"Ano bang problema mo?" basag niya ulit. " I-share mo na sa akin 'yan bago ka mabaliw."

"Wala akong problema."

"Hindi ka naman magda-drama kung wala kang problema. Sige na, sabihin mo na sa akin. Nakaka-hurt ka na talaga. Noon, sinasabi mo sa akin kung sino ang mga crushes mo at mga heartbreaks mo. Bakit ngayon ayaw mo na?"

"I don't understand..." halos pa bulong na niyang sagot.

"Ang ano?"

Crosoft's eyes were still close when she glanced at him.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko..."

"Huwag mo na kasing dibdibin ang sinabi sayo ng daddy mo. Parang 'di ka na nasanay sa kanya. Akala ko ba move on be happy ang motto mo sa buhay?"

"Ang lakas mo maka-comment 'di mo nga alam kung anong pinag-usapan namin ni Daddy." Napasimangot naman siya. Eh malay ko ba? "It's not about Dad, Cam. It's about me. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko."

"Bakit? Huwag mong sabihing nagiging-clingy ka nang boyfriend kay Jeymes? OA mo naman kapag ganoon. At saka kung may LQ kayo ni Jeymes lilipas din 'yon. Sayang naman ang pinagsamahan n'yo, diba?"

Kahit naman sulsolan niya 'tong si Crosoft wala namang magbabago sa pusong babae nito. Mag-break man ito at si Jeymes makakahanap pa rin ito ng bagong lalaki sa buhay. At kung siya lang naman. Mas gugustuhin niyang si Jeymes na lang ang makatuluyan nito at baka mapunta pa si Crosoft sa ibang lalaki na paglalaruan lang ito.

"Hayan," dagdag niya. "Naglasing ka pa. Sa tingin mo ba maso-solve ang mga problema mo sa pag-inom?" inabot niya ang isang bote ng beer at sinipat ang laman nun. "Ilang bote ng beer na ba ang naubos mo ngayon?"

Tinungga niya ang natitirang laman ng bote. Gumuhit ang init at pait sa lalamunan niya. Muntik pa siyang masuka sa sobrang pait nun. Hindi siya sanay uminom pero ewan kung anong pumasok sa isip niya at inubos niya ang laman ng bote ng beer.

"Hoy! 'Di ka ba talaga magsasalita?" inabot niya ang canned beer na nakita niya.

Binuksan niya ang takip at lumikha 'yon ng tunog. Napansin niyang naubos na halos ni Crosoft ang bottled beer kaya puro canned beer na lang ang natira. Tinungga niya ang laman ng can. Napapikit siya nang gumuhit ulit ang init at pait sa lalamunan niya.

Ayaw mo magsalita, ha? Sige, uubusin ko 'tong mga canned beers mo.

Naka pito yata ng canned beer si Cambria. Nagsimula na ring mamigat ang talukap ng mga mata niya. Nararamdaman na rin niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Nakakaramdam na rin siya ng kakaibang kulo sa tiyan na hindi niya magawang maipaliwanag. Akmang iinumin na niya ang pang walong canned beer nang hawakan ni Crosoft ang kamay niya. Napatingin siya rito.

Blanko na naman ang expression ng mukha nito. Pero halatang lasing na rin ito. Kinuha nito ang canned beer sa kamay niya. Wala siyang nagawa kundi ang tignan ito habang inuubos nito ang laman ng can. Pabagsak na inilapag ni Crosoft ang walang laman ng canned beer saka siya nito binalingan ng tingin.

"Sino may sabing pwede kang maglasing?" seryosong tanong nito.

"Wala," asar na sagot niya. "Ayaw mo kasi akong kausapin. 'Di iinumin ko na lang 'tong tira mo." Umiikot na ang paningin niya kapag gumagalaw siya kaya naitukod niya ang isang kamay sa sahig para maibalanse ang sarili. "Bakit ba ayaw mo magsalita Crosoft?"

Nanatiling tahimik si Crosoft. Inabot nito ang isang canned beer at binuksan 'yon. Tahimik na sinaid nito ang laman ng can.

"Alam mo ba kung gaano kahirap magtago ng nararamdaman?" basag niya mayamaya. "Hindi madali. Mahirap. Masakit. Parang ano mang oras pwede ka ng sumabog. Pero kailangan mong itago ang nararamdaman mo. Kasi kapag inilabas mo 'yon. Malaki ang mawawala sayo. At maaring maging dahilan para mawala sa'yo ang lahat ng mayroon kaayo." Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang maiyak sa harap nito.

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon