Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*

3.4K 43 12
                                    

Dedicated sayooo... Ate Kaye ang babaeng katulad ko. Haha. Ang nag-pauso ng batas na bawal mag-PO. Haha xD

Thank you for being a good friend :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Part two)

Papayag ba ako?

Oo na siguro. Wala namang dahilan para humindi. Saka ano pang itatago ko sa taong ito kung nakita na niya ang lahat. Actually, hindi naman lahat. Haaaaist. Ang gulo na naman.

Pero...Syempre, gusto ko ding malaman kung anong history niya. Kakaiba din kasi talaga siya.

Fine. Fine. Sasabihin ko na ang totoong nilalaman ng aking isipan.

(Hoooy! Namiss kita. Umaariba ka na sa pagtatagalog ah? Haha.)

Okay. Namiss din kita. Pero konti lang. Well, ganon talaga Ms. Otor magaling magturo ang teacher namin sa Filipino. Saka malakas ang pandinig ko. Naririnig ko ang mga Alien Languages ng classmates ko.

(Weh? Okay naniniwala ako dun sa teacher pero sa malakas ang pandinig? Haha. Eh diba nga pinaparinggan ka lang nun. Haha.)

Eeeeerr. Ang sama mo naman. Hindi pa nga ako nakaka-move on dun inaasar mo na naman ako. *pouts*

(Hahahaha. Sige na. Hindi na. Osha mag-explain ka na.)

Okay. So... Ayun nga sasabihin ko na yung nasa isip ko. Baka sabihin niyo kung ano pang history ang mga sinasabi ko eh. Eto na...

*sighs*

Mukha siyang gangster. Kung paano siya kumilos at magsalita, ganon ang ibang gangsters sa States. Yun bang cool. At yung mukha niyang nakakatakot ang pinaka kahina-hinala. Pero may isang rasong nagsasabing hindi siya gangster. Kung oo man, hindi masama.

At kung ano ang rason na yon? Yun ang pag-trato niya sa akin. Pati narin siguro sa iba.

Hindi siya katulad ng gangsters sa States na puro kalokohan ang lumalabas sa bibig. Hindi siya nambabastos ng kahit sino man at may pakialam siya sa mga taong nasa paligid niya.

Parang ngayon... Hindi kami magkakilala ng lubusan pero heto siya inaalok ako ng pagkain.

"Sige. Payag ako sa gusto mong mangyari. Tatanungin kita at tatanungin mo rin ako."

"Ayun naman pala. O-oo ka din naman pala ang tagal mo pa sumagot..." Reklamo niya.

*death glare*

"Haha. I'm just kidding, okay? Wag kang magalit. Sige na kain ka muna. Sorry yan lang ang nabili ko eh." Hala? Seryoso? Siya pa talaga nag-sosorry?

"Anong sorry ka dyan? Ako nga ang dapat mag-sorry eh. Mukhang naabala pa kita."

"What? No, it's fine. Kumain na nga lang tayo. Gutom lang yan."

Ilang minuto ang nakalipas, natapos kami kumain. Nauuhaw ako! Wala akong dala kundi ang bag ko lang na notebooks ang laman.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now