Chapter 21 - Everything.. is a big LIE

46 2 1
                                    

A/n: Thank you sa reads guys! :') Malapit na tayo mag 4k. Hart hart <3 Message/comment nalang sa gusto magpadedicate ^_^ Thank you talaga ng marami. Kahit ang tagal ko mag-update hahaha! Grabe, sorry huh? Napakatamd ko eh, pero promise! New year's resolution ko ang maging masipag sa paguupdate :* Thank youuuuuuuuu!!! 1 year na tayo :* Thank you talaga. 

Third Person's POV

Nagsimula ng tumugtog yung banda. Tonight ng FM Static. Pero bago pa sila makasayaw. Dumating si Forest Chin at...

"K-kuya Steve" umiiyak siya habang tinatawag si Steve.

"S-si Parj." 

"Anong nangyari kay Paris?! Sagutin mo ko!" galit na sabi ni Steve.

Ngunit lumapit siya kay Chin at inalog ang mga balikat nito. "Hindi ka parin magsasalita?! Sagutin mo sabi ako eh!!" Ang diin ng hawak niya sa balikat ni Chin. Hindi makapagsalita si Chin dahil sa sobrang iyak nito. 

"Steve naman! Bitawan mo yung bata." Pero parang wala siyang narinig at tinulak pa si Forest Chin. 

France's POV

Pagtingin saakin ni Steve parang..parang hindi niya saakin sinabi kanina na gusto niya akong maging ina ng mga anak niya. Parang hindi niya sakin sinabi na gusto niya akong makasama habang buhay. Parang.. parang hindi niya ko kilala.

"Wala kang pakialam." sabi niya tsaka lumakad paalis.

"Ate France, sorry. Sorry, hindi ko sinasadyang sirain yung gabi niyo. Sorry ate France" sabi niya at humawak sa braso ko.

Nginitian ko siya pero sadyang napakatraydor ng mata ko, bakit tumulo parin sila? Bakit umiiyak ako? Eh alam ko namang kahit kelan hindi ako yung magugustuhan niya-- na kahit kelan, hinding hindi ko mapapantayan si Paris Jade. 

"Okay lang yun, Forest Chin. Not a big deal. Iniwan niya lang naman ako matapos niya akong pasiyahin. Ganyan ba talaga ugali ng Steve Ian Corpuz na yan huh?! Ha-ha. Hindi ba siya naturuan na wag tatalikuran yung mga taong pinahahalagahan siya?" Pilit kong pinupunasan yung mga luha na patuloy na tumutulo pero walang nangyayari kasi may panibagong tumutulo. 

Sana ang lalaki parang luha nalang, pagkatapos alisin. May panibagong darating. 

At gaya ng gusto ko... may dumating. 

Tiningnan ko yung panyo na nasa harapan ko. Kinuha ko ito at pinunas sa luha ko. "Thank you, Trence." 

"Umm. Forest Chin, iwan mo muna kami." sabi ni Trence. 

"Uhh? Sige." Umalis na ito at kami na lang dalawa dito. 

"France, iniwan ka niya diba?" 

"Ayy hindi! Hindi niya ko iniwan kaya nga wala siya dito diba? Kasi hindi niya ko iniwan." sarcastic kong sabi sa monggloid na to 

"Aba! Niloloko mo ba ko? Eh wala nga siya dito eh" binatukan pa ko, monggoloid talaga T^T

"Hindi mo alam yung sarcasm? Budoy ka kasi eh." 

"Masakit yung budoy huh? Pwede bang mahal nalang ang itawag mo sakin?" sabi niya sabay wink. 

"Hindi ka naman binebenta ah? Bakit mahal? Tapos tatawagin mo kong mura? Aba! Hindi tama yan."

Nang tiningnan ko ito, nakapokerface siya. 

"Eh ikaw 'tong budoy saatin eh. Tara na nga." 

 Nagulat ako ng hinila niya ako patayo, hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa balikat niya tsaka inilagay yung kamay niya sa bewang ko.

" H-hoy! Adik ka ba? Nakadrugs ka ba? Ano to? Puntahan mo na si Bes, baka hinahanap ka na nun." sabi ko tapos tinutulak-tulak ko siya.

Pero yung pagtulak ko sakanya, sana pala hindi ko nalang ginawa. Kasi mas nilapit niya ako sakanya, niyakap niya ako kaya yung mga mukha namin,  parang isang ruler nalang ang layo sa isa't isa.

Kasabay ng pagsway namin ay yung pagpalit ng kanta. 

NP : What you mean to me by Sterling Knight

(play video on the side para mas feel -->)

"France, hindi ko sinasadyang mahulog sayo." sabi ni Trence habang nakatingin sa mata ko.

"H-haha! Ano bang sinasabi mo? Akala ko ba si Tiff yung gusto mo?" sabi ko, sa totoo lang kasi naiilang ako. Kasi diba? Gusto to ng bestfriend ko tapos sasabihan niya ko ng ganito. Diba?

Gwapo si Trence, pero sa paningin ko.. mas gwapo si Steve. 

Mabait si Trence, pero para sakin... mas mabait si Steve kahit ganun siya

Ideal boyfriend si Trence... pero mahal ko si Steve. 

"Kelan ko sinabi yun? We're just friends. France naman, just one chance. Papatunayan ko na mas better ako sa pinsan ko." 

Hinawi niya yung kumakalat kong buhok dulot ng malakas na hangin. 

"Ang lakas ng hangin no? Haha! Tara na, pasok na tayo." sabi ko habang hawak yung kamay niya. 

Pero bumitaw siya at umakyat sa stage. Inagaw niya yung mic duon sa vocalist. 

"France, Here I am with all my heart.. Come take my hand I want the world to see what you mean to me." Tinula niya yung ibang lines sa chorus ng kanta. 

Napakacomplicated naman kasi ng buhay na 'to. Kanina naiyak ako tapos pinatawa ako ng budoy na to tapos pinakaba niya ko tapos ngayon pinapaiyak niya nanaman ako. 

"Akala ko ba si Steve yung karelasyon ni France?" 

"O my G!! She is so.. urghh! Why is she making agaw the handsome guys ba? Like she's not even maganda!" 

Pinagbubulungan na nila ako. Aishh! Ano ba naman kasi yan >..<

"France, will you be my girlfriend?" Nabalik yung atensyon ko kay Trence. 

Ano bang sinasabi niya?! o.o 

Patay ako pag narinig to ni Ane. Tsk 

Pero dahil kaibigan ko rin si Trence at ayoko siyang ipahiya sa harap ng maraming tao...

Dahan-dahan akong tumango and I mouthed the word "Yes." 

Humanda ka talaga Trence! Pasalamat ka mahal kita (bilang kaibigan) at ayaw kitang mapahiya -___- 

Secretly InloveWhere stories live. Discover now