Kabanata 1

307 23 31
                                    

Kabanata 1

Si Rosaline ang unang babaeng minahal ni Romeo. Ngunit hindi nabigyan ng sapat na pagkilala ang kwento nila na gawa ni Shakespeare. Marahil mas nagtuon ang lahat sa pag-iibigan ni Romeo at ni Juliet. Maraming nagsasabing mababa lang ang pag-ibig ni Rosaline kumpara kay Juliet kaya ginawa na lamang itong simbolo na hindi lahat ng nauna ay siyang tunay at purong minamahal.

Nagkakilala sina Romeo at Juliet dahil kay Rosaline. Hindi maalis sa isipan ko na ganito rin ang nangyari sa'min ng letse kong ex-boyfriend.

"Another one, miss?" Tanong nung waiter kaya agad akong napatingin sakanya.

"Yes, please."

Nandidilim na ang paningin ko sa wineglass na hawak ko. Kumikinang ang gintong likido rito kasabay nang pagkinang ng neon lights sa loob ng bar na'to.

"I thought this is your welcoming party? Bakit 'yung mga kaibigan lang natin ang nagsasaya?" Tumingin ako kay Maza ngunit agad ding naagaw ang atensyon ko nung waiter, naglagay siya ng likido sa wineglass ko.

"And why the hell are you drinking that much, 'yan ba ang natutunan mo sa province?" Lumagok siya ng alak saktong pagtama ng tingin ko sakanya.

"Please, ni hindi ako nagtagal do'n." Kalmadong sabi ko bago uminom sa wineglass na hawak ko.

I stayed in province for months. Simula kasi no'ng mamatay si daddy, mas pinili akong patirahin ni mommy sa mansion ni lolo sa probinsya. Ngayon heto ako, balik sa city life para i-improve ang nasira kong buhay do'n.

"Yet, you're still wrecked dahil sakanya." Tumigil ang lahat sa'kin nang bitawan niya ang mga salitang ito. Malakas kong binaba sa table ang wineglass na hawak ko. Umiikot na ang paningin ko.

"You don't have to say those words, Maza. I'm not wrecked! I'm okay!"

"Jeez, come on, Frances. You look wasted, this night should be fun." Bahagya niyang hinawakan ang braso ko para protektahan ako mula sa paghulog.

"Kaya kopa.." inalis ko ang kamay niya bago tumayo't inayos ang red dress ko.

"Where are you going?" Narinig kopa ang tanong niya pero hindi kona siya nilingon. Gusto kong lumabas ngunit hindi naging madali ang paglakad dahil umiikot na ang paningin ko.

"Shit!" Atunggal ko nang mabangga ako ng isang tao at saktong tumapon ang wine niya sa dress ko.

"Sorry, miss. Here tissue." Nagtama ang paningin namin at halos mawalan ako ng malay nang masilayan ang mukha niya.

"Franki?" Nilabi niya.

"It's okay, I'm g-going.." magtatangka na sana akong lumabas nang magsalita ang isang babae sa tabi niya.

"Take this, you will need that." Inabot niya sa'kin 'yung tissue bago ako nginitian. Tinanggap kona lang saka tuluyang lumabas sa loob ng bar.

Sa saktong pagkalabas ko ay nagkusang buhumos ang luha sa mga mata ko. Ang taong nakabangga ko ay ang ex-boyfriend ko kasama ang fiancée niya na ata. How lucky this night was! Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na hirap na hirap na ako. Gusto ko lang makalayo mula sa lahat. Bati pa naman sa party ko ay makakasalamuha ko siya, sana naman tinantanan niya na lang ako. Gusto niya pa talagang ipamukha kung gaano na siya kasaya sa iba habang ako ganito, mukhang tanga.

"Shit! Isa ka pa!" Inis na sigaw ko nang may makabangga nanaman ako.

Napatingin ako sakanya nang hindi siya magsalita. Isang babaeng naka-hoodie.

"Hindi kaba magso-sorry, you shit!" Makikita mula sa ilalim ng itim niyang hoodie ang ngiting pumorma sa labi niya.

"You're the one who should say sorry." Kalmado ngunit malalim na saad nito. Umanggat ang lahat ng dugo at wine sa buong katawan ko dahil sa inasal niya.

"Gago kaba? Bakit ako ang magso-sorry e ikaw na nga 'tong nakasakit! Why do you have to do this to me?! Wala akong ginawa sa'yo, shit ka! Puwede bang umalis kana lang at 'wag nang magpakita sa'kin?! Magsama kayo ng pinilit mo sa'kin, gago!" Tuloy tuloy ang pag sigaw ko at hindi kona namalayan na hindi na ako sakanya nagagalit, kun'di kay Marlon.

Awtomatiko siyang umalis at nilagpasan lamang ako. Nanlaki ang mata ko sa inasta niya, ni hindi siya sumagot o nagalit man lang sa sinabi ko.

Pero imbis na sabunutan ko siya ay napaupo na lang ako. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nito ang pagbuhos din ng luha ko. Mas malakas at mas masakit sa pagkakataon na ito.

"Halika rito," Huli na bago ako makagalaw nang hilahin ako nung babaeng naka-hoodie. Dinala niya ako sa isang madilim ngunit may silungan sa gilid ng daan.

Dumadagungdong ang galit na galit na ulan. Sinasabayan ata nito ang galit sa puso ko. Hindi ko binigyang pansin 'yung babae at patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak basta ang alam ko lang ay sobra akong nasasaktan.

"Did you know that crying can really ease the pain?" Kahit mahina ay narinig kopa rin ang sinabi niya.

"And did you also know that it can only ease the pain if you let yourself be free from the things that's hurting you?" Dagdag niya.

Sa pagkakataon na ito ay nakuha niya na ang atensyon ko. Binaling ko ang tingin ko sakanya habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa dilim at pag-ulan.

"Anong alam mo sa pain ha?" May pagka-sarkastiko kong tanong.

"Pain can kill a person inside." Simpleng sagot niya na mas lalong nagpaiyak sa'kin.

"Hindi ka nakakatulong, alam moba 'yun?"

"Hindi naman kasi ako tumutulong."

Nagtagpo ang dalawa kong kilay sa sinagot niya. Kakaiba 'tong tao na'to ah. Wala pa akong nakausap na kagaya niyang sumagot.

"Bakit mo pala ako sinamahan dito?"

"Alam mo 'yung kindness na tinatawag?" Lumingon na siya sa wakas pero hindi ko pa rin maaninagan ang mukha niya.

"People lack at it. Kaya ako na ang gaganap, hindi ko magugustuhan kung magkasakit ka dahil pinabayaan lang kita at lalo na kapag na-rape ka dahil gabing-gabi na tapos mag-isa ka lang." Huminga siya ng malalim bago inalis ang tuon sa'kin.

Caring naman pala. Napa-ismid ako do'n at himalang tumigil ang pagtalak ng luha sa mga mata ko kasabay nito ang pagtila ng malakas na ulan.

"Teka, ano bang pangalan mo?" Pagtanong ko rito.

Ngunit imbis na sagutin ako ay muli niya nanaman akong nilagpasan. Sinuot niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng hoodie jacket niya bago lumakad papalayo.

"Salamat..." bulong ko sa hangin.

Sa talang buhay ko ay ngayon kona lang ata muling nagamit ang salitang 'yan. Hindi naman kasi kagamit-gamit, wala namang dapat pasalamatan. Lahat dito sa mundo ay ginawa para saktan tayo, kahit ang mismong sarili pa natin.

Frances Margaret Russell is my name and hatred is my game. Lahat ng tao ay shit, ako lang ang natitirang matino. Half Kiwi Pure Devastated.


To be continued . . .



Comments and votes are highly appreciated.
Drink your water!

the loving [ MH series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon