Nanlaki ang mga mata ko nang itarak ni Nana Lina ang kutsilyong nabitawan ko kanina sa tagiliran ni mayor Enrico na agad na humandusay sa lupa!

"Halika kana! Pabalik na sina Karding!"

Natutulala akong hinatak palabas ng barong-barong ni Nana Lina na may dugo ang mga kamay.

Paglabas namin ni Nana Lina sa barong-barong ay natanaw namin ang mga liwanag ng sulo sa loob ng kakahoyan at mukang nagmamadali ang mga may hawak nito.

"Nandiyan na sila!" Aniya ni Nana Lina na mabilis akong hinigit. "Marunong ka namang mangabayo, diba?"

Tumango na lang ako habang sumusunod kay Nana Lina dahil pa rin sa matinding gulat sa nangyari.

"May kabayong nakatali sa likod ng punong iyan, kalagan mo! Kukuha lang ako ng sulo para may ilaw tayo pababa ng bundok."

Agad kong sinunod ang utos ni Nana Lina at totoo ngang may kabayong nakatali na nag-iingay sa likod ng puno.

Matapos kong makalagan ng tali ang pulang kabayo ay sumampa na agad ako sa likod nito.

"Nana Lina!"

Pagtawag ko kay Nana Lina na may bitbit na sulo habang papalapit sa may gawi ko.

"Andiyan na ang mga rebelde!"

Aniya ni Nana Lina na kinapitan at inalalayan kong makasampa sa likod ng kabayo sa may likod ko.

Sunod-sunod na putok ng baril ang gumulantang sa paligid kasunod ang malakas na pagsigaw ni mang Karding na marahil ay nakita na nito ang duguang anak sa loob ng barong-barong.

Agad kong pinatakbo ang kabayo habang nasa likod ko si Nana Lina na iniilawan ang madilim naming dinadaanan.

"Ayon sila!"

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa kuta ng mga rebelde kaya nakita ng mga ito ang aming pagtakas sakay ng kabayo.

"Nasusundan nila tayo!"

Aniya ni Nana Lina sa likod ko kaya binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo sa kabayo. Napapayuko rin ako dahil sa mga putok ng baril na sa'min ang direksiyon!

"Ahh!"

Sigaw ni Nana Lina at humigpit ang kapit niya sa likod ko.

"N-nana Lina?!"

Nanginginig kong sambit dahil hindi ko makita ang kalagayan ni Nana Lina dahil nasa likod ko ito.

"D-daplis lang..Bella.." umiling ako dahil parang ayaw kong maniwala! "Iliko mo..iliko mo Bella.." sinunod ko naman ang sinabe ni Nana Lina at pinaliko ko nga ang kabayong sinasakyan namin.

"Bababa ako.."

Presinta ni Nana Lina kaya nakabig ko ang lubid ng kabayo dahilan para tumigil ito sa pagtakbo.

"Nana Lina!"

Nagugulat kong sigaw dahil sa biglang pagtalon ni Nana Lina sa lupa habang hawak pa rin ang sulo.

"Bakit kayo bumaba? Bumalik na po kayo!" Aniya ko.

"Nasusundan nila tayo dahil sa hawak kong sulo, kailangan nating maghiwalay Bella.." sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"Huwag ka nang bumaba, pakiusap." Aniya ni Nana Lina nang tangkain kong bumaba sa kabayo.

"Isa lang sa'tin ang makakalabas sa gubat ng buhay at gusto kong ikaw iyon, Bella."

"Nana Lina..sumakay na ulit kayo!"

Lumuluhang pakiusap ko pero umiling lang si Nana Lina habang nakahawak ang kaliwang kamay sa tagiliran nitong dumudugo!

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now