Napangiti ang lahat ng board members sa kumpanya nila. Sila kasi ang nagpa-upo kay Blue sa posisyon. Matapos ang halos anim na buwang training ng binata. Nakuha niya ang buong tiwala ng lahat maliban kay Belinda.

Napatayo si Belinda sa kinauupuan niya na nakakuha lang ng dalawang boto mula sa miyembro ng board. Umalis ito na nandabog dahil hindi niya tanggap na mas pinili pa ng mga kasama nila ang baguhan na pamangkin niya kumpara sa kanya na matagal nang nagsusumikap para sa kumpanya.

"Hindi pa tayo tapos, Blue!" mahinang sabi ni Belinda na siya lang ang nakaririnig.

Lumabas naman si Crezelda mula sa banyo. Hindi na kasi nito mapigilan ang ihi niya kanina. Pagdating niya sa kinatatayuan ng anak, niyakap niya ito at pinaulanan ng halik sa pisngi at noo.

"I'm so proud of you, nak. Galingan mo pa lalo. Sigurado akong masaya rin ngayon ang dalawang kapatid mo," hindi matagong saya na sabi ni Crezelda.

"Sana nga, mom," palungkot na sagot ni Blue.

"Kung nandito lang si Kat. Mas masaya pa iyon sa amin ngayo-" si Crezelda. Hindi niya itinuloy ang sasabihin nang makita ang paglungkot sa mga mata ng anak niya. "Sorry."

"Okay lang po," sagot ni Blue.

"Pero, nak? Wala ka ba talagang balak na hanapin si Kat?" tanong ni Crezelda.

"Sige na po, magpahangin na muna ako sa itaas. Salamat sa inyo," sabi ni Blue. Mas pinili niyang hindi na sagutin ang tanong ng ina niya.

Umalis na si Blue sa loob ng kuwadrado kung saan sila nagtitipon. Pumunta muna siya sa rooftop para magpahangin. Nitong huling mga buwan, hindi niya mapaliwanag kung bakit palagi niyang hinahanap si Katleya. Gabi-gabi niya ito napapaginipan. Nagsisisi siya sa ginawa niya nang huli silang magkita. Kinuha pa niya ang pagkabirhen nito. Masakit para sa kanya iyon, pero kailangan niyang gawin para lumayo ito. Tatlong araw mula nang nangyari ang insedenteng iyon, pumunta siya sa mansion ng Quizo. Lumuhod siya sa harapan ng magulang ni Katleya at humingi ng isang kapatawaran. Walang pumansin sa kanya, pero hindi siya sumuko. Umiiyak siya habang ipinaliwanag ang nangyari. Gusto man siyang saktan nina Black at Fernando, pero nangako ang mga ito kay Katleya na hindi dadapo ang kamay nila sa balat ng binata. Pinanghahawakan nila ito dahil natatakot sila sa oras na malalaman ito ni Katleya ay may gagawin itong masama sa sarili niya. Isang buwan din na pabalik-balik si Blue sa bahay nila Katleya, pero hindi niya nakuha ang gusto niyang kapatawaran. Naiintindihan iyon ni Blue, pero hindi pa rin siya tumigil na makuha muli ang inaasam na kapatawaran sa pamilyang naging parte ng buhay niya.

"Saan ka na ba, Kat?!" sigaw ni Blue. Inilagay niya ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang baba at muling sumigaw. "Na miss na kita! Sorry! Alam kong kinamuhian mo na ako ngayon, pero sana mapatawad mo pa rin ako sa ginawa ko sa iyo. Ang sakit na humantong tayo sa ganito." Nangingilid ang luha nito. "Umalis ka para lang layuan ako. Ang sama ko! Hindi ako naging mabuti sa iyo. Binasag ko lahat ng pangako ko sa kapatid ko. Kat! Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na!"

•••

"Bata, damihan mo ang mangga kung pumunta ka rito, ice cream din, vanilla flavor," hiling ni Purple. Magka-usap sila ni Green sa phone.

"Ano ba 'yan! Nandito na ako sa harapan ng gate niyo. Mangga lang ang binili ko," pagrereklamo ni Green.

"Huwag ka ng pumasok!" inis na sigaw ni Purple. "Tandaan mo, pinilayan mo ako matapos ipinatikim sa akin ang langit, 'tapos ngayon? Ice cream lang at hindi mo pa kayang bilhin? Uwi!"

Hinampas ni Green ang manobela ng sasakyan niya. "Bibili na nga!"

"Mabuti naman. Isang rocky road na rin."

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now