Chapter 1

42 4 0
                                    

"Clara!" natauhan ako nang marinig ko ang isang boses na tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na bigla nalang pala akong natumba nang dahil sa kalasingan.

Dahan-dahan akong tumayo habang dinadama ang bawat hinahakbangan ko. Medyo nahihilo narin ako kanina pa kasi kami umiinom.

"Clara, are you okay?" rinig kong tanong ni Kate. "Uhm, yeah! Don't mind me, I'm just a bit tipsy!" wala sa sarili kong saad. "Are you sure? I'll drive you home na" sabi ni Dylan.

"I'm really fine. Don't mind me, we got here to have fun!" sabi ko para di na sila mag-alala. "Okay, I'll just go to the dance floor" sabi ni Kate, tumango ako habang papalayo siya ng may matabig ako na baso at aksidente itong nabasag. Napalingon siya, sesenyas na sana ako na okay lang ako nang may biglang bumuhat saakin palabas.

"Dylan!" di ko siya malabanan. I admit na lasing na nga ako kaya di ko siya kayang pigilan.

"Dapat kasi sinabi mo kung lasing ka na sumabak pa tuloy si Kate, kaya ako na ang maghahatid sa iyo pauwi. Baka mapano ka pa" narinig kong sabi ni Dylan.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na di nga ako lasing" sabi ko naman.
"You can't fool me Clara, kilala kita" sabi niya sabay paandar ng sasakyan.

"Anong oras na ba?" nagtataka akong napatingin sa cellphone ko nang marinig ko yun. "1:47 am, bakit may lakad ka?" wala na ako sa wisyo at akmang pipikit na ang mga mata ko ng magsalita siya ulit.

"Do you think na may lakad pa ako ng ganitong oras? Nagtataka lang ako kung bakit ang bilis mo naman malasing ngayon, Clara" sabi niya at nakita ko siyang ngumisi.

"I said stop calling me 'Clara', masyadong makaluma" inis kong saad. "Then stop drinking" tipid niyang sabi. Inirapan ko na lang siya. Bakit ba kasi ang bait netong lalaking 'to, never ko pa nga siyang nakitang lasing eh.

Naalala ko tuloy kanina ang nangyare bago ako matumba,

"Cheers!" sabay lagok ng alak. Grabe ang saya! Patuloy lang ako sa pagsayaw kasabay ng nakakaindak na musika.

Napatigil ako nang may mabangga ako, "Ano ba?!" sigaw ko ngunit parang di niya ako napansin. Nagulat ako nang mapagtanto ko na wala na ako sa bar. Asan ako?

Pinagmasdan ko ang paligid. Sobrang tahimik ng gabi. "Sugod!" nagitla ako nang makita ang mga babaeng nakasuot ng baro't saya at may hawak na sulo at itak. Isa-isa silang natutumba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatingin ako sa itaas nang may maramdaman akong pana na tumusok saaking balikat, may suot itong itim salakot at nababalot siya ng itim na damit. Bakit parang kilala ko ang mga mata na iyan?

(bang!)

Sa isang iglap ay di ko na marinig ang kaninang sobrang ingay na paligid. Unti-unti akong natutumba at tuluyan na ngang bumagsak sa lupa.

"Clara!"

Nagising ako nang marinig ang alarm clock ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Siguro nagalit nanaman si Dad pero buti nalang at nakatulog ako kagabi.

Tumayo na ako at pumunta sa palikuran upang maligo. Isang oras din ang inabot ko sa pag-aayos buti nalang talaga at ang bait ni Dylan dahil napakiusapan ko siyang gawin ang homework ko kahapon kaya wala na akong problema ngayon.

Dahan-dahan akong humahakbang pababa ng hagdan para di nila ako mapansin. Ngunit nabigo ako ng mapatingin saakin si Dad na nakaupo sa dining table at may laptop sa harap niya habang kumakain.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at umupo sa kabilang dulo na upuan para iwas sermon narin.

"Saan ka nanaman galing kagabi?" tanong ni Dad nang matalim na nakatingin saakin. "Sa bar" sarkastiko at tipid kong sagot.

"Hanggang kailan mo ba ipagpapatuloy yang katarantaduhan mo ha?!" sigaw niya at tumayo siya para mas makita ako ng maayos.

"I have to go" sabi ko at uminom na ng tubig saka kinuha ang bag ko at akmang lalabas na ako ng tawagin niya uli ang pangalan ko, "Clara, hindi pa tayo tapos" sabi niya sabay dabog ng plato niya. May mga pagkain na nahulog kaya dali-daling nilinis yun ng mga kasambay. Napahinga na lang ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad palabas.

"Hang-over?" sarkastikong tanong ni Lester. "Pake mo?" pagsusungit ko sakanya. Ang sama na nga ng araw na ito dadagdag pa 'tong bwesit na 'to. Kinuha ko na sa vendo machine ang kape at lumabas na ng canteen.

"Clara!" nakita ko si Kate na tumatakbo papalapit saakin. Lahat na lang sila 'Clara' ang tawag nila saakin, hayss ang hirap turuan!

"Kate, diba sabi ko sa'yo wag mo na akong tawaging 'Clara'? Hazel na lang" sabi ko. "Okay Hazel. Hahaha di ko ma-imagine kung bakit Hazel ang pinangalan sa'yo" sabi niya habang tumatawa.

"H-huh?" takang tanong ko naman. "Kasi tignan mo yung name mo 'Clara Hazel Innovero' parang ginusto talaga na pang makaluma ang pangalan mo, buti nalang naisipan ng parents mo na lagyan ng 'Hazel' ang pangalan mo" sabi niya saka tumawa ng malakas.

Hayss! Minsan di ko alam kung bestfriend ko ba 'to. Parang siya pa yung bumubully saakin---

(bogsh!*)

Nabigla ako nang matamaan ng bola ang ulo niya pero mas nangibabaw ang kalokohan sa utak ko. "Yan kasi tawa pa more, nakarma ka tuloy!" sabay halakhak ko ng malakas. Nakita ko siyang ngumisi at nagulat ako nang binato niya sa ulo ko yung bola na tumama rin sakanya kanina. Para na tuloy kaming mga tanga na tinatawanan ang isa't isa.

"S-sorry miss" napatingin kami sa lalaking nakayuko sa harap namin ngayon. "Oh eto" sabay pasa ng bola sakanya. "Sa susunod alamin niyo kung gaano kalakas ang pagpasa niyo sa bola para di kayo makadisgrasya" sabi ko at tumango naman siya sabay takbo pabalik sa court.

"I saw it. Hayss! Nababaliw na talaga kayo" sabi ni Dylan na napa-iling-iling pa. "Wow nagsalita ang di baliw" sabi ko at tiningnan siya sa mata, nakikita ko na di na siya natutuwa. "Joke lang!" sabay batok sakanya para di niya mahalata ang pagkatakot ko sa itsura niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang may halong pagka-irita. Sabi ko kasi alalayan nila ako pero muntikan na akong madapa kanina. "Ang daya niyo talaga, lagi niyo akong pinagtutulungan" sabi ko ulit pero di sila nagsasalita. "Kate? Dylan?" kinakabahan na ako baka kung ano nang ginagawa nila.

"Kate?! Dylan?!" nabigla ako ng may nagtanggal ng panyo sa mata ko. "Bakit ba kasi atat ka" bungad ni Kate. "Ikaw ba naman ang magsalita ng mag-isa" sabi ko sabay irap. Hayss!

Pero nagitla ako ng makita kung saan nila ako dinala, "Paano--" sumenyas si Kate na tumahimik. "Mamaya na namin ipapaliwanag. Sandali! Dylan! Wait!" pagkasabi ni Kate nun ay tumakbo siya at sumunod kay Dylan kaya sumunod na rin ako.

"Wow ang ganda talaga dito. Sigurado kayong pwedeng humiram ng tatlong libro dito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Library.

"Nakuha ko na yung kailangan natin" sabi ni Dylan habang binabasa yung mga libro. "Dalawa lang ba kailangan? Eh diba tatlo ang pwedeng hiramin?" takang tanong ko. "Edi pumili na kayo ng gusto niyong hiramin" sabi niya at nagsimula na siyang maglakad.

"May kukunin ka ba Hazel?" tanong naman ni Kate. "Wala naman akong hilig sa mga makaluma, ikaw may kukunin ka ba?" tanong ko naman at nakita ko siyang umiling bilang sagot.

Naalala ko na kaya pala kami andito ay para humiram ng pwede naming gamitin sa History Class namin. Nakaka-tamad kasi mag notes pag klase lalo na't wala naman akong nakikitang interesting sa subject na yun.

Naglakad na kami pabalik sa Loan section. Tinatagalan ko ang paglalakad, baka kasi may makita akong magustuhan ko dito. Bibilisan ko na sana ang paglalakad ko nang may napansin akong kakaiba.

Sa pinakadulo ng library ay may isang stand na may nakalagay na libro at nakabuklat ito. Dahan-dahan akong lumalapit habang pinagmamasdan ang libro. Hindi siya mukhang luma pero amoy luma. Hanggang sa makalapit na ako ng tuluyan ay pinagmasdan ko ito ng maigi.

Bakit parang ang liwanag ng libro. May ilaw ba itong stand? Yumuko ako para makita kung meron pero wala naman kaya bigla akong napaatras. Hindi maari. Lumapit uli ako at may napansin akong naka-embroid na word, Clara.

ClaraWhere stories live. Discover now