CHAPTER 2

45 8 4
                                    

The really measure of your wealth
is how much you'd be worth
if you lost your money.
- Anonymous

______________________________________

BUMUNGAD sa kaniya ang kutsilyong matagal na niyang tinatago sa cabinet, agad niya itong nilabas at tinitigan tila ba inaakit siya ng mga ito. Maaaninag mo ang kinang nito dahil sa sobrang talim na kung matatama ito sayo ay siguradong masusugatan kana

Tinitigan niya itong mabuti at ngumisi, ilang sandali lang hindi na siya nag dalawang isip pa na ihiwa ito sa kaniyang pulso na naging dahilan upang tumulo ang napakarami niyang dugo maging ang kaniyang damit ay na lagyan at na mantsahan ng dugo

"Ouch"  mahinang bulong niya ng makaramdam ng hapdi habang nanginginig ang kaniyang pulso dahil sa matinding dugo na lumabas

*Toktok*

"Maam? Ito na po ang pagkain ninyo kumain na po kayo upang hindi kayo magkasakit" sambit ng kanilang kasambahay na si Aling Isadora, ang pinakamalapit sa kaniya, agad-agad nabitawan ni Aling Isadora ang tray ng pagkain sa lamesa ng makita niya si Ella na duguan

"Maam? Anong ginawa niyo maam! " Sigaw niya habang lumalapit siya kay Ella, nabitawan naman ni Ella ang kutsilyo na inihiwa niya sa kaniyang pulso at tuluyan siyang bumagsak  sa sahig. " Maam!! Gising poo!" Sigaw ulit ni Aling Isadora ngunit wala ng malay si Ella

Agad siyang isinugod ng kaniyang magulang sa hospital upang gamutin ang kaniyang sugat, Hindi nila akalain na magagawa Ito ng kanilang anak sapagkat hindi naman ito katulad ng dati. Ang Ella noon ay napakabait at maalagain sa sarili, napatulala naman si Mary ng maalala ang karanasan ng kaniyang anak dati,

"Aray! Mama tulong huhuhu" iyak ng batang si Ella, nadapa ito dahil sa kakatakbo kaya agad namang lumapit ang kaniyang ina at inalalayan itong tumayo mula sa pagkakadapa

"Mama nasugatan po akooo ayoko po nito huhuhu" sambit ulit ng batang si Ella dahil sa matinding sugat na natamo niya, ayaw na ayaw nito na masugatan siya kahit Isa dahil takot na takot siya makakita ng dugo
"Sshh, huwag ka ng umiyak anak. Mawawala din 'yan halina't gamutin natin" pagpapatahan naman ng kaniyang ina sa anak upang matahimik na Ito at walang dapat ikabahala sa kaniyang natamong sugat

"Mama gagaling po ba 'yan? M-mahapdi po a-aray mama" sambit nito habang umiiyak pa at halatang hindi sanay sa hapdi, tumawa naman ang kaniyang ama dahil sa sinapit ng anak

"Hahaha anak huwag kang maging lampa sa susunod upang hindi ka masugatan" sarkastikong tugon nito habang hinihimas ang likuran ng anak. "Papa bakit niyo po ako tinawanan? Ang sama niyo po ayaw ko na sainyo" Sabi ng batang si Ella habang humihikbi talagang napaka kulit ng bata na ito

"Anak gusto ko lang naman matuto kang lumaban dahil hindi lahat ng bagay na nakasakit sayo ay iiyakan mo lang, huwag kang papatalo" ani ng kaniyang ama at humigop na Ito ng kape habang binabasa ang newspaper, napayuko nalang si Ella dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang ama

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Where stories live. Discover now