Naiiwan ako sa condo pero mas madalas na umuuwi ako sa bahay namin kapag wala siya. I was contented with the usual calls and chats. Nakikita ko naman ang mukha niya kasi may video call naman. Nanunuod din ako ng live videos nila kapag may oras ako pagkatapos kong magreview.

"Syden, bakit kasi di ka na umamin sa akin? Kayo na ni Rhett, ano? I saw you watching their live video!" pang-aakusa sa akin ni Marriam.

"Ngiting-ngiti ka pa. Akala mo ba hindi ko napapansin? Noong November pa pero di ako nagtatanong ha? Gusto ko kasi umamin ka." tila nagtatampo niya ng sabi. Niyugyog niya ang aking balikat.

"Sige na. Secret lang naman natin. Kayo na ano?" she giggled and poked my cheeks. Nanulis naman ang aking labi bago si nilingon. Saktong tumama ang kaniyang daliri sa aking labi.

"Kayo na?" udyok niya.

"Oo na." pag-aamin ko. Tinanong lang naman niya kung kami na. If thay's the information that she needed then I'll give it to her.

"Ayiee, namumula ka oh!" Tinusok-tusok niya pa ulit ang aking pisngi. Pinalobo ko iyon para huwag niya ng panggigilan.

Mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin. "Blooming ka kasi. Tapos nawawala na 'yong pimples mo tapos nagpapa-facial ka na din kaya mas lalo kong napansin. And then one time, nakita kong sumakay ka sa sasakyan niya. Ilang beses na nga kaso pinabayaan ko na lang. I thought you'd tell me sooner pero mukhang wala ka namang balak na babae ka!"

Humagikgik ako. "Napapansin mo na pala bakit di ka magtanong? I won't hide things from you if you're that curious pero mas mabuti na ngang walang nakakaalam kasi sikat na sila ngayon. It was hard for us to meet after class."

"Ganoon? Sabagay, it's so hard to be involved with someone in the show business lalo na kung kasing gwapo ni Iceboy. Alam na ba ng kuya mo?"

"Oo naman. Rhett can't hide things from my brother."

"Your brother seems overprotective kaya siguro mas mabuting pinaubaya ka sa best friend niya. I think Rhett's not the type na magloloko considering he looks like someone who's not really easy to be seduced by anybody."

Napatingin ako kay Marriam. "Sa tingin mo di magloloko si Rhett?"

"Hindi and he's a grown ass man. Kung kaya niyang magloko edi hindi siya tunay na lalaki. He's also not worthy of your attention too if that happens."

Tumango-tango ako.

Mahal ko naman si Rhett at hindi ko naman siya pinagdududahan. Mas lalo namang hindi dapat siya magloko kasi mag-asawa na kami kahit hindi pa alam ng nakararami. It would be a shame if he cheated while our family knows we're married, right?

Pinilit ako ni Marriam na sabihin lahat ng nangyari sa amin ni Rhett. I made up a story of how he courted me, I twisted some ideas from the past years. Paniwalang-paniwala naman si Marriam. Gustong-gusto ko talagang sabihin sa kaniya na kasal na ako kay Rhett, pero kahit si Juni nga ay walang alam na may ganitong nangyari.

Sa totoo lang, gusto kong maranasan na makasal sa simbahan. I want my friends to know that my marriage took place in a church and not in the garden of our house. Kasi iyong kasal na iyon, wala akong naramdaman kundi kalungkutan at galit. I hid my real smile and showed everyone the fake one. Umiyak ako hindi dahil sa sa'yo kundi sa pagsisisi sa mga desisyon. That's why if I ever want to tell my friends I am married, gusto kong malaman nilang nakasal ako sa simbahan at mangyayari lamang iyon sa mga susunod pang taon.

Rhett and I didn't talk about getting married again, this time in a church. Mukhang ako lang din naman ang nag-iisip ng bagay na iyon. He was at the peak of his career while I am still at the bottom. Magkaiba ang iniisip naming dalawa sa parehong panahon. While he was  busy thinking about the present, I was already thinking about our future.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon