Agad lang napawi iyon nang natawa si Quin, medyo ilang naman akong tumingin sakaniya at nagulat ako nang makita ko ang kislap sa mga mata niya. Bagay na hindi ko pa nakikita sa ilang buwan naming magka relasyon.

"I'm the carbon copy of my mother," yuko yukong bahagi saakin ni Quin, napataas naman ako ng dalawang kilay sabay tango, "But my eyes? Father."

"Mukhang haharap pa lang ako sakaniya ay maiihi na ako," nagkunwari akong natatakot, para malaman ko kung nasaan ang mga magulang niya ngayon.

"No, I doubt that," may kasamang pag- iling na konkluda ni Quin, "He doesn't know how to use his eyes, he is... very gentle."

Okay. Hindi ko nakuha ang nais na impormasyon na gusto kong marinig pero atleast hindi siya nagalit. Masyado pa namang maaga at magandang simula ito.

"Like me?" ngiti kong tanong sakaniya, inikutan niya lang ako ng mata.

"No, you are a saint," pag tanggi niya sa sinabi ko, "My father is gentle, but I didn't say that he is down to earth."

"How about your mother?" tanong ko sabay ikot ng manibela.

Napatingin sa labas ng bintana si Quin, iniisip ang sagot.

"She is..." pabitin pa ni Quin bago binuo, "She is very ambitious."

"Like you," tango tango kong sabi, agad naman ako pinasadahan ng tingin ni Quin sa opinyon ko.

"Well, as I've said. I'm her carbon copy," kibit balikat niyang sagot sabay tanaw muli sa labas ng bintana, "How about you?"

"All? Mother," bahagi ko, "Except my eye color."

"Hindi ko pa siya nakikita, kahit sa picture," banggit ni Quin na tila nagka interest, "Do you have a picture of her?"

Mula sa pagkakahawak ng manibela ay iginala ko ang kanang kamay ko sa aking bulsa, umangat ng kaunti at kinuha ang pitaka.

"Buksan mo," utos ko habang inaabot sakaniya ang pitaka.

Agad niya naman iyong tinanggap at pinagmasdan ang unang litrato na bumungad sakaniya, nakita kong tumirik ang mata niya habang nakangiti.

"This is me, Alex."

"Ay sorry, angat mo na lang yung picture mo," ngiti ngiti ko pang utos sakaniya.

"Damn I really need to update that picture," bulong pa niyang sabi habang sinusuksok ang daliri para mai-angat ang litrato.

Yoong litrato kasing iyon ang ginagamit ng Manilla Bulletin sa mga opinion niya.

"Oh," tanging nasabi ni Quin nang makita ang aking ina, "Yeah you are right, kamukha mo nga siya."

Kita ko sa gilid ng mata ko kung paano gumuhit ang 'impress' na tingin ni Quin sa mukha ni mama.

"Why did your father leave her? She is beautiful."

Napangiti na lamang ako ng mahapdi. Parehas lang kaya magiging opinyon niya kung makita niya ang itura ni mama noong hindi na siya dalaga?

"I-angat mo ang litratong iyan para malaman mo ang sagot," pahina ng pahinang sabi ko, titig na titig naman saakin si Jazzquin habang inaangat ang litrato ni mama noong kabataan.

Nang makita ay naging blanko ang tingin ni Quin, ramdam na ramdam ko ang pag guhit ng paningin niya sa bawat kurba ng pagbabago sa itura ni mama kumpara sa unang litrato. Mula sa ayos ng buhok hanggang sa pananamit.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora