1: First Day of School

8 0 0
                                        

Bukas na.

Bukas na magsisimula ang high school life ko. Nakakaexcite! Naku, naku! Baka hindi ako makakatulog nito. Tulog muna ako.

Pero...

Ano kaya ang mangyayari sa buhay high school student ko?

Sabi ng mga nakakatanda sa akin, sa high school daw mangyayari ang pinakamagical at mala-fairytale na story sa buong buhay ng isang tao.

Ano kaya yun?

Could there be a Godmother or fairies who would help me do my assignments and projects? Or maybe, a witch who would ruin everything?

Either of the two ay kakayanin ko. Nakaya ko nga ang 6 years sa elementary na noong nagsimula ay wala akong alam. Ngayon pa kaya na alam ko na kung paano magsulat, magbasa at magbilang. May mga background knowledge pa akong baon galing sa best teachers ko sa elementary. So, ang high school, sisiw lang yan!

Pero kung iisipin kong mabuti at maigi, ang pagkakaroon ng Godmother at witch sa buhay ay normal lang at walang magic doon na sinasabi nila.

I closed my eyes.

"The only antidote to this curse is True Love's Kiss."

Napabalikwas ako nang marinig ko sa isipan ko ang kadalasang sinasabi ng witches sa fairytale.

True Love's Kiss?

Seryoso? 'Eh, may pamilya naman tayong magbibigay agad ng kiss na yun. Walang magic pa din doon.

I closed my eyes again and inaalala ko kung ano pa bang posibleng mangyari na magical sa high school pero I failed. Hindi ko na alam kung ano pa ba.

Hayyy... Para akong lantang gulay na bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang mga mata para matulog na.

Bahala na nga kung ano yung magic na sinasabi nila. First day pa naman bukas kaya kailangang maganda ang gising ko.

"Mae!"

"Betty!"

Iba't ibang scenario ang nakikita ko ngayon. May mga nagyayakapan, tumatalon habang magkahawak kamay at may nagchichikahan. Kasama nila ang kani-kanila nilang mga kaibigan habang nakapaskil sa mga mukha nila ang malalaking ngiti. Meron din namang mga estudyante na tahimik lang habang nagsecellphone at nakamasid lang sa paligid katulad ko. Wala man akong kakilala ngayon, natutuwa naman ako sa nakikita ko ngayon. Nahawa na nga ako sa mga tawa na nasa kanang bahagi ko nang may nagbibiro doon.

"Maria." seryosong tawag ng lalaking nanguguna sa pagbibiro sa katapat niyang babae. "Halika mag review na tayo."

"Ha? Eh first day palang ngayon." sagot naman ng babaeng may maamong mukha at maputi.

"Boom! Basag!" biglang sigaw ng lalaki sa likod ng babae sabay tayo na naging sanhi ng tawanan ng iba pang kasama nito.

Napakunot-noo ako. Saan ang nakakatawa doon?

Baka nasa mukha ngayon ng lalaki na nanglumo ngayon.

"Ituturo ko sana sa'yo kung paano kita pasasagutin." mahinang sabi nito pero nadinig iyon ng iba kaya mas lumakas ang hiyawan ng mga ito.

May mga pumapalakpak pa, pumipito tsaka nakikiapir sa lalaki.

Nakita ko naman ang babae na napayuko at doon sumilay ang napakatamis nitong ngiti.

"Ang galing mo talaga, Brian!" puri ng maputing lalaki na nakaakbay na ngayon sa bumanat.

Ang saya-saya nila.

Namimiss ko tuloy ang mga kaklase ko noong elementary. Ganyang-ganyan kami noon, 'eh. Yung si Boggie ang magpapasimuno ng katatawanan tapos kami nina Merry at Shayne tsaka yung iba pang kaklase namin ang magiging audience niya. Kumusta na kaya sila?

My FirstsWhere stories live. Discover now