Kabanata 2

232 22 22
                                    

Kabanata 2

Pumipintig sa sakit ang ulo ko pagka-gising kinabukasan. I don't know if it's because of the wine o sadyang may sakit talaga ako.

Bahagya kong hinila 'yung kumot papalapit sa dibdib ko. Sobrang mahal ko ata ang blanket ko kaya sa tuwing umaga ay siya lang ang kapiling ko. Marahan kong inunat ang parehong braso saka binuksan ang mga mata. Halos maging tarsier ako nang mapagtantong hindi ko blanket ang niyayakap ko, kulay itim at iba ang burda.

"Shit! Nasaan ako?" Para akong nawala sa sarili, agad na tumayo at pinagmasdan ang kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Jodie!" Halos lumuwa na ang lalamunan ko sa pag sigaw ng pangalan niya. Alam kong condo 'to ni Jodie, siya lang naman ang mahilig sa black, e.

Hindi ko alam pero biglang uminit ang pisngi ko, pati na rin ata ang dugo ko. Maya-maya pa ay sumulpot na ang katawan ni Jodie sa harapan ko. Naka-ngiti habang may hawak na apple juice sa kanang kamay niya.

"Why are you smiling!? Why am I here? I have work for pete's sake!" Bulyaw ko sa mukha niya. Halos mapitigan na ako ng ugat sa inis at galit. Mamaya kasi anong oras na at baka mahuli pa ako sa meeting, edi patay nanaman ako sa mommy ko. Magiging dakilang disappointment nanaman ako sa pamilyang 'to.

Padabog kong kinuha 'yung chanel bag ko sa side table niya. Pagtapos nito ay huminto ako sa mismong harap niya para tignan siya ng masama.

"Jodie you're so stu—" tinakpan niya ang bibig ko, pilit kong inalis pero masyadong malakas ang pwersa niya kumpara sa'kin.

"Chill, babe. It's sunday for pete's sake!" Pinakawalan niya na rin ako sa wakas. I glared at her before pouting my lips. Kumalma ako ng bahagya kaya agad kong ibinalik ang bag ko sa side table.

"Kahit na you sho—"

"Heep! Stop yelling, hays!" Hinawi niya ang buhok niya bago ako lampasan, umupo siya sa kama saka humigop sa juice na hawak niya.

"You wasted kaya last night. Thank you ha, ang bait ko kasi at dinala kita rito sa mini condo ko. Maza should have done that pero pareho kayo ng kalagayan, actually, she's right there in my bathroom... Puking." Walang preno niyang paliwanag. Kumunot ang noo ko bago lumapit sa bathroom door na tinuro niya.

"Maz? Are you there?" Pagtawag kopa mula sa kabilang banda.

Halos masuka rin ako nang marinig kong may nagsusuka.

"Yuck!" Anggal ko saka awtomatikong nilayo ang katawan mula sa pinto na'yun. Nangangamoy kasi, kadiri!

"Told yah," Jodie sighed. Iritado akong tumabi sa pwesto niya bago inagaw ang juice na hawak niya.

"Ah! What's wrong with you?" Sita niya habang iniinuman ko ang glass niya. Tinignan ko lang siya habang nauubos na ang laman nito.

"Woah, yummy." Tuwang sabi ko matapos ubusin ang juice ni Jodie. Sinamaan niya ako nang tingin pero nginitian ko lang siya.

"I wasted right? Kailangan ko ng malamig, I have hangover." Maarte kong tugon bago muling pinahawak sakanya 'yung glass.

"My gosh! Mayro'n kanaman sa baba, e. Franki you're so annoying!" May pagka-irita niyang saad na sadyang nagpatawa sa'kin.

Jodie Tarasek is her name and gaming is her game. Sobrang ML at COD addict. Himala ngang hindi siya naglalaro ngayong umaga. I can say na siya ang pinaka-mabait saaming squad also known as TalagaGang, Maza made up that name, paborito kasi naming word dati 'yung talaga. Si Jodie lang din ang may successful relationship saaming tatlo. She have a boyfriend, si Paulo. I hate couples but I adore them, they are so cute together.

the loving [ MH series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon