"Si mayor Enrico ang kriminal hindi ako!"

Isinatinig ko iyon sa gitna ng mga pisikal na atake sa'kin ng mag-inang Torres.

"Binabaliktad mo pa talaga ang lahat! Ngayong nahuli na si Karding at sinabi niyang kasabwat ka niya wala kanang takas! Sarili mo ng ama ang mismong nagkanulo sa'yo!"

Mabilis kong tinulak si Mrs. Torres na agad namang nasalo ni Felicity, ang galit at poot sa kanilang mga luhaang mata ay naroon na kahit anumang oras ay hindi sila magdadalawang isip na saktan ako.

"Ama?!"

Nagugulat at naguguluhan kong tanong.

"Wag mo kaming gawing tanga! Si Karding ang tunay mong ama! Siya na mismo ang umamin sa sikreto at mga plano niyong dalawa! P-pati asawa ko...pati asawa ko pinatay niyo!"

Susugod pa sana sa'kin si Mrs. Torres pero agad din itong natumba na dinaluhan naman ni Felicity na wala na ring tigil sa pag-iyak.

"Ganito ka ba gumanti, Bella?! Ito ba ang ganti mo sa lahat ng mga pambubully ko sa'yo noon?! Sobra-sobra ang ginawa mo! Napaka-demonyo mo!"

Panduduro sa'kin ni Felicity habang inaalu nito ang kanyang ina na nahihirapang huminga.

"Bella.."

Napalingon ako sa nagmamadaling pumasok na si Zendy kasunod si tita Zenaida at  Dario.

"What happened?"

Aniya ni tita Zenaida na lumapit sa'kin matapos nitong makita dito sa loob ang mag inang Torres na wala patid sa pag-iyak.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!"

Galit na sigaw ni Zendy kay Felicity habang nakahawak sa mga braso ko para alalayan ako.

"Pinatay niya ang daddy ko! Marami silang pinatay maging ang mga kumupkop sa kanya ay trinaydor niya! Mamamatay tao ang babaeng 'yan! Anak 'yan ng kriminal! Pareho sila ng kanyang ama!" Singhal ni Felicity na inaawat na ng kanyang ina.

"Shut up! Ang tatay mo ang anak ng kriminal! Sila ang pinuno ng mga rebelde, nababaliw kana!"

Pabalik na singhal ni Zendy na agad namang sinaway ni tita Zenaida.

"Enough! Mrs. Torres, nakikiusap po ako na umalis na kayo."

Sinserong pakiusap ni tita Zenaida.

"I can't believe it na pati kayo ay napapaikot ng kriminal na 'yan! Mga Sebastian pa naman kayo, akala ko ba matatalino kayo?!"

Nang-iinsultong sambit ni Mrs. Torres.

"H'wag mong subukan ang pagiging maldita ko. Kaya kong kalimutan na edukada akong tao para patulan ka lang. Pasalamat ka na hindi ako napatol sa mga cheap na kagaya niyo pero sa oras na insultuhin mo ulit ang pamilya ko, buburahin ko 'yang kulubot mong pagmumukha!"

Natahimik naman si Mrs. Torres dahil sa paninindak sa boses ni tita Zenaida na pareho nang nakataas ang mga kilay at kumikibot-kibot pa ang bibig dahil sa matinding pagtitimpi.

Bumukas ulit ang pinto kaya sabay-sabay kaming napalingon doon, iniluwa nito si tito Arthur at Arnold na parehong madilim ang mga mukha na lumapit sa'min.

"Hon, why?"

Nag-aalalang aniya ni tita Zenaida na hinaplos na ang balikat ng kanyang asawa.

"Lady Bella, nahuli na si mang Karding pero..." Nag-aalangan akong tiningnan ni tito Arthur bago ulit ito nagsalita. "Sinabi niyang anak ka niya kay Nana Lina mo at matagal niyo na raw na pinag-planuhan lahat ng mga nangyari."

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now