My Guide To Love

87 62 4
                                    

"Happy Anniversary love!" , sabi ko habang nakangiti at hawak hawak ang kamay niya.

"Happy Anniversary too, love", malambing na wika niya at dinampian ako ng halik sa noo.

Nandito kami ngayon sa isang resort upang i-celebrate ang aming anniversary ng kaming dalawa lamang. Mas gusto namin iyon dahil nakakapag-solo kami ng matagal. Habang nakatanaw sa dalampasigan at nanonood ng papalubog na haring araw, habang magkahawak ang aming kamay.

"Sa tingin mo love, makakakita pa kaya ako?", mahinang tanong ko at unti unting sumasama ang loob.

"Ano ba love? Napag-usapan na natin ito hindi ba? Hindi naman importante sakin kung bulag ka o hindi, dahil minahal kita bilang ikaw", mahinang sabi niya habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Haystt, sorry love ang nega ko na naman", mahinang sabi ko at natawa na lamang.

Nagkakilala kami sa pamamagitan ng isa naming kaibigan. Nireto na lamang siya sa akin bigla ng hindi ko alam kung bakit. Noong una ay wala akong tiwala sa kanya dahil nga bulag ako, sinong magmamahal ng isang katulad ko? Pero mali ako, dahil minahal niya ako ng tunay at wagas. We've been through many ups and downs dahil sa pagiging nega ko, pero kahit sa isa sa mga iyon hindi niya ako sinukuan.

Mahal na mahal ko si Andrei kahit na anong mangyari. Binigyan ako ng Diyos ng isang guide kung saan maipagpapatuloy ko pa ang aking buhay. At siya iyon... Tanging si Andrei lamang.

"Let's go na Love, parang bumaba na ang araw", sabi niya sa akin habang inaakay ako patayo.

Kumain na muna tayo nagugutom ako", naglalambing na sabi ko.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at doon masayang kumain. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagmamahal niya at dahil doon nagpapasalamat na naman ako sa Diyos kung bakit binigay niya si Andrei sa akin.

Pagkakain ay naglakad lakad lamang kami sandali at pumasok na rin sa Hotel. Inayos lamang namin ang mga hindi namin naayos na gamit kanina at natulog na.

Pero bago ako makatulog may sinabi si Andrei na hindi ko na naintindihan dahil sa sobrang antok. "Makakakita ka Love, magtiwala ka sakin".

Tatlong araw lamang kaming nanatili sa resort at pagkatapis noon ay bumalik na kami ng Maynila. Masyado akong napagod kaya naman nakatulog ako agad pagkadating namin sa condo.

"Love, love gumising ka na", sabi ni Andrei habang banayad akong tinatapik sa balikat.

"Hmmm, saglit na lng", mahinang sabi ko.

"Love pupunta tayong ospital."

Naalimpungatan ako dahil doon. "Bakit love?Hindi naman araw ng check up ko ah", nagtatakang tanong ko

"Ito kasi ang surpresa ko sa iyo. May nahanap ng donor para sa mga mata mo. Inantay ko munang matapos ang anniversary natin bago ko sabihin sa iyo. Ngayon tumawag si doc, pinapapunta niya tayo sa ospital para maihanda ka na para sa operasyon", sabi niya at alam kong masaya siya para sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil masyado akong nagulat sa surpresa ni Andrei. Dumaan muna ang ilang minuto bago ko na-process ang lahat sa utak ko. May donor na ako at makakakita na ako sa wakas!

Agad agad kaming naghanda at inakay niya ako papasok ng kotse. Habang papunta kami sa ospital ay sobrang kabado ako dahil baka hindi maging successful ang operasyon o di naman kaya'y hindi magmatch sakin ang mga mata.

Pagkapasok sa ospital ay dumiretso na kami sa opisina ng doctor ko.

"Magandang umaga po Doc", magiliw na sabi ni Andrei.

My Guide To Love Kde žijí příběhy. Začni objevovat