sssmith: Portia!

porkshaaa: whuuut coconut?.

sssmith: Don't casually say that!

Ayyyy!!

porkshaaa: why? What's wrong with ily? That means Ingat Lagi You.

seen

Tumawa ako ng malakas at feeling ko ay nagtinginan ang mga kasama ko sa sasakyan. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang tignan ako ng masama ni Justine. Humahagikgik ako habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. And to release my kiligness ay si Justine ang pinaghahammpas ko dahil siya ang katabi ko.

"Umayos ka nga. Para kang bata." Masungit na aniya kaya napaayos tuloy ako ng upo. Kami lang dalawa kasi ang nasa row ng seat namin kaya maluwag. Yung mga kasama namin nasa likuran.

"Kj. Kapag ikaw tumandang binata, tatawanan talaga kita." Hinampas ko siya sa braso at lumayo ako ng kaunti sa kanya. Binalikan ko ulit si Fyuch na sineenzone lang ako.

porkshaaa: seenzone. Hahahaha. Mukhang may ibang version yata tayo d'yan ng ily ha, Fyuch? Kaw na bahala. Di bale kahit ano pa 'yan para sayo tatanggapin ko.  Ahihihi.

porkshaaa: kahit ikaw pa nga meaning niyan tatanggapin kita. HAHAHAHA. Ily!

seen

Hindi na talaga niya 'ko nireplyan! Hahahaha. Pasalamat ka cute ka kahit ang pikon mo! Sinendan ko na lang tuloy siya ng selfie ko bago ako natulog sa byahe. Paggising ko asawa ko na si Fyuch kase napanaginipan kong kinasal daw kami! Jusko advance mag-isip si Lord! Di pa po 'ko ready sa honeymoon! Chour.

Nag-check in kami sa hotel na paggaganapan din ng seminar. 5-days seminar training kasi ito para sa future coverages namin ng mga ganap ni Mr. President next month. Medyo madugo ito dahil ang daming rules na kailangan sundin. Nagkalat din ang mga pulis dito dahil kasama rin sila para sa security measures ng pangulo.

"Captain!" sigaw ko nang matanaw ko siyang palabas sa elevator. Mukhang nauna sila dito dahil naka-jogger pants na siya at hoody. May mga kasama siyang naka-uniporme at siya lang ang tanging naka-sibilyan. Ang bossy talaga nito!

Nakita kong nag-paalam si Captain sa mga kasama niya. Sinaluduhan siya ng mga ito at saka siya lakad takbo na tumungo sa 'kin. Nakatayo kasi ako sa may counter at hinihintay ang susi ng mga kwarto na naka-reserve para sa team ko.

"Portia? Ikaw ang umattend para sa PBN News?"

"Yeah unfortunately." Ngumuso ako dahil hindi ko naman 'to ginusto. Pero since wala din naman si Fyuch sa Manila ay keribels na lang din para malibang ako sa oras.

Nakita kong biglang napangiti si Captain pero parang pinipigilan niya iyon.

"Ms. Martin? Here are your key cards, ma'am," sabi ng receptionist kaya nilingon ko ulit ito.

"Thank you."

Binalingan ko ulit si Captain at sinenyasan na ibibigay ko lang ang mga susi sa mga kasama ko. Naramdaman ko namang sumunod siya sa likuran ko.

"Hi, Captain!" bati sa kanya ng mga cameraman ko na madalas kong kasama kapag may coverage kaming naroon siya. Nag-apir silang tatlo.

Nauna nang umakyat ang masungit na si Justine kasama si Kim. Sunod na nagpaalam na rin sina Kuya Rey at Kuya Archie.

"Kelan pa kayo nandito?" tanong ko kay Captain na sinamahan akong pumunta sa room ko.

"Kahapon lang. Dapat kasi kumain ka muna bago ka bumyahe," aniya. Nakaramdam kasi ako ng gutom at hindi ko napigilang hindi i-share sa kanya. 

STS #2: Give Me More Where stories live. Discover now