"Uhm okay okay. Before that and first of all, hindi po namin ang mga mga pangalan niyo." Sambit ni Joudee at tumayo. "And, care to share?" Ngumiti pa siya.

Nagtaka ako. Wait, hindi lang ako ang nagtaka. Pati sila Aliah, Kiara at ang tatlo pa. "Ha? Joudee? Hindi mo sila kilala?"

Nagsalita ang babae. "Alessa. Alessa Mercado."

Nagtaka naman ako nang biglang sumabog si Alessa. Sandali, bakit hindi sila magkakilala?

Tinignan ako ni Alessa ng pasikreto at mukhang may gusto siyang sabihin. Bumalik ang tingin niya kay Joudee.

Pinagmasdan ko si Alessa. Mahaba at may pagkakulot ang kanyang buhok at nakatali ito. Unang tingin pa lang ay mukha na siyang mabangis. May hawak siyang flashlight.


"Pedro naman. Pedro David, anak ng principal." Psh, that was so unnecessary tho. Matangkad ang isang ito ang may hawak siyang isang case na hindi namin alam kung ano ang laman. Kung titignan pa lang siya ay mukhang siya ang tatay ng grupo. May bandage ang kanyang kaliwang braso.

Sandali nga, bakit parang hindi naman nila kilala ang isa't-isa?


"Mambo Guzman." Namimilipit ang boses niya habang ginagamot siya ni Alessa. Damn, okay. Nakakakonsensya na okay? Mukha naman siyang mabait at mukhang siya ang pinakabata sa kanila. Tumingin siya sa akin. "Hindi ka ba magsosorry?"


Umirap ako at tumayo. "Okay, sorry. Forget that. I have to make a deal with you guys." Seryoso kong tugon at isa-isa ko silang tinignan. "We have to stay together. May mga armas kami, kayo mayroong gamot. We are not forcing you, just only if you guys want. And you can also help us find our missing friends, nahiwalay kami sa kanila."


This Mambo boy tilted his head while looking at Aliah. Kumunot ang noo ko at nahuli ko silang nagtititigan. "What the ef?" May something ba sa kanila?


"Hey, okay deal." Sambit ni Pedro. Kinalabit naman siya ni Alessa at mukhang hindi ito pumayag. Hinayaan ko silang mag-usap. Habang nagkokontrahan sila ay napatingin ako sa case na hawak ni Pedro.


"Uh, anong laman niyang case?" Inunahan ako ni Kiara sa pagsasalita. Natigilan naman si Alessa at Pedro sa pagkokontrahan. Nagkatinginan silang tatlo.


"Are those.. By chance.." Pagsasalita ko habang nakataas ang isang kilay kay Alessa na masama ang tingin sa akin. Bakit ba ganyan siya kung makatingin? O sadyang mukha niya lang talaga 'yan?


"Experimental antidotes." Tugon ni Mambo. Kinuha niya ang case sa kamay ni Pedro at binuksan ito dahilan para manlaki at maliwanagan ang mga mata namin.


"What the hell.." Amazement filled Aliah's voice.


"This could help us find the cure. Naghahanap lang talaga kami ng mga arams para makapatay ng isang taong infected nang sa gayon ay makagawa kami ng gamot. That's why we accepted the offer of yours, mister Alec." Wow, 'di ko alam na formal na pala magsalita ang Pedro na ito. Minumura-mura lang ako nito noon ah.


Tinignan ko si Aliah na nakangiti sa kanila. Dumapo ang tingin ko kay Kiara na parang hindi mapakali habang nakatingin sa case na may lamang mga antidote. Sandali, bakit parang nanginginig siya?


"Kia--" Naputol ang pagsasalita ko nang tumunog ang bakal na pintuan ng bodega. Dumapo ang tingin namin kay Joudee na nakatalikod sa amin. Kumunot ang noo ko. "Joudee?"


Hindi ko alam pero tumaas ang balahibo ko nang dahan-dahan siyang lumingon sa amin at tinignan kami isa-isa habang may unting ngisi sa labi niya. Sandali. Parang may mali?


"Joudee?" Ulit kong tawag.


Tumaas ang kilay niya sa akin. "Ano na? Akala ko ba pupuntahan natin sila Ian na nasa panganib na? Mukhang susunod pa naman sila Izele na naghahanap sa kanila." Sambit niya habang may pinapakitang ngisi dahilan para magtaka ako.


"Joudee, paano mo nasabi na sila Ian ang hinahabol at sumusunod sila Izele?" Base sa boses ni Aliah ay mukhang kinakabahan na rin siya. Pina-atras ko sila at sinenyasan na huwag lumapit. Naramdaman kong nanginig ang tuhod ko sa kaba.


"Huh? May sinabi ba ako? Wala naman." Umiling siya at nag-inarteng naiiyak.


Umigting ang panga ko sa inis at pumunta sa pintuan at hinarangan ito. Tinitigan ko si Joudee sa mata ng malalim.


Alam kong hindi ikaw 'yan, Joudee.


"Walang lalabas. Hindi ka makakalabas." Malalim kong tugon.


May hinugot siya sa bulsa niya dahilan para mapasigaw sila Aliah sa gulat.

Baril.

Nakatutok ito sa mismong ulo ko..


Fuck.








END OF CHAPTER 15





-

A/N

Sorry for the super late update, I was dealing with some issues and my brain wasn't working enough. Thank you!

Fearing The Unknown Where stories live. Discover now