At least in my dreams

17 2 0
                                    

A fan without Lightstick
A fan without Album
A fan without Merchandise
A fan without Money

No Concert experience
No Fanmeeting experience
No Fansign experience

Im elisse, i'm a kpop fan, a poor kpop fan.
And yes i exist.

_________________________________

"Nakakapagod" halos araw araw ko na lang ata yan nasasabi, hindi na ata giginhawa ang buhay ko dahil sa hirap na nararanasan ko

Isa akong estudyante sa umaga at crew naman ng isang fastfood chain sa gabi. Walang araw na hindi ako napapagod dahil sa kakakayod. Kailangan ko kasi magsikap para sa sarili ko dahil isa akong ulila. Matagal ng namatay ang mga magulang ko kaya mag isa na lang ako sa buhay

Kailangan kong makatapos ng pag aaral at gusto kong matupad ang mga pangarap ko, pangarap na mukang imposibleng matupad. Gusto ko kasi makapunta sa korea,makita ang mga group na iniistan ko, makaattend sa concert, at makabili ng mga merchandise

Alam nyo bang makita ko lang sila kahit na sa picture lang ay natatanggal lahat ng pagod ko? Kahit na sobrang hirap ng gawain ko dumadali kapag naaalala ko sila. They are my inspiration, my strength and also my weakness

Nakasakay ako ngayon sa bus kakagaling ko lang kasi sa trabaho. "Matagal pa pala bago makarating sa bahay" sabi ko at saka sumandal sa bintana ng bus

~~

"Teka totoo ba ito"
"Nandito na ako?"
"Nakikita ko na sila"

"You know it all you're my bestfriend"

Rinig kong kumakanta ang BTS at sumasabay naman ang mga army's, teka nandito ako sa concert nila ngayon?

Hindi ako makapaniwala pano nangyari yon? "Mas mga gwapo kayo sa personal" bulong ko sarili ko habang nakatingin sa kanila napakalapit nila sakin ngayon mukang nandito ako sa V.I.P seat nakapwesto

Naiiyak ako sa tuwa dahil sa pangyayari na ito parang dati lang pinapangarap ko pa makapunta at makita sila sa personal, pero ngayon "nandito na kayo, at napakalapit nyo pa saakin"

Sumasabay lang ako sa kanta nila at pati na rin sa fanchant, hindi parin talaga ako makapaniwala

Natapos ang pinakamasayang gabi ng araw ko

Nandito na ako sa harap ng bahay, nagulat ako sa nakita ko pagbukas ng pinto

"Waaaaa!!!" Nagtatatalon na sigaw ko "bakit may ganito? Bakit ako may ganito?!!!" Kinuha ko ang isang nakadikit na poster sa pader ng bahay ko sa pagkakaalam ko ay wala akong kahit isa na poster dahil kailangan kong magpitid ng pera

Sobrang daming nakadikit na poster na galing sa iba't ibang group at mukang official merchandise pa

"Paano nangyari to?"

~~

Napakarami ko ng napuntahan na concert halos lahat ata ng nagcoconcert dito ay napanood ko na. Tulad ng concert ng BTS, EXO, ASTRO, iKON, X1, WANNAONE, STRAYKIDS, CRAVITY, AB6IX, CIX at iba pa. Halos lahat din ng merch ay nakuha ko na hindi ko alam kung pano nangyari to pero angsaya

Kasalukuyan akong nasa concert ng TREASURE "ha ako?" Sabay turo sa sarili ko ng napansin kong tinatawag ako ng treasure paakyat ng stage, dali dali akong umakyat sa stage habang tumatalon pa dahil sa sobrang saya

"Annyeong" sabay sabay nilang bati saakin

Hindi ko maitago ang sobrang kasiyahan kaya mabilis akong tumakbo para yakapin silang laha-

T-teka bakit parang dahan dahan silang nawawala?

Nararamdaman kong may biglang umaalog sa katawan ko "miss gumising ka na dyan kanina ka pa natutulog" ha? San galing yon

Dali dali akong dumilat at nakita ko ang isang konduktor na nakahawak sa akin

"Panaginip lang pala" mabilis na pumatak ang luha ko dahil sa sobrang kalungkutan "akala ko totoo na, akala ko nakita ko na sila"

Kung panaginip lang ang lahat mas pipiliin ko na lang hindi na magising, mas pipiliin kong managinip kesa harapin ang realidad na imposibleng matupad ang mga pangarap ko

Atleast in my dreams i can buy what i want

Atleast in my dreams i can attend concerts

Atleast in my dreams i can reach them

Atleast in my dreams i can see them

"Atleast in my dreams"

-end

Atleast In My Dreams// One Shot StoryWhere stories live. Discover now