Prologue

34 0 0
                                        

Sa isang prestihiyosong paaralan na kilala hindi lamang sa katalinuhan kundi pati na rin sa mga estudyanteng may kanya-kanyang attitude, isang bagong yugto ang magsisimula. Walong (8) estudyante mula sa iba't ibang sulok ng bansa ang magkakatagpo sa iisang silid-aralan—mga personalidad na parang langis at tubig, hindi magkatugma, hindi magkasundo... o baka naman, hindi pa?

May apat na babaeng palaban:
Zoe: ang mainitin ang ulo at hindi nagpapatalo sa kahit kanino.
Ayu: tahimik pero matalino, laging may baong panabla sa kahit anong debate.
Sab: misteryosa at may tinatagong tapang, hindi mo gugustuhing makalaban.
Yannie:  maldita at prangka, walang sinasanto pag nagsalita.

At ang apat na lalaking tila laging nasa taas ng mundo:
Ice: ang suplado at seryoso, ayaw makihalubilo pero laging nagpapansin.
Ken: mayabang at laging gustong siya ang bida.
Josh: bully na walang takot sa kahit sino, lalo na kung babae.
Xander: ang chickboy na akala mo lahat ng babae ay mai-in love sa kanya.

Hindi inaasahan, sa isang eksperimentong ginawa ng paaralan upang turuan ng teamwork at leadership ang mga piling estudyante, silang walo ang piniling magsama-sama sa iisang special section. Isang buong taon ng pagsasama—isang taon ng sigawan, asaran, pisikalan, pero... may posibilidad din ba ang pag-ibig?

Mag-aaway ba sila hanggang dulo, o matututo silang bumaba sa pride at magmahal?

"Walong Mundo, Isang Silid. Away nga ba? O Simula ng Pagmamahalan?"
Ang kanilang kwento ay magsisimula na.

----------------------

-EliraVayne

My boyfriend is a Gangster (On-going)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora