•••

Nasa labas na ng mansion ng Montenegro sila Katleya. Lumabas na siya ng sasakyan dahil gusto na niyang makausap ang binata. Nagpaiwan naman si Amber at mas piniling hintayin na lang ang kaibigan.

Pagpasok ni Katleya sa loob, napakaraming tao. May selebrasyon din pala sa mansion ng Montenegro, pero mas pinili ni Blue na sa kanila pumunta. Nang makita ni Crezelda si Katleya, nilapitan niya ito. Nagmano naman si Katleya sa ina ng lalaking mahal niya.

“Si Blue po?” tanong ni Katleya.

“Nasa kuwarto niya. Namumula nga ang mga mata niya nang dumating siya. Parang galing sa pag-iyak. May nangyari ba? Hindi niya kami pinansin. Kahit ang Lala niya ay walang nagawa sa kanya kaya hinayaan na lang muna namin siya.”

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Katleya. “Sorry po. Puntahan ko muna siya, Tita.”

“Sige. Sana maging okay na kayo kung nag-away man kayo,” anang Crezelda. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Sana nga po, Tita.”

Tumakbo si Katleya papunta sa kuwarto ni Blue. Ilang beses na siyang nakapasok doon kaya alam niya kung saan ito nakadestino. Nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng binata, agad siyang pumasok nang hindi man lang nagawang kumatok. Pagpasok niya sa loob, hindi niya nakita ang taong sinadya niya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at inilibot ang tingin sa paligid. Napag-alaman naman niyang nandoon ito sa balcony. Nakatalikod lang ang binata at nakatingala sa kalangitan. Suot pa rin nito ang damit na sinuot niya nang manggaling siya sa bahay nila Katleya.

Pinuntahan ito ni Katleya sa balcony. Nang nasa likod na siya ng binata, hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito nang mahigpit mula sa likod.

“Sorry,” si Katleya. Maririnig sa boses nito ang lungkot.

“Bakit ka nandito?” malamig pa sa hangin na tanong ni Blue. Hindi man lang nito nagawang tingnan ang kaibigan.

“Nandito ako dahil mahal kita...”

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Katleya. Nagpipigil lang siyang umiyak dahil alam niyang siya rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kaibigan.

“I love you, Pie,” mahinang sabi pa nito.

Humarap na si Blue rito...

“Bakit ka ba nagkakaganyan?” Gusto mang pigilan ni Blue ang luha nito, pero bigo siya dahil kusa itong bumuhos. Nasasaktan din siya para sa kaibigan niya. Hindi niya gusto ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Pinunasan nito ang luhang nagsipatakan sa mga mata niya. “Kapatid nga lang ang turing ko sa iyo, Kat. Hindi kita mahal.”

Biglang idinampi ni Katleya ang kanyang labi sa labi ng binata subalit itinulak lang siya nito. Natumba naman ang dalaga dahil doon.

“Ano ba!” sigaw ni Blue.

Tumayo si Katleya at muling hinalikan sa labi ang mahal na binata. Itinulak muli ito ni Blue at pagkatapos, pumasok na sa loob ng kanyang kuwarto.

Parang aso naman si Katleya na sinundan ito. Nang makita niyang papapunta si Blue sa may pinto palabas ng kuwarto, tumakbo siya para harangan ito. Isinara pa niya ang pinto para masiguradong hindi makalabas ang mahal na binata.

Napakamot na si Blue sa kanyang ulo dahil sa inis...

“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Kat?” tanong ng binata. May pagmamakaawa na sa boses nito.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now