prologue

18 2 0
                                    

Lee Donghyuck, presidente ng music radio club, parati silang tumatanggap ng song request sa mga estudyante ng sooman highschool.

Mark Lee, ang dakilang mvp ng basketball club ng sooman highschool at palaging nag re-request ng kanta sa music radio club, ginagamit nya yung nickname na "littleminhyuck".


"donghyuck, may bagong request ba na song?, ano i-p-play natin today?"



"hoy renjun, kumalma ka nga, isa-isa lang, may nag request galing kay littleminhyuck, sobrang suki nya ha" 



tumawa silang dalawa ni renjun at biglang nag bell na dahil magsisimula na ang klase, lumabas na ng club room sila renjun at donghyuck at nakasalubong nila ang basketball club ng sooman highschool.



jeno, ang three pointer ng basketball club, sikat sya dahil napapagsabay nya ang pag-aaral at ang paglaro, nakakasali rin to sa battle of the brains at mahilig mag instrument lalo na ang guitara.

mark, ang dakilang mvp ng sooman highschool, madaming fans sa school at sa ibang school, palaging kinukaha ng malalaking basketball team tuwing practice at mahilig ito makinig sa kanta.

jisung, magaling mag defense, 6 footer, nakilala rin sya sa pagiging clumsy minsan, nakakatulog sa klase at may jowa na taga ibang school, madami nagkakacrush dito kaso taken na pala. sorry girls



"tangina hyuck bilisan na natin" hinawakan ni renjun ang braso ni hyuck at binilisan nila ang paglakad kaso may pumigil sakanila


"hi renjun"


tumigil sa paglalakad ang dalawa at sabay tumingin kung sino ang nagsalita


ang three pointer ng basketball team na si jeno


hindi pinansin ni renjun si jeno at inalis ang nakaharang na kamay sa harapan nila at tuloy lang sila ni donghyuck lumakad papalayo


"ikaw renjun ha, kilala mo yon?"


"gaga bestfriend ko yon"


"bakit hindi kayo nagpapansinan sa school?"


"baka atakihin ako ng mga fans non, sayang lang ganda ko"


pagkatapos nila mag-usap, tumingin patalikod si donghyuck para makita nya yung iba pang member ng basketball team, at may isang lalaki na napatingin rin sakanya.


nagtitigan sila na parang, walang tao sa tabi nila


"hoy donghyuck"


nagulat si donghyuck na tinawag na sya ni renjun sabay pasok sa room nila


yung lalaki na nakatitigan ni donghyuck at ngumiti




"cute nya talaga"

Radio RomanceWhere stories live. Discover now