“Hindi ako okay, miss ko na kayong dalawa ni Katleya,” sagot ni Blue.

“Sana okay ka. Sana masaya ka sa oras na ito. Sana successful ka na. Sana kasama mo ang babaeng mahal mo. Sana si Katleya iyon.”

Napatigil si Blue at natulala sa sinabi ni Red.

“Asul? Alam kong binuksan mo itong box dahil may mahal ka na. Sana si Katleya iyon. Sana siya.” Humagulgol si Red. “Ikaw lang ang gusto kong maging lalaki niya. Alam kong mahal siya ni Amber, pero magseselos ako kung siya. Kaya sana ikaw! Sana siya ang mahal mo. Sana kayong dalawa.”

“Oo siya. Siya ang mahal ko. Siya ang dahilan kung bakit ko binuksan ang box na ito,” humagulgol na pagsagot ni Blue.

“Asul,” sambit ni Red.

“Bakit?”

“P-password,” nauutal na sambit ni Red dahil sa kanyang pag-iyak.

Humagulgol si Blue nang marinig muli ang salitang iyon. Kahit si Red, maririnig mo ang paghikbi sa video. Idinikit ni Red ang pisngi niya sa camera. Tumayo si Blue at tumakbo papunta sa TV niya. Hinalikan niya ito habang walang pigil sa pag-iyak.

“Salamat, Asul,” ani Red sabay upo muli sa kama. “Pakisabi na lang kina Mom, Dad, at sa ating pinakamamahal na Lala na mahal na mahal ko sila. Kung nasaan man ako? Palagi silang nandito,” anito. Hinawakan pa niya ang dibdib niya.

“Oo, sasabihin ko, pagkatapos nito,” sagot ni Blue.

“Asul. Iyong singsing? Sa inyo iyon dalawa ni Kat, ha? Ang sama ko, baka ma offend ko ang partner mo ngayon kung hindi pala si Kat iyon. Basta! Naramdaman ko si Kat ’yan. Si Kat iyan, ’di ba?”

“Oo siya,” sagot ni Blue.

“Asul kung si Katleya man ’yang babae mo, ingatan mo siya, please. Alagaan mo siya, mahalin mo siya na higit pa sa pagmamahal na meron ka sa akin. She deserves love. Ang bait niyang babae.”

“Sorry. Nasaktan ko siya.” Humagulgol na humingi ng paumanhin si Blue.

“Magiging masaya ako kung nasaan man ako ngayon kung gagawin mo iyong hiling ko. Ayaw kong mawala Asul, pero iyong feeling mo na mawawala ka talaga? Kaya ito, ginawa ko ang video na ito para pormal na magpapaalam sa iyo.” Tumayo si Red. Nawala ito sandali sa video. Pagbalik niya ay bitbit niya ang gitara ni Blue. “Pahiram nito.”

Tumawa si Blue. “Ano ang gagawin mo, Pula. ’Wag mong itutuloy!”

Tumawa rin si Red. “Alam kong ikaw ang number one hater ko pagdating dito, pero please, pakinggan mo ako. Kakantahan kita.”

“Oo na. Chance. Kahit sintunado ka. Makikinig ako dahil mahal kita,” natatawang sabi ni Blue.

“If you really love me, you will listen to me. Nag-aral pa ako ng gitara para rito. I love you.”

“I love you more, Pula.”

“Itong kantang ito ay para sa ating dalawa, Kanlungan by Noel Cabangon. Alam mo ito, hindi ba? Kinakanta natin ito noon.”

Tumango si Blue. “Oo.”

Nagsimula ng mag-strum ng gitara si Red. Napangiti si Blue dahil kahit papaano ay gumaling na rin ito sa pagtugtog.

Magsisimula ng kumanta si Red...

“Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”

Unang dalawang linya pa lang ng kanta ay humagulgol na si Blue. Damang-dama lang niya ang linya dahil ito ang pinakahinihiling niya, ang maibalik ang kahapon.

Napatigil si Red nang bumukas ang pinto ng kuwarto. “Ssshh. Dumating ka.”

Tumalon agad sa kama ang kakarating na si Blue. Napangiti ito nang makita ang ginagawa ng kapatid niya. Bumangon ito at tinabihan ang kapatid niya sabay yakap at paghalik sa pisngi.

“What’s up, guys. Ang corny ng pinakamamahal ko. Kumukuha na rin ng video.” Tumawa si Blue na nasa video. Tiningnan niya si Red. “Vlogger ka na ngayon? Support kita rito.” Kinuha ni Blue ang gitara sa kamay ni Red. “Ako na ang magtugtog for you. Ano ang kakantahin mo?”

“Kanlungan by Noel Cabangon.”

“Okay. Sinong lilisan?” natatawang tanong ni Blue.

Humagulgol si Blue habang pinanunood ang video. Natandaan pa niya ang araw na ito. Nagkatampuhan sila nito.

“Ako,” seryosong sabi ni Red.

“Nagsimula ka naman sa ganyanan mo. Hindi ako natutuwa,” inis na sabi ni Blue. Tumayo ito at lumabas sa kuwarto.

Nang makalabas na si Blue, muling tumingin si Red sa camera.

“Naiinis ka. Hindi na lang kita kakantahan. Nagtatampo ka. Mag so-sorry muna ako sa labas. Basta Blue, mahal na mahal kita. Tandaan mo ’yan. I conclude, maging kayo ni Kat. Sana makabuo kayo ng pamilya. Ipangalan mo sa akin ang isa kung magka-anak kayo ng lalaki, ha? I love you sa inyong lahat! Mamimiss ko kayo. Mwahhhh.”

Tumayo na sa kama si Red at pinatay ang video.

Matapos mapanood ni Blue ang video ay walang tigil na ito sa pag-iyak.

“Kahit pala ikaw, Pula, nararamdaman mo na nakatadhana kami sa isa’t isa ni Katleya, pero ako itong gago na itinaboy siya palayo. Pangako ko, sa oras na makita ko siyang muli, hindi ko na siya muling papakawalan pa.” Huminga ito nang malalim sabay sabing, “I will fix my fate with her.”




END OF BOOK ONE

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon