*SALE!!!! 30% OFF!!*

Agad naman akong pumasok sa loob at pumili ng mga dresses, matagal-tagal na rin akong hindi nakakabili nito dahil madalas akong nasa bahay lang at school. Kumuha ako ng tatlong dress at agad sinukat, kulay maroon, blue at black 'yung mga kinuha ko dahil bagay 'yun sa kulay ng balat ko. Lalo na 'yung maroon dahil magmumukha akong chinese pag suot ko 'yun, medyo sakto lang naman 'yung kulay ng balat ko  at may pagka singkit ang mata ko kaya minsan napapagkamalan akong chinese, Ewan ko ba sa parents ko kung may lahi ba silang foreign blood 'di ko naman kasi natanong 'yun sa kanila dati.

Uupo na sana ako sa bench dito sa mall dahil gusto ko munang magpahinga pero naunahan ako ng magkasintahan na umupo doon, ang sweet pa talaga nila ha, maghihiwalay din naman, nakakainis! Kaya umupo nalang ako sa kabilang bench. Pinagmasdan ko lang ang mga taong naglalakad sa harapan ko. Ang saya ng mga taong nandito sa mall, sana kagaya niyo nalang ako..napatingala nalang ako sa kisame dahil tutulo na naman ang luha ko kaya agad kong pinunasan 'yun upang 'di makita ng mga tao.

"ELLA? ELLA!" napalingon ako sa kaliwa ko dahil may kung sinong sumigaw at tinatawag ang pangalan ko pero pagtingin ko wala namang tao, siguro guni-guni ko lang 'yun hays. "Ella! I'm here." napaatras ako dahil sa gulat, paglingon ko kasi sa kanan ko nakita ko na kung sino 'yung tumatawag sa'kin, it was my childhood friend

It was him Liam....

And my first love....

"Hoyy! Ella okay ka lang ba?" nakangiting tugon niya sa'kin habang kumakaway pa sa mukha ko, 'di ko naman namalayan na napatulala na pala ako sa kaniya. Ngayon ko lang kasi siya nakita since before, akala ko 'di na siya uuwi dito

"Hey! ELLANG!" Pagtawag niya ulit ngunit napalakas Ito kaya nagtinginan ang mga tao saamin ngayon, agad ko namang tinakpan ang bibig niya dahil nakakahiya sa mga tao rito. Umupo naman siya sa tabi ko at tumitig lang ako sa kaniya, gustong-gusto ko siyang yakapin dahil nga miss na miss ko na ang lalaking 'to but I can't.

"Kamusta kana? Nabalitaan ko nangyari sa family mo. Condolence pala." sabi niya at agad niyang hinimas ang likod ko, nginitian ko nalang siya pabalik at agad akong napayuko dahil pakiramdam ko tutulo 'yung mga luha ko.

"Heto nasasaktan parin, ang hirap eh---" bigla nalang nag crack ang boses ko dahil ko na napigilang maiyak sa harapan niya. "Ssh, I'm here. Huwag ka ng malungkot I'm sure masaya na sila tita and tito kung nasaan man sila ngayon." sabi niya sa'kin habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Grabe ang hirap pala pigilan ng mga luha mo, ang hirap mag panggap na masaya ka lalo na't bago palang 'yung sugat na natamo ko.

"May mga bagay talaga na mawawala... Pero alam mo? Kahit nawala man ang bagay na mahalaga saiyo ay  dahil maaring may darating na bago sa buhay mo." sambit niya habang nakatingin sa mga taong naglalakad sa mall, kahit papano napapangiti niya ako sa mga sinasabi niya nakakagaan ng loob.

" Mahirap mawalan ng bagay na importante saiyo, lalo na kung pamilya mo 'to. Pero lahat ng sakit na nararamdaman mo ay unti-unti ding mawawala sa paglipas ng panahon, kailangan mo lang maging matatag Ella." Dagdag niya pa bago siya tumingin sa'kin, nginitian ko nalang siya at pinunasan ko ang mga luha ko. Grabe napaiyak ako sa mall, bakit ganito? Gusto ko mang magsaya pero 'di ko parin maiiwasang 'di maiyak at malungkot. Ang hiraap.

Namasyal kami sa mall pagkatapos naming makapag-usap doon, nag libot lang naman kami, nanuod ng sine at kumain. Kahit 'di namin aminin alam namin na nami-miss namin ang isa't-isa at 'di yun kailangan pang ideny. Nakakamiss magkaroon ng kaibigan na ganito dahil pagkatapos niyang mawala sa buhay ko 'di na talaga ako naghanap ng bagong friends kasi feeling ko lahat sila iiwan lang ako. Kaya siguro na trauma naako, noong iniwan ako ni Liam dahil doon siya nag-aral sa states grabe gumuho 'yung mundo ko. Di ko pa kasi naamin sa kaniya na gusto ko na siya kaya magmula no'n nagtampo naako sa kaniya, nawalan ako ng gana sa lahat.
Pero ngayon na bumalik na siya, para bang nawala sa isip ko 'yung tampo ko sa kaniya.. mahal ko pa ba siya? Mahal niya rin baako? 'yan ang tanong na nais ko ng sabihin sa kaniya dati ngunit natatakot ako na baka hindi, baka ma reject lang ako at masaktan. Oh baka naman may girlfriend na siya at nag vacation lang siya dito diba? Baka nga gano'n.

Alas 7 na ng gabi ng makauwi ako sa bahay, hinatid paako ni Liam pero hindi na siya pumasok sa loob dahil pinapauwi narin daw siya ng mommy niya. Pagkapasok ko sa loob nadatnan ko si Klerk na nakaupo at may kausap sa cellphone. Nilagpasan ko nalang siya dahil mukhang busy siya sa kausap niya, dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Ma'am andito na po pala kayo." Nakangiting tugon sa'kin ni Aling Isadora, naabutan ko siyang naghuhugas ng pinggan. Tinitigan ko nalang ang likod ni Aling Isadora, alam kong nahihirapan na siya sa mga ginagawa niya dahil sa edad niya kaya nga naawa narin ako sa kaniya dahil matanda na siya pero nag tatrabaho parin siya para tustosan ang pangangailangan ng pamilya niya. Naalala ko tuloy parents ko, Ghad!! I miss you dad and mom!

"Ah oo aling Isadora, medyo nag enjoy kasi kaya 'di ko na napansin ang oras." Sagot ko sa kaniya at nagpatuloy na siyang maghugas, bumalik naman ako agad sa sala ngunit wala na doon ang kapatid ko kaya umakyat nalang ako sa itaas, naisip kong silipin si Klerk kung tulog na ba siya kaya pumunta ako sa kwarto niya at nadatnan ko siyang umiiyak... kaya agad akong nataranta!

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Ha? Bakit?" Natatarantang tanong ko sa kaniya ngunit sa halip na sagutin niya ako may agad siyang nilahad saakin na white envelope. Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong idea kung ano ang laman ng 'yun.
"What's this?" pagtatakang tanong ko habang binubuksan iyon, pagkabukas ko kinuha ko agad ang papel na nasa loob at agad binuklat. Tumingin muna ako sa kapatid ko na nagpupunas pa ng luha at huminga ako ng malalim bago subukang basahin ang papel na 'yun

Laking gulat ng mga mata ko, kasabay ng pag- nganga ng bibig ko dahil sa nabasa ko. Unti-unti akong napaupo sa sahig at bumuhos agad ang mga luha ko, nanginginig ang buong katawan ko dahil sa nabasa ko! Grabe!

"Ate... Pano na?" singit ng kapatid ko kaya agad ko siyang nilingon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko din naman alam ang pangyayari at nagaganap, tanging parents lang namin ang nakakaalam

Agad akong lumapit sa kapatid ko at niyakap ko nalang siya habang hawak-hawak ko parin Ang papel na 'yun

"Hindi.. Hindi maari" sambit ko at tuloyang napahagulgol

"Ma'am! May tumatawag po! "sigaw ni Aling Isadora kaya nagulat ako at napatayo, pinunasan ko naman ang mga luha ko nilagay sa lapag ang papel. " Sino raw ?" tanging sambit ko habang nakatulala parin

"Galing po sa office ng daddy niyo." napalingon ako agad sa sinagot ni Aling Isadora at nanginginig na kinuha ang cellphone

"H-hello?" Utal na sagot ko sa tawag

"Hello ma'am, is this Ms. Ella Mariano? Tha daughter of George Mariano? " sagot ng babae sa kabilang linya, bumuntong hininga muna ako bago sumagot

"Ahm, y- yes po." Utal ulit na sagot ko at hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone dahil alam ko na kung ano ang sasabihin ng babae sa kabilang linya

"Nagpadala po kami ng letter diyan and I know na nabasa niyo na 'yun. We have an urgent meeting regarding sa business niyo. Please kindly settle this or else madadamay pati bahay niyo." dagdag pa ng babae na naging dahilan upang mapahagulgol ako at napaupo sa sahig. Ano ng gagawin ko? Papano na kami?

______________________________________

Abangan ang kasunod na kabanata mga mahal kong Lykiss!

No hate spread love.

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Where stories live. Discover now