Chapter 5: Waterfalls

112 6 2
                                    


"Hoy! Totoo ba yung balita na nagtransfer na daw si Rain?" Tanong ni Razel.

Nasa canteen silang magkakaibigan.  They see to it na kahit magkakaiba man sila ng course ay may isang oras sila na vacant lahat para makapagbonding.

"Rain? Sinong Rain?" Tanong ni Demi.

"Yung kakissing scene ni Aly"

Nagtinginan naman ang lahat sa kanya.

"Oh? Bakit sakin kayo nakatingin? Ako na ba si Rain?'' Maang na tanong niya.

"Alam mo bang magtatransfer na siya?" Tanong ni Johana.

"Hindi at wala akong planong alamin. Di naman kami close eh" tanggi niya. Ayaw niyang sabihin sa mga kaibigan na nagpaalam na si Rain sa kanya. Paniguradong uulanin siya ng asar at tanong ng mga ito.

"Ganun? Baka naman joke lang yun?" Tanong ni Bea

"Reliable ang source ko. Yung exgf mismo ni Rain ang narinig kong nagsabi" pagtatanggol ni Razel sa sarili

"Sayang naman. Akala ko pa naman magkakalovelife na si Aly'' nanghihinayang na sabi ni Johana.

"Ako talaga?!"

"Oo. Syempre ikaw ang nakakissing scene nun eh. Hindi naman kami"

"Walang kami okay? Lalo na ngayon. Mabuti ngang nawala siya eh wala nang mangungulit sakin" biglang sabi niya.

"Bakit? Kinukulit ka ba niya nung nandito pa siya?" Tanong ni Phoebe.

"Ha?hindi naman. Baka lang. May masabi lang ako. Hehe" palusot niya. "Sige maiwan ko na kayo" paalam niya at binitbit na ang gamit niya paalis. Bahala na ang mga kaibigan niya kung nagtataka ang mga ito sa inasal niya. Basta gusto niya nang makaalis dun. Ayaw niyang pag usapan si Rain.

***

Hindi maintindihan ni Allison kung bakit masyado siyang affected kay Rain. Eh ano kung ito ang first kiss niya? Sabi nga nito nadadaan naman sa toothbrush iyon pero bakit kahit ilang toothbrush na ang gawin niya hindi pa rin mawala sa isip niya ang halik na ibinigay sa kanya ng binata. Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog ito hudyat na may text message siyang natanggap.

Titignan na sana niya kung sino ang nagtext sa kanya nang matigilan siya. Baliw nga yata talaga siya dahil ang suplado at gwapong mukha ni Rain ang ginawa nyang wallpaper ng cellphone niya. Mabuti na nga lamang at hindi pa iyon nakikita ng mga kaibigan niya. Nakaramdam ng konting kirot sa puso si Allison nang maalala ang binata.

"Inlove ka noh?" Nagulat siya nang biglang tumabi sa inuupuan niyang bench ang kaibigang si Johana.

"Inlove ka sa taong nandyan sa cellphone mo"

Huli na para itago ni Allison ang cellphone dahil mukhang nakita na ito ni Johana.

"Hindi ako inlove noh!" Tanggi niya. Eh sa hindi niya nga alam kung anong ibig sabihin ng inlove maliban sa depinisyon nito kay google.

"Kung hindi ka inlove, bakit may waterfalls dyan sa mata mo?"

Awtomatikong napahawak si Allison sa mukha niya. Hindi niya akalain na umiiyak na pala siya.

"Nung bigla ka nalang umalis we all know na may problema ka, nagturuan kami kung sino ang hahabol at kakausap sayo. Ako yung tinuro nila dahil mas maiintindihan kita. Syempre matalino ako eh" nakangiting sabi nito sa kanya. Kahit alam niya na inaasar siya nito, she knows that her friend is concern to her. And that stirred something on her heart.

Nagpapaawang napatingin siya kay Johana.

"Jho, anong gagawin ko?" Malungkot na tanong niya.

Pakiramdam niya kasi blangko na ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin. Seeing her friend ay naramdaman niya ngayon ang lungkot.

"Unang una, punasan mo yang luha sa mga mata mo, mamaya isipin nila na inaaway pa kita. Pangalawa, wala kang gagawin kasi wala naman na dito ang iniirog mo. Nilayasan ka na bago pa man niya malaman na gusto mo siya"

Pinunasan naman niya ng inabot nitong panyo ang mukha niya pero patuloy pa din ito sa pagluha.

"Paano mo ba masasabing inlove nga? Hindi ko naman iniisip iyon eh"

"Eh gaga ka hindi naman talaga iniisip ang love eh nararamdaman iyon. I wish kaya kong sagutin ang tanong mo kung paano masasabing inlove nga dahil hindi ko pa rin naman nararamdaman iyon"

"Sa dami ng naging boyfriend mo hindi mo alam ang feeling ng inlove?" Her friend dubbed as the most playgirl  and boy magnet in their group. Kahit nga second year palang ito ay madami na ang nakakakilala dito. She didnt mind kung masama ang image nito sa school dahil binabawi naman nito sa academics ang lahat. Sadyang matalino ito kaya walang makapagsasabi na bulakbol ito. Her friend is obsess in falling inlove with "the one" kaya kung magpalit ito ng lalaki ay parang nagpapalit lang ng damit.

"Hindi ko alam ang feeling ng inlove, pero para sakin kapag may wateralls ng tumulo sa mga mata ko at may masakit na kumikirot na laman sa dibdib ko,thats the time na masasabi ko na inlove na nga yata ako"

"So inlove nga ako kay Rain?"

"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Alam mo swerte ka nga eh kasi nakita mo na yung taong gusto mo at naranasan mo na kung paano mainlove" tumingin ito sa langit at napabuntong hininga.

"Swerte bang matatawag ang umiiyak? Saka napakaikli pa lang ng panahon na nagkakilala kami, sapat na ba iyon para masabing inlove ako sa kanya?"

"Ang love wala naman sa tagal ng panahon iyan eh. Nasa nararamdaman iyan. Saka package deal ng love ang sakit. Sabi nga diba buy love take pain"

Naalala bigla ni Allison ang naging usapan nila ni Rain tungkol sa love over a cup of coffee.

"Ang isipin mo nalang, atleast nagmahal ka. Okay lang naman ang malungkot. Okay lang ang umiyak kasi siyempre nasaktan ka eh. Pero gawin mong inspirasyon si Rain. Malay mo in the future magkita ulit kayo tapos magiging happy ending din ang story niyo. Oh diba ang saya nun? Kaya cheer up! Hindi pa katapusan ng mundo. Wala pang namatay sa broken hearted" payo nito at nginitian siya.

Allison smiled kahit na medyo kumikirot ang kapirasong laman sa dibdib niya at may waterfalls sa mga mata niya. She hugged her friend.

"Thank you friend"

Iisipin nalang ni Allison na hindi nangyare ang lahat. Kunwari hindi niya nakilala si Rain, kunwari hindi siya nito hinalikan at kunwari hindi siya nainlove dito. Hindi na rin siya magmamahal ulit. Ayaw niya ng magkaroon ulit ng waterfalls sa mga mata niya at ayaw niya na ulit na may kapirasong laman sa dibdib niya na kumikirot.

Basta ayaw na niya!

***

Author's note:

Ako din may waterfalls sa mga mata :(

Daydreamers Series: Love is like a Cup of CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon