Chapter 24 - Real Pain

76 2 0
                                    

A/n : Oh ano? Tagal UD diba? HAHAHA LA EH TAMAD EH. Pero here it is naman na. Love lots :*

Ane's POV

Oh my god.

Wala akong masabi. Hindi ko inaasahan lahat ng 'to. Nawala lang ako kanina para hanapin si Trence. Tapos ito pa madadatnan ko?

Isang pagtango lang ng bestfriend ko, nabasag agad ang puso ko.

Sabi ko na ng aba, dapat kay Steve nalang ako. Sana si Steve nalang ang minahal ko. Kung alam ko lang na ganito, sana pinigilan kong mahulog

Y-yung tingin ni Trence kay France. Yung tingin na puno ng pagmamahal, kahit kailan hindi ko nakitang tingnan niya ako ng ganun.

Nang natapos na ang eksenang ginawa nila duon. Bumalik na sila sa upuan. Cinongratulate naman sila ng mga guests, may ibang bitter, may ibang tuwang-tuwa.

Ano pa baa ng pwede kong magawa bukod sa umiyak? Ang magpanggap kaya? Magpanggap na wala akong nakita? Siguro yun nalang muna ang gagawin ko. Pero diba dapat masaya ako para sa bestfriend ko.... At sa lalaking mahal ko? Pero bakit ganito? Bakit ako nalulungkot? Sana masaya nalang ako. Sana saya ang nakabakas sa mukha ko at hindi kalungkutan.  

Bumalik nalang ako sa seat ko. Ano pa bang choice? Ang umalis sa party? No way. Di ako ganun.

Umupo ako sa tabi ni Trence.

"A-ane." Sabi ni France.

"Yes?" Sabi ko, habang nakangiti.

"Nevermind." Iniwas niya nalang yung tingin niya.

 Si Trence? Ayun, Parang walang nakita. Parang wala lang sakanyang umupo ako sa tabi niya.

Nakita ko yung kamay nilang dalawa sa ilalim ng lamesa. Magkahawak. Nahawakan na ba ni Trence yung kamay ko? Na parang ganyan? Hindi ko maalala.

Dumating na ang waiter para iserve ang pagkain. Ilalagay dapat nung waiter yung plato sa harap ni Trence nguniit napansin kong nakapatong ang isang kamay niya sa lamesa at dun ipapatong nung waiter yung pagkain kaya naman kinuha ko yun, yung kamay niya.

Napatingin sakin si Trence ng nakakunot ang noo. Pero mas ikinagulat ko ang ginawa ni France, inagaw niya sakin yung kamay ni Trence.

Why would she do that? Alam kong aware siya sa feelings ko para kay Trence pero bakit kung umasta siya parang kanya yung lalaki ko? Ayy... kanya na nga pala.

 

"Ah.. sorry." Sabi ni France.

"Bakit ka magsosorry? Girlfriend naman kita ah? Hahaha halika nga dito." Kinuha ni Trence yung kamay ni France tsaka hinalikan.

Ouch. Bakit sa harap ko pa? Ano bang nagawa ko sakanya para iparamdam sakin to?

"Uhmm. Can I go home na ba France? Medyo masama kasi pakiramdam ko today."

"Sure. Susunod ako. Hintayin mo ko huh?" Sabi niya at nagpaalam kay tita.

"Ahh, hindi na. Baka hindi na kita mahintay." Sabi ko tsaka tumalikod. I went straight to our apartment.

France's POV

"Shoot. Trence, Pano na yan? Nasaktan ko si Tiff." Sabi ko. Totoo naman. Kahit anong pagpapanggap niya na masaya siya. Alam kong hindi, kilala ko kasi siya.

"We'll fix this. Do you trust me?" sabi niya.

"Ofcourse. Per—"

"If you trust me it means you love me."

"What?!?!"

"Haha. Ang cute mo.. Tara hatid na kita."

Inakbayan niya ko tsaka sumakay sa sasakyan niya papunta sa apartment.

"Anesthesia! Anong ginagawa mo?!"

"Obvious naman diba? Nagiimpake."

"Saan ka pupunta?!" Nagpapanic na tanong ko. TInigil niya saglit yung ginagawa niya tsaka tumingin sakin. "France, sorry. Hindi ko pa kayang tanggapin na ang bestfriend ko," Napahagulgol siya sa harapan ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito, and worse dahil sakin.

Wala akong magawa kundi ang tumayo sa harapan niya at panuorin siya. Hindi ko siya magawang yakapin. Napakarumi kong tao.

"H-hindi ko kayang tanggapin na,ang bestfriend ko mangaagaw."sabi niya sa gitna ng bawat hikbi niya.

"Ang bestfriend ko mangaagaw..." Paguulit ko. Kasi naman parang sirang plaka sa utak ko. Paulit-ulit nageecho. A-ayaw tumigil. Mas masakit sa kahit anong bagay sa mundo. Napaupo ako sa sahig. Hindi ko siya magawang tingnan.

 "Tiff, I'm sorry. Pinakamasakit pala na kinamumuhian ka ng bestfriend mo." Sabi ko habang pumatak ang isang luha sa mata ko.

Pumunta ako sa kwarto ko tsaka inayos ang gamit ko. Konti lang naman tsaka damit, wallet, at cellphone lang ang dinala ko pati yung mga gamit ko sa school.

Paglabas ko ng kwarto nandun parin si Tiff. Nagiimpake parin siya. Mukhang wala ng balak bumalik.

"Uhmm.. Tiff, wag ka nalang umalis. Ako nalang ang aalis. You should stay here." Ngumiti ako kahit nakatalikod siya saakin. Maybe mas mabuti na ito.

Tumalikod na ko at handang umalis. "France." Agad akong napalingon sakanya. Baka ito nayun!

"France. Wag ka nalang umalis. Ayusin nalang natin to."

Sana yan nalang yung sinabi niya . Pero hindi eh. Ang sabi niya "France, Akin yang bracelet na suot mo." Agad ko naming tinanggal tsaka ibinigay sakanya.

Akala ko panaman....

Lumabas na ako dala-dala ang mga gamit ko. Nandun parin si Trence.

"Oh! France! Ba't ang dami mong dala?"

"Uhmm.. Ano, Actually.."

"Ano?" sabi niya

"Pwede ba akong makitira sainyo?"

 Tbc...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly InloveWhere stories live. Discover now