleast may lumapit, kumausap at may naging kaclose narin ako :) Thanks to them.
--Cafeteria--
Habang nakapila kami, tinanong ako ni Ed kung ano ang pangalan ko. Edi sinabi ko yung buong pambabaeng pangalan ko.
"Ang haba naman! Pero ang ganda at bagay sayo kasi maganda ka naman"-- Ed
"-_________-""" Yan ang reaksyong pinakita ko kay Ed. "First and last mo na yang pagbanggit mo nang salitang Maganda ah."
"Hala! Bakit naman? Maganda ka naman talaga ah!" Isa pa tong babaeng to -____-
"Basta! Ayokong tinatawag akong maganda, lalo't di naman totoo -.-" Yan lang ang isinagot ko kay Athena. "At isa pa, Sky ang itawag niyo sa akin. Ok? ^^"
"Owwwwkkkkaaaayyyy~" Sabay na sagot ng new friends ko. Good! :)
After naming bumili ng lunch, naghanap na kami ng table para makakain na kami.
"Ayun oh! Dun banda sa gilid. Walang tao dun" sabi ni Athena habang tinuturo yung table gamit yung nguso niya.
"Tara na. Gutom na ako eh!" Sabi naman ni Ed. Hahaha. Kakatawa mukha nitong lalaking to XD.
Umupo na kami at kumain. Ang lakas namang kumain ni Ed -______- lamong mama eh! Ahahaha. Mga 25 or 30 minutes ata kaming nakaupo, dahil narin sa kadadaldal namin. Napatingin ako sa wrist watch ko and mag.1:45 pm na pala, niyaya ko na silang bumalik na sa room para naman mas mauna kami sa Professor namin. Ayokong nalelate eh -.-
"Tara guys! Punta na tayong room, mas magandang mauna tayo sa professor." Sabi ko sa kanila sabay tayo at sukbit ng bag.
"Yung totoo sky? Nagmamadali ka ba?" Tanong namin sakin ni Athena. Mukha ba akong nag.mamadali? Ayoko lang talagang malate eh.
"Hindi naman. Ayoko lang malate :D Kaya tara na :)"
Lumabas na kami ng cafeteria. Nauuna akong mag-lakad, ang bagal kasi nung dalawa eh. Natatanaw ko na yung building namin. Hayss -_____- aakyat na naman ng hagdan. Bakit ba kasi walang elevator dito eh :/, pagrereklamo ko sa isip ko habang palapit na kami ng palapit sa building.
"Ihanda na ninyo ang inyong mga paa binibini!!!" Sabi ni Ed saming dalawa ni Athena. Loko talaga tong lalaking to.
"Psh -___- Palibhasa kasi mahahaba yang mga binti mo!" Sabi naman ni Athena kay Ed, at------ nag.away na naman po sila (as usual).
--ROOM--
Nakarating rin kami sa room namin, iilan palang ang mga nasa loob. Napag desisyunan ko na umupo na agad sa upuan ko. Medyo inaantok ako, kaya unti unti kong iniyuko ang aking ulo at hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Huy Sky *tap tap*" ano ba yan -____- istorbo lang?! Natutulog yung tao eh.
"Hmm" Yan nalang ang sinagot ko ng hindi parin tumitingin sa kung sino man ang nang-iistorbo sa pagtulog ko.
"*Tap tap tap* Sky, gumising ka. Andyan na si ma'am. Huy! Sky!!!" Niyugyog ako ng niyugyog, hanggang sa iniangat ko na ang ulo ko at hinarap kung sino man ang nang gigising sakin, at si Athena pala iyon.
"Bakit ka ba nang gigising Athena?!" Pagalit ko pang tanong sa kanya.
"Eh kasi andyan na nga si Ma'am. Baka mahuli kang natutulog" medyo nawala naman yung pagka bugnot ko nung sinabi ni Athena na nandyan si Ma'am. Laking pasalamat ko rin at ginising niya ako, kung hindi baka napagalitan na ako nitong professor namin.
"Sorry ah ^_____^v hehe. Salamat din." Sabi ko kay Athena. At binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Hanggang sa nag salita na si Ma'am na nasa harapan ng room.
"Ok class. Meron akong ipapakilala sa inyo, transfer siya dito. Kaya be good to him ha" sabi ni ma'am. Lumabas siya saglit at pumasok narin agad kasama yung bago atang estudyante.
Hmm. Sino kaya SIYA?
Magiging kaibigan ko kaya SIYA?
--Vote&Comment :)
This is for mynafemaranan20,SweetestCandyBaby&marktagsuan Sana magustuhan mo/niyo ^^
--BaoziCheeks
