"Babalik ako"

Lumabas na ako ng kwarto at pinunasan ko ang luha ko.

I locked my unit and silently went into the elevator.

Habang nagdadrive ako pauwi iniiwasan ko ang pagluha ko. Ayaw kong maaksidente kahit pa kating kati nakong makita si Dad.

Pagkadating sa mansyon naabutan ko ang ambulansya at ang ibang nurses na labas pasok.

Patakbo akong pumasok pero napatigil din ako at pakiramdam ko ilang beses akong binagsakan ng langit at lupa ng makita ko ang stretcher na nilalabas mula sa kwarto nina Mom.

Nakataklob na ito ng kumot na puti.

Kasunod nito si Mom na hagulgol ang iyak. Mabilis ko syang dinaluhan.

Ang mga katulong namin ay ganun din . Tahimik nga lang ang pagluha nila sa isang tabi.

"Anak inatake sya. Hindi ko alam na may sakit ang papa mo"

"Sshh Mom , calm down a bit okay?"- pag alo ko sa kanya.

Nailabas na ang katawan ni Dad pero sa huling pagkakataon na gusto ko syang makita na walang kulang sa kanya pinatigil ko ang mga nurse.

Nakayakap lang sakin si Mama at nakatago ang mukha sa leeg ko habang ako mahinang naluha habang nakatingin sa mukha ng walang buhay kong ama.

Ang sakit.. Ganito ba yung pakiramdam ng mawalan ng taong importante at mahal mo? , kasi hindi ako makahinga. Gusto ko na lang isipin na panaginip ito pero hindi. Totoo lahat ng ito.

Bakit hindi ko manlang alam na may tinatago syang sakit?

Bakit hindi ko manlang nahalata iyon?, He looks so healthy in my eyes but deeep inside he's not.

"He died from a heart attack Ms.Cortez, hindi naagapan ang pagsakit ng puso nya kaya natuluyan na sya ngayon gabi. Matagal ng may komplikasyon sa puso ang Ama mo"

"Matagal na?"- takang tanong ko

"Hindi nyo po ba alam ang tungkol dito?"

Stupid ! , magtatanong bako kung alam ko?!

Pero instead of arguing I just stayed silent.
Mas tinuon ang atensyon sa pagpapakalma sa Mama kong nag hihisterikal na ngayon.

Patay na talaga si Dad. Wala na ang great Apollo Cortez. The man who taught me how to be brave enough in the business industry. The one who molded the young Athen Louise Cortez.



Walang gana akong pumasok sa office ni Dad dito sa mansyon.

It's so quiet. Binuksan ko ang ilaw at lumiwanag ang buong paligid.

Dahan dahan akong pumunta sa table nya at nanghihinang naupo sa swivel chair nya. Tinitigan ko ang family picture namin sa table.

We are all smiling in there. Ibang iba sa nararanasan namin ngayon.

Binuksan ko isa isa ang drawer at may nakita akong envelope.

May pangalan nakalagay duon.

For my Tanya

Binuksan ko iyon at hindi ko maiwasan na hindi magulat sa nakita ko.

It's... it's a design of my dream house.

This house...

"Jo?"

Kung hindi ako nagkakamali yung nakita kong blueprint nuon sa dating bahay nya at itong design na ito ay iisa lamang.

Chineck ko pa ang loob ng envelope at may nakita akong flash drive duon.

Inopen ko ang laptop ni Dad at sinaksak iyon. I play the video of him being happy while roaming his eyes around a big house.

Wanting my Dad so called MistressWhere stories live. Discover now