"What?!"


"Baka sila ang mga ibang nahiwalay sa atin! They need our help!" Sigaw ko pabalik kay Kiara.


"And what? Sacrifice our lives to help them? Can't you see na sobrang delikado sa labas?" Sumbat niya sa akin. Kumuyom ang kamao ko habang nakatitig sa mga mata ni Kiara. Gusto kong magalit. Pero hindi iyon kakailanganin sa sitwasyong ganito. Linapitan ko siya dahan-dahan.


"They need our help. Kung ikaw na kayang makita ang mga kaibigan mo na namamatay without any guilt, then you're the one who deserves to die. Now, you can stay if you want. Ako, tutulungan ko sila. Hindi ako tulad mo na walang konsensya't makasarili." Dahan-dahan kong sambit. Tinalikuran ko siya at hinawakan ang handle ng pintuan nitong bodega.


"Alec, sasama ako." Rinig kong tugon ni Aliah.


"Same with me." Ani Joudee.


Muli akong lumingoin kay Kiara. I smirked. Mahina ang babaeng ito.


"Okay! Fine, sasama na din ako." Mas lalo akong napangisi ng sarkastiko dahil mukhang napipilitan lang siya.


"You know you can stay here if you want." Kalmado kong sabi kahit na kanina ko pa siya gustong sapukin kahit na babae pa siya.


"Alec, that's enough." Singit ni Aliah. Mukhang napansin niya na kanina ko pa gustong sumabog sa galit. Huminga ako ng malalim at kumalma nalang. Hindi na namin naririnig ang mga nagsisitakbuhan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang napagtanto na malayo na nga sila, ibig sabihin mas delikado na ang buhay ng mga hinahabol nila!


Damn!


Sinipa ko ng malakas ang bakal na pintuan ng bodega at akmang lalabas nang biglang may sumugod din sa amin. Nagsitilian sila Aliah at napasigaw naman ako.


"AHHHHHHHH!!"


Pumutok ang baril na hawak ko sa gulat at galit. Sa hindi malamang dahilan, tumahimik ang paligid at nakarinig ako ng mura galing sa hindi pamilyar na boses.


Binuksan ko ang mga mata ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakaluhod at may hawak na baril. Nakasara ang pintuan at may patuloy na nagmumura sa likod ko. Agad akong lumingon at sa sobrang gulat ay itinutok ko ulit ang baril ko sa.. Sa tatlong hindi ko kilala.


Lumapit sa akin sila Aliah, Kiara at Joudee. Sa harapan namin ay mayroong hindi pamilyar na mukha. Sandali, pamilyar sila! What the heck. Malalim ang paghinga ko. Damn. Nasobrahan ako sa gulat kanina, muntikan na akong mahimatay.





"P-please, ibaba m-mo 'yan.." Mahinhin na sabi ng isang babae. Tumingin ako kila Aliah, tumango sila sa akin. Wala akong nagawa kundi ibaba ang baril na hawak ko. Dumapo naman ang tingin ko sa isa nilang kasama na duguan ang kaliwang braso.

Si Alessa, Mambo at Pedro. Sila lang pala. Nakahinga ako ng maluwag.

"W-wait, bakit siya duguan? Tangina, nakagat yata yan!" Itinutok ko ulit ang baril ko sa lalaking basag ang isang parte ng kanyang salamit at duguan. Mambo. Tangina, Mambo naman! Sumama ang tingin niya sa akin.





"Tangina, binaril mo 'to, bobo! Tangina naman eh." Lumapit sa kanya si Alessa at Pedro at ginamot ang sugat. Psh, mukhang daplis lang naman ang nagawa ko eh.


Pinagmasdan ko silang tatlo. Sila ang medicine students. Kaibigan din namin sila. Pareho silang tatlo ng suot at lahat sila nakaputi pero nabahiran na ito ng pula at itim na dugo.

"Ano ba? Kami pa rin ito! Wala kaming kagat o ano, psh." Masungit na sabi ni Alessa. Kumunotang noo ko sa kanya.


"Why does she sound so obnoxious for me.." Mahinang bulong ni Aliah at mukhang narinig ito ni Alessa kaya tumingin siya dito.


Fearing The Unknown Where stories live. Discover now