TTOR: 39: 18 Birthday Party

Start from the beginning
                                    

"Wow," namamanghang sabi niya. Napangiti naman ako at tumingin sa salamin para makita siya. "My future wife," agad naman ako'ng namula sa sinabi niya. Pati na ang make up artist ko ay napansin niya na kinikilig ako.

"Ay nasobrahan ko 'ata ang paglagay nang blush on sayo.." biro ni Ate.

"Ha? Eh hindi niyo pa naman po ako nilalagyan nang blush on, Ate." Nagtatakang sabi ko. Palihim naman siyang ngumiti kaya mas lalo akong nagtaka.

"Namumula kasi ang pisngi mo, hija." Nanlaki ang mata ko at tumingin sa sarili ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. Nagiinit nga ang pisngi ko,

"Ah, hehehehe. M-Mainit po kasi," pagdadahilan ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Anak, hindi naman mainit may aircon dito sa kwarto." Saad ni Mommy. Suck! I'm dead!

"Denial," napatingin ako ka'y Francis na ngayon ay nakangisi na. "Aminin mo na kasi na kinilig sa sinabi ko," nakangising sabi niya pa rin.

"H-Hindi nga a-ako kinilig,"

"Eh bakit nauutal ka?" Natigilan ako sa sinabi niya. Humarap na lang ako sa salamin at sinabihan na lang sa makeup artist ko na ipagpatuloy na lang ang ginagawa niya.

"Perfect!" Masayang sabi niya nang matapos na niya akong ayusan.

"Ganda!" Napatingin ako sa pinto na'ng pumasok sila Macie.

"Normal na normal ang suot niyo." Nakangiting sabi ko.

"Duh! Alangan naman na mag gown kami." Mataray na sabi ni Lliope. Napatawa naman ako at sunod na pumasok ay sila Gab na.

"Ow!" Sigaw nila Gab at Xyder.

"Para'ng nakakita ako nang mahal na prinsesa?" Namamanghang sabi ni Xyder.

Ngumiti ako. "Thanks," saad ko.

"You're so gorgeous," napatingin naman ako ka'y Theo na bigla siyang magsalita. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thanks," normal na sabi ko. Ramdam ko naman na lumapit si Francis kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm your escort, my queen," nakangiting sabi niya kaya namula na naman ako.

"Yiiiieeee!" Asar nila. Napatingin naman ako sa kanila. Nahagip na'ng mata ko si Theo na ngayon ay nakangiti lang. Simpleng ngiti.

"Lalabas muna kami," saad ni Mommy.

"Ah, sige po." Sambit ko. Lumabas na sila kaya humarap na ako sa salamin.

Parating na daw kasi ang magdadala nang gown ko. Kaya maghihintay na lang ako dito. Tinignan ko lang ang kabuuan na'ng mukha ko. Syempre meron sa side ko na naninibago ako. May contact lens kasi ako ngayon kaya mas gumanda ang ayos sa akin. Yung mga pilik mata ko ay mas lalong kumapal dahil may nilagay siya na pilik mata. Inayos din niya ang kilay ko. Ang labi ko na matuyo tuyo dahil sa ganda na'ng kulay na 'to.

Nakabath robe ako ngayon dahil hinaantay pa ang gown ko. Tumayo ako at tinignan ang aking sarili. Ang mga buhok ko ay lalong gumanda dahil sa ayos nito. May kung anong nakalagay na perlas sa aking buhok. Para naman akong ikakasal? Napangiti ako sa aking na isip. Kung ikakasal 'man ako sa kaniya. Sa kaniya lang mismo. Namula ako sa naisip ko. Napangiti na din.

The Taste Of RevengeWhere stories live. Discover now