CHAPTER 2: The mean Me!

Start from the beginning
                                    

"Tsss... Yes Kuya I'll try my best not to involve myself, you know me di ako gumaganti nang di ako ang nauuna. Okay!" kalmado kong sagot.

Bumaba na kami ng kotse ng isa ko pang kapatid.

Magkaiba kami ng building kaya nagkanya kanya na kami ng lakad at napag usapang magkikita nalang mamayang uwian.

I put my earphones and as usual pumunta muna ako ng comfort room para mag ayos.

Eventually, bigla akong nahilo out of nowhere. Pero hindi ko iyon pinansin. I look at my watch it's almost time kaya nagmadali nakong maglakad patungo sa classroom.

Wala namang bago. Pumasok na ang lecturer at nagsalita siya ng pagkadami dami. Ano pa bang assahan mo sa first day of class. Di naman mawawala ang pinakahihintay pero kinaiinisan ko na "Introduce Yourself".

Nagpausad usad ang ganung scenario hanggang sa ako na ang nakatakdang magpakilala. So ang entrada ay sakin nakatingin ang lahat. Diko na pinatagal pa.

"I'm Aierra Collienne Saavedra Villadevega. I hope this school year will be fun like the other ones." sabi ko habang sarkastikong nakangiti.

Lahat nang kaklase ko nakatingin sakin. Di na bago yun dahil alam kong kilala ang pamilya ko sa buong Sta. Ana at isa sa mga may ari ng school nato ang pamilya ko. So di nako magtataka kung kilala nako lalo na kung babanggitin ang apelyido ng mga magulang ko.

Simple lang ang pamilya ng Mommy ko ay may ari ng isang malaking company both local and international isama mo pa ang kaisa isang kilalang hospital dito sa Sta. Ana at ang pamilya naman ng Daddy ko ay may ari ng malalaki at kilalang Investing company pati na ng malalaking Universities dito sa Pinas maging sa ibang bansa.

Ganun kayaman ang pamilyang kinamulatan ko. Kayang kaya kong bilhin lahat ng gusto ko. Isa din ako sa mga tagapamana. Pero taliwas yung ugali ko at hilig ko sa kanilang lahat lalo na sa Daddy ko.

Natapos ang tatlong naunang subjects ko at lunch break na.

I don't usually eat my lunch and even my dinner. Ang tanging ginagawa ko lang sa lunch break is to sleep under the tree wearing my earphones. Ang weird lang diba pero let's accept the fact and That's it!

Ang boring diba! Wala kang pake kasi dun ako masaya!

So pinuntahan ko na si Soni para magpahinga. Nagtataka siguro kayo kung bakit may pangalan akong binanggit. Pinangalanan ko na ang puno na yun dahil simula grade school siya lang din ang punong kinakausap ko at kasama kong lumaki.

Ang creepy diba. Pero ayos yun kasi simula nung bata ako gustong gusto kong inihihiwalay ang sarili ko sa mga tao lalo na sa mga taong ang habol lang sakin ay ang kasikatan at ang pagiging Saavedra at Villadevega ko.

Di ako mayabang. Sadyang maangas lang ako dahil likas na sakin yun. Miyembro ako ng isang Gang dito samin na ngayon ay nasa States na dahil kilala sila na mga tanyag na anak ng mga mayayamang pamilya sa Sta. Ana. Ako lang ang naiwan at nagpaiwan dito dahil ginusto ko. Dahil may dahilan ako at ginusto ko yun.

And I will take you in my arms
And hold you right
Where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you

Ang sarap talagang makinig ng music lalo na kung walang maingay. Makakaidlip na sana ako pero biglang may dumating na panggulo. Wag na kayong magtaka dahil kilala niyo naman ata kung sino siya ang best friend ko kundi si Roze Ivy.

Same school kami at since grades school siya na ang kasama ko.

"Yow girl! Nakakapagod tong araw nato" sabi niya.

Nakakairita paano siyang napagod eh halos lahat naman ng unang araw ng klase walang ginagawa. Haysssss!

Nagsalita ulit siya. Pero nakapasak parin ang earphones ko sa tenga ko.
Nang bigla niya akong batukan.

"ARAAAAAAY!!!!! Ano bang problema mo?" reklamo ko sa kanya.

"Hello??? I was talking all the time and then you're not paying attention! How shameful you are!" umirap siy sakin.

"Sorry, so tell me again?" pakiusap ko.

"Ayoko na nga! Nevermind." sagot niya na nakapout ang lips.

At ayun na nga nagalit siya sakin at hanggang sa matapos yung break nauna na siyang tumayo at umalis. Napaka-isip bata talaga.

Tumakbo ang oras at natapos na ang tatlong natitirang klase ko sa araw nato.

Habang nagsasalita ang prof ko for the last activity and assignments na ipapagawa niya nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sakin ang isa sa mga classmates ko.

And after all the discussions that my professor have already dismissed us. And that makes me happy because I am finally going home.

"I'm finally going wait for me my little bed" I murmured.

As I was walking along the corridor, I can sense that someone had been following me. So I tried to walk faster but suddenly someone hold me in the risk and pulled me inside a comfort room where in it's an old comfort room where in there are a lot of things inside.

I tried to be calm and lift up my head so that I could be able to see who is this stupid person pulled me in here.

Pataas palang ang tingin ko mula ulo hanggang paa nang may biglang lumapat sa mga labi ko na kung ano na kung saan naging rason ng pagkahilo ko at tanging naaninag ko lang ay ang anino ng isang matangkad at matipunong lalaki.

UNknownWhere stories live. Discover now