"And by the way i'm Cold. Pasensya na talaga"

"It is okay. It's fine" balewalang sabi ni Rupert

Nakita ko ang reaction ng dalawa. Hindi maka paniwala ang mga ito. Si Hot naman ay kumunot ang noo

"Have a sit" singit at pag-aya ni water

Inaya ko rin sya na umupo baka sabihin nya ay hindi ko sya inalok. Umupo na sya. Nakita kong naka tingin pa rin sa amin sila Hot. Umayos ako ng upo habang naka titig din sa kanila. Nakita ko na parang galit ang itsura ni Hot ng alukin kong umupo si Rupert. Pagkatapos ay inalok ko na si Rupert

"What do you like to drink?" Alok ko sa kanya

"Kung anong iniinom mo" walang pinipiling sabi ni Rupert

Tinawag ko ang waiter na agad naman lumapit sa amin

"Isang bucket ng san mig apple" sabi ko sa waiter

Tinanong ko na rin si Rupert sa kung anong pulutan nya

"Anong gusto mong pulutan Rupert?" Tanong ko kay Rupert slash drummer boy

"Ano bang masarap dito? Ano ang best seller nila dito?" Balik tanong ni Rupert

Matagal na ako nagwowork dito kaya alam ko ang best seller nila dito

"Best seller nila sizzling buttered corn tsaka masarap din ang cheese stick nila dito"

"Sige yun na lang" pag agree ni Rupert

Kahit na alam na ng waiter ang order namin ay inulit ko pa rin

"Isang sizzling buttered corn at isang cheese stick tsaka isang bucket ng san mig apple"

"Okay po sir. Isang buttered corn at isang cheese stick at isang bucket ng san mig apple" pag-uulit ng waiter

Umalis na ang waiter

"Ano pinagkakaabalan mo ngayon? Bukod sa pagbaband" curious na sabi ni water kay Rupert

"Nagschooling" sagot naman ni Rupert

"Wow! Parang working student" amaze na sabi ni water

"Parang ganun na nga" nahihiyang sabi ni Rupert

Biglang may tumawag kay Water
sa cellphone

"Maiwan ko muna kayo" excuse ni water

"Okay. Ako ng bahala sa bestfriend mo" parang hindi ako pababayaang sabi ni Rupert

"Uhm...balik ka agad" parang pinabibilis kong bumalik agad na sabi ko kay water

Umalis na si water. Naiwan kaming dalawa ni Rupert tsaka tatlo kong member sa band

"Di mo man lang ako tinext na may gig kayo. Kung hindi pa sasabihin ni water sa akin. Hindi ko pa malalaman" parang pagtatampo nya

'Baka kasi busy ka. Ayoko lang kita maistorbo" palusot ko na lang

Nagkuwentuhan kami tsaka nagbibiruan. Habang nag-iinuman. Dumating na kasi ang mga order namin
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pumunta na kami sa stage para magperform

"Ahm...good evening guys and girls this is the last set"

"Aaayyy!!!" Malakas na sabi ng mga customer ng bar na parang ayaw pa nilang matapos

Cold and HotWhere stories live. Discover now