Chapter 50 [Richard Flores]*

Start from the beginning
                                    

Naabutan naman namin ang caretaker ng bahay na nagdidilig ng mga halaman.

“Manang, aalis na po kami.”

“Ah sige,Charles. Mag-ingat kayo ha. Kamusta mo nalang ako sa magulang mo. Advance Happy New Year na rin kamo.”

“Salamat po. Makakarating po sa kanila. Advance Happy New Year din po. Bibisita nalang po ulit kami sa susunod. Babye po.”

“Paalam din. Sayo rin hija. Ingat kayo.” Sabay tingin niya sa akin.

“Paalam din po. Salamat po sa pag-welcome sa amin.” Naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Drake. Kumaway kami sa isa’t isa hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin namin.

Ilang oras nakalipas, nakarating din kami sa Manila. Dumiretso kami sa bahay ni Tita Ana. Nandun na pala ang lahat. Ay joke. Si Claire at Jethro pa pala. Malayo din ang Baguio. Baka mamaya pa sila makarating.

“Chessa! Charles! Andito na pala kayo. Si Claire at Jethro ba na-contact niyo?” Tanong ni Tita Alice.

“Opo. Papunta na rin po sila. Pero nasa Baguio daw po sila baka mamaya pa makarating.”

“Ay ganun ba? Sige. Pahinga nalang muna kayo. Pare-pareho kayong nabigla eh. Hintayin muna natin sila.” Napag-alaman ko na lahat pala kaming magbabarkada ay biglaang pinatawag. Nasa kanya-kanya din pala silang bakasyon.

Kung anu-ano lang ginawa namin. Yung iba, natulog muna. Tapos mayamaya, dumating na din sila.

“Kerry-kerryyyy!”

“Jetty! :D Buti dumating na kayo. Ang tagal niyo!”

“It was traffic.” >o< Tumingin siya kila Tita. “Sorry po matagal kami.”

“Haha. Okay lang yun hijo. Mahaba talaga ang biyahe.” ~ Tita Alice.

“Oo nga naman. Haha. Oh tara na doon sa meeting room at umpisahan na ang meeting.” Tumayo na si Tita Ana at naglakad papunta sa meeting room daw. Sinundan nalang namin siya dahil di naman namin alam kung saan yon.

Kaya pala kami pinatawag dahil gusto nila Tita na magkakasama kami sa New Year. So, nag-plano kami ng kung anu-ano.

“Dapat maraming games!” Suhestiyon ni Kelly.

“Oo nga!” Sang-ayon naman ni Luigi.

“Marami na kaya! Pinaka maganda talaga yung truth or dare. Bwahaha.” ~ Nech

“Tamaaa!” ~ Hannah

Mga loko talaga ‘tong mga to. Panigurado kakaiba yung truth or dare na mangyayari sa bagong taon.

***

December 31, 20**

6 PM

 

WAAAAAAAH! Mayamaya lang, sasalubungin na namin ang bagong taon *u*

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now