TTOR: 40: Kidnapp

27 1 0
                                    

ELLEN's POV(short pov po ito hehehe)

KASALUKUYAN akong nasa labas dahil gusto kong magpahangin. Masyado'ng maingay sa loob dahil ang karamihan ay nagsasaya. Konti lang kami'ng nasa labas yung iba ay nagpapahangin at yung iba naman ay nakikipagusap. Gumalaw nang kusa ang mga paa ko at dinala ako mula sa pinakalabas. Nakaramdam ulit ako na'ng hangin na sobrang lakas. Napatingin naman ako sa likod nang may sumunod sa akin.

"Bakit po kayo na sa labas?" Tanong niya. Napangiti naman ako at humarap sa kaniya.

"Gusto ko lang magpahangin, hijo." Saad ko dito. Magalang at mabait na bata ang nasa tabi ko. Tila'y para'ng ituring ko na siyang anak. Pinsan siya ni Ori.

"Jondie," tawag ko dito. Tumingin ako sa malayo at napangiti. "Sa iyong tingin pwede na ba akong lumisan?" Tanong ko. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay may gulat sa kaniyang mukha.

"Tita?" Saad niya. Napangiti naman ako at inakbayan siya.

"Nasa tamang edad na ang iyong tiya, hijo. Medyo mahina na din ako," pagtatama ko. Napangiti naman ako nang mapait at humarap sa mga nagdadaang sasakyan. "Hindi lahat nang oras nakatayo ako sa mundong ito, Hijo." Saad ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang mapait. Nababalutan siya nang lungkot at pagaalala. Ginulo ko ang buhok.

"Pero Tita, kaya mo naman silang labanan diba?" Saad ko. Nangiti na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya.

Mahina na ako kaya hindi na kaya nang katawan ko ang lumaban. Ngunit alam ko naman na nalalapit na ang pagkawala ko sa mundong ito. Nararamdam ko iyon kaya hinahanda ko na lang ang aking sarili sa gaganapin na trahedya. Nagpaalam na sa akin si Jondie na babalik na. Pero pahakbang pa lang ay bigla na lang may humawak sa braso ko at pinipilit na isakay ako sa Van. Sinabihan ko si Jondie na humingi nang tulong kaya agad naman siya'ng tumakbo.

"Let me go!" Sambit ko at pinipilit na kumawala.

"No, honey." Saad nang lalaki. Pinipilit ko na makaalis sa mga kamay pero hindi pa din.

"MOMMY!" Napatingin ako sa sumigaw. Nangilid agad ang mga luha ko na'ng makita ko si Ori. Lalapit na sana siya pero huli nang mapasok na nila ako sa Van. "Mommy!" Sigaw niya. Nagpupumulit akong pumiglas pero may naramdaman na lang akong nagkuryente sa tagiliran ko at ako'y nawalan nang malay.

ORI's POV
(Thursday)

Biyernes na pero hindi pa din nahahanap si Mommy. Mas lalo akong kinabahan kaya ako na ang nagisip nang paraan kung paano ko mahahanap si Mommy at kung paano ko malalaman kung sino ang pumatay sa kaniya. Himdi ako papayag na may mangyayari sa kaniya dahil once na nangyari 'yon hindi'ng hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil pinabayaan ko na makuha lang si Mommy nuon. Gusto ko'ng malaman kung sino nagutos sa kanila na ipadakip siya.

Kaya inaasahan nang mga kaibigan ko na ako na ang gagawa nang aksiyon hindi pwede na tumunganga lang ako at maghintay na ibalik si Mommy. Nanginginig ang mga kalamnan ko at hindi malaman ang gagawin. Palakad lakad at nagiisip kung paano kikilos. Nasa bahay kami ngayon lahat dahil delekado na sa labas. Marami naman kwarto dito sa bahay. Kaya dito muna sila pinatira ni Daddy dahil sobrang delekado na sa bahay.

Makukuha na dapat si Macie na'ng iligtas siya ni Frank. Kaya lahat sila ay kinakabahan sa ano mang mangyayari mas lo ako ay kinakabahan pero to-do isip pa din ako kung ano ang gagawin ko. Tutulungan ako nila Daddy at pati na si Francis. Kahit pati na sila Theo at Gab ay nagsumamo na sasama sila. Alam kong mahirap Ito dahil si Mommy ang puntirya nila. Alam kong papatayin nila si Mommy at kung mangyari man yun ay hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya niya.

The Taste Of RevengeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum