DESTINY 32 - LET GO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Chase!!" I called at the top my lungs.

He faced me and mouthed, "fight, Yesha."

"No!!" I shouted as he smiled and turned his back on me.




Those voices... Again... It's getting louder and louder. I shut my eyes and tried to drown all those voices.

When I opened my eyes, I was on a different place already. White walls. Blinding light. And the voices... lalong lumakas, lalong dumami.

"Yesh..." It was Ellie.

I scanned the room. My parents were there. My friends were there.

Lucas is on the floor. Both hands on his head, he looks devastated. Seb and Ken are beside him.

And then a cry of agony got my attention. It was Tita Olivia.

Naupo ako. Tiningnan ang katabi kong kama. A doctor is reviving the patient lying there.

"Yesh..." marahang hawak ni Ellie sa pisngi ko at hinarap sa kanya. Parang iniiwas na tingnan ko ang nag-aagaw buhay sa kabila.

Nag-angat din ng tingin si Lucas at mahigpit akong niyakap. Inalis ko ang mga kamay niya. "Si Chase?" Tanong ko.

I saw the fear and pain in his eyes.

Marahas kong inalis lahat ng nakakabit sa 'kin at bumaba sa kama. Agad siyang humarang pero hinawi ko siya.

Nagbagsakan ang mga luha ko nang makita kung sino ang nasa kabilang kama.




LUCAS POV

Nagpumiglas si Yesh nang pigilan ko siyang makalapit sa kama ni Chase. Natatakot akong mawalan ulit siya nang malay. Kanina pa nila nire-revive si Chase at hanggang ngayon bigo pa rin sila.

"No." Aniya. Sa umpisa ay bulong 'yon. Hanggang sa sumisigaw na siya. Nagpupumiglas. Nagwawala. "Let me go!! No, Chase!! Don't leave me!"

Lalong nag-iyakan ang mga tao sa loob. Her cry was heartbreaking. Parang pinupunit nang dahan-dahan ang bawat himaymay ng puso namin. I can't blame her, kulang pa ang salitang masakit para ilarawan ang nararamdaman namin habang pinipilit ng mga doktor na isalba ang buhay ni Chase. Ako man ay gusto nang sumuko pero hindi pwede. Nangako ako sa kanya.

"Please! Please!" Pakiusap niya. "I can't go through this again. Not you. Please!"

Lumapit na rin si Ellie at niyakap siya. "Ellie, nangako siya. Sabi niya hindi niya ako iiwan." Sumbong niya.

Walang nagawa si Ellie kundi yakapin ang kaibigan.

Suddenly, the doctor stopped. "Time of---"

"No! Don't say it!" Nakawala siya sa hawak namin at dumiretso sa kama ni Chase. Niyakap niya ito at doon umiyak nang umiyak.

Si Mama tuluyan nang napaupo sa sahig. Dad was hugging her but was also crying. Hawak naman ni Dustin si Hunter na umiiyak rin.

Binalot ng pighati ang bawat sulok ng kwarto.

"Ang sabi mo hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo kahit gaano kataas ang mga alon hindi ka bibitaw. Lalaban tayo, di ba? Please fight, Chase." Bulong niya rito. "Please fight for me. For us. Hindi ko kaya. Please lumaban ka. Please bumalik ka sa 'kin."

Napatungo na lang kaming nakakakita sa kanya.

Naupo siya sa gilid ng kama ni Chase. Hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Tears run down her face like waterfalls. "Please, lumaban ka at bumalik sa 'kin." Ulit niya.

She then leaned towards him and whispered something on his ears. Saka siya pumikit at niyakap na lang ulit si Chase.

"You should have brought me with you." Aniya. "Di ba I jump, you jump. I die, you die. You were right, Chase. Living in this world without you is worse than dying. So please, take me with you."

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon