"I-I will..."

Muling ibinalik ni Iris ang kanyang buong atensyon sa mapa at tanging nasa kanya na iyong mga mata naming lahat.

Siguro ay hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay ako, si Divina, si Rosh o ang isa sa mga kasamahan namin sa paglalakbay ang bubuo ng palaisipan, dahil sa bawat lugar, nilalang at mga pangyayaring siyang aming nakakasalubong may laging aambag, tutulong at magsasabi sa amin na hindi lang kami ang may iisang mithiin...

Hindi lang ako, si Rosh, Nikos, Hua o ang mga nilalang sa Sartorias ang nais ng kaayusan. Maraming nilalang...

Habang tumatagal ay mas bumibigat ang aking paghinga. Ang tensyon sa paligid ay mas tumitindi at ang antisipasyon ng lahat ay unti-unting umaapaw.

Pansin ko ang paglandas ng pawis sa mukha ni Iris.

"What if there's a trick? Sabihin na natin na kailangan ng patak ng dugo? Itatapat sa sinag ng buwan o lapatan ng konting apoy?" tanong ni Rosh.

"Paano kung biglang masunog? No. Do not try the fire. Iyan na lang ang pag-asa natin." Ani ni Caleb.

"Then tell us your good suggestion, Caleb." Asik ni Rosh.

"But that's possible..." mahinang sabi ni Hua.

Lahat kami ay sa kanya na ang atensyon. "Maaaring tama ang sabi ni Rosh, si Ledare ang nagsabi na ang tanging nakakabasa ng mapa ay ang dating tagabantay lamang. Everything has a key, paano kung kailangan din ng mapa ng susi?"

"Goodness. Maghahanap na naman tayo ng susi?" ngiwing sabi ni Caleb.

"No... tama si Hua. Iris might be the key. Maaari natin gawin ang sinabi ni Rosh." Sabi naman ni Nikos.

"Dugo ni Iris ang susi sa mapa." Usal ko.

"See? That's it." Sabi ni Rosh na may kasamang kibit balikat.

"But wait... do think it's a bit this easy?" muling tanong ni Caleb.

Ngayon ay nasa kanya na ang atensyon naming lahat. "Or I am just used to conflicts? Para kasing sobrang bilis..."

"He's right." Pagsang-ayon ni Lucas.

"Easy? Dumaan kami sa butas ng karayom bago kami nakarating dito. Bago ka pa man dumating, Caleb. This isn't easy. Isa pa, nakita natin lahat ang paghihirap nina Leticia at Divina—"

"Your girlfriend..." singit ni Divina.

Napapikit si Rosh at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi. "They put efforts to help Iris claim her role. Hindi madali iyon."

"Isa pa... kahit tama man ang sinabi ng Prinsipe at magawang buhayin ng dugo ni Iris ang kabuuan ng mapa, kahit nakikita natin ito, hindi natin ito magagawang mabasa o maintindihan. Tanging tagabantay lamang ang siyang makakaintindi ng ibinubulong ng mapa." Mahabang sabi ni Ledare.

"H-Huwag na kayong magtalo. Handa na ako."

Sinalubong ni Iris ang aking mga mata at inilahad niya ang kanyang kanang kamay. Ngumiti siya sa akin. Inilabas ko ang aking punyal at marahan kong hinawakan ang kamay niya.

Hindi man lang kumurap si Iris nang lagyan ko ng hiwa ang kanyang palad. Agad humalo sa talim ng aking punyal ang kanyang dugo hanggang ang maliit na patak niyon ay unti-unting humalo sa lumang papel.

Pigil ang paghinga ng lahat habang nakasunod ang mga mata sa bawat patak ng kanyang dugo. Tila iyon ay nagkaroon ng sariling buhay at natutong tumulay sa bawat guhit na kanina'y hindi namin mawari ang mensahe.

Halos wala nang kumurap sa aming lahat habang nakakaroon na ng detalye ang mapa. Mas malinaw, mas detalyado at may mga palatandaan. Hindi ko man ito lumubusang maintindihan dahil si Iris lamang ang makababasa, ngunit sa sandaling ito, nasisigurado ko na nalalapit na kami sa mga relikya.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon