May mga messages din akong natanggap. Mula kay Tita Mina at kay Elysa. Una kong binuksan 'yong kay Tita Mina, sinabi niya na malakas daw ang ulan doon sa Rizal. Signal number 2 na raw doon. Tapos si Elysa naman, nangangamusta lang.

Dahan-dahan akong umupo at napamura ako dahil masakit ang katawan ko. Mas sumakit, mas sumama yata ang pakiramdam ko. Bwisit, nakisabay pa 'to. Ngayon, ipinagdarasal kong walang pasok bukas dahil hindi ko kaya. Maaawa naman sila!

Nang makaupo ako, pinakiramdaman ko pa ang sarili ko. Nagmuni-muni pa ako for 5 minutes ata, hanggang sa dumako ang tingin ko sa mesa ko.

Kailangan kong kumain para makainom ng gamot.. Pero ano bang buhay 'to? Wala akong pagkain at walang gamot. So kailangan kong bumili.. sa labas.

Inabot ko ang bag ko para kunin ang wallet ko, hanggang sa tumayo ako. Umiikot nga ang paningin ko pero hindi ko kailangan magpadaig. Sarili ko lang maaasahan ko rito!

Naka-uniform pa ako, tinanggal ko ang polo na suot ko. Sando ang natira, hindi ko na balak pang tanggalin at ang ginawa ko ay kumuha ng jacket sa cabinet na mayroon ako rito. Hindi ko na rin pinalitan 'yong skirt ko. Nag-tsinelas na lang din ako. Pagkatapos, kinuha ko na ang payong ko at lumabas na para bumili.

Ang bagal! Ang bagal kong maglakad! Mas mabagal pa kaysa sa pagong! Naiirita ako pero hindi ko rin naman magawa ang bilisan ang lakad ko. Nanghihina ako, sa paghakbang ko rito sa hagdan, mas daig ko pa yata ang senior citizen sa pagbababa rito sa hagdan! Ba't kasi walang elevator dito?

Kung noon na wala pang 30 seconds ay nakarating na ako sa baba, ngayon naman, parang inabot ako ng 2 minutes sa pagbababa rito sa hagdan! At pagkalabas ko pa lang, nanginig ako nang humampas sa akin ang malakas na hangin.

Mukhang lumakas pa yata lalo ang bagyo. At sa payat kong ito, pwede akong ilipad. Buti na lang at malapit lang ang 7-Eleven dito sa dorm. Katapat lang, tatawirin lang.

Nakarating ako sa 7-Eleven, ang agad kong hinanap ay cup noodles, ano pa ba ang kakainin ko? Wala akong lakas para magluto ng sardinas o ng corned beef. Eh, wala ring lakas para magbukas ng mga de lata!

Bale ang nabili ko, dalawang cup noodles at bumili rin ako ng in-can na coke. Eh, pampalakas kaya ang coke. Energy drink ko 'yan.

"P61.00 po, Ma'am." Sabi sa akin ng cashier kaya nagbigay ako ng saktong bayad dahil mayroon ako.

Nang makalabas na ako, agad kong binuksan ang payong ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bumaliktad bigla ang payong ko dahil sa lakas ng hangin. Pero naibalik naman. Gulat ako ro'n!

Hindi ko na naituloy ang balak ko sanang magpunta sa botika na malapit dito. Kasi mukhang totoong ililipad ako ng hangin kung tutuloy pa ako tsaka medyo baha na rin. Bumalik na ako sa dorm. Mukhang sa mainit na noodles ko na lang idadaan itong sama ng pakiramdam ko.

Parang mas bumagal ang paglalakad ko, ewan ko ba kung dahil sa hangin na humahampas sa akin na dahilan kung bakit patigil-tigil ako. Pero buti na lang, nakarating na ako sa dorm. Medyo nahihilo pa ako nang ibaba ko ang tingin ko. Pumikit ako para maiwala at nang maglalakad na sana ako paakyat sa taas ay nawalan ako ng balanse.

Hindi ko naramdaman ang pagtama ng likuran ko sa sahig dahil sa pagkakaalam ko ay may sumalo sa akin. May mga kamay na nakasuporta sa aking beywang kaya bumalik ako sa ayos ng pagkakatayo ko. Lumingon ako, at napatanong. Bakit ba lagi na lang siya ang tumutulong sa akin?

"Are you okay, Ms. Torre?" Tanong niya sa akin pero mukhang nabisto niya ang sagot sa hitsura ko.

Malamang ay maputla ako ngayon at ramdam ko na ang aking panginginig.

"Opo, S-Sir.." Sagot ko at nagulat ako nang hawakan niya ang noo ko.

"Ang init mo."

Nawala na ako sa kamalayan na inaalalayan niya na ako sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa paglalakad papunta sa kwarto ko rito sa dorm. Hanggang dito mismo sa kwarto ko, inalalayan pa rin niya ako. Hindi ko na rin pinansin na pati siya ay pumasok dito sa kwarto ko, medyo nag-alala pa ako na baka makalat sa paningin niya ang tinutuluyan ko.

Until The SunsetWhere stories live. Discover now