Paano kong hindi iisipin iyon? Involve ako roon, at kapag nangyari nga ang pag-alis ni Code sa Downtown, guilt ko iyon. Ngayon pa lang nga ay guilty na ako na sinabi ko pa sa kanya ang totoo.


Nang tumigil ako sa pag-iyak ay ilang minuto pa kaming nanatili ni Code sa rooftop. Naupo sa ilang tambak na hollow blocks sa gilid at si Code naman ay naupo sa ilang patong ng sako-sakong buhangin.

"Paano mong nalaman na wala pa ako sa loob ng dorm ko?" nagtatakang tanong ko kay Code.

"Syempre nagtanong ako sa dormmate mo. Hindi nila ako nakilala dahil may suot akong facemask at shades."

Tumaas ang isa kong kilay. "Pero nang abutan kita ay hindi mo na suot ang mga iyon. Paano kung lumabas bigla ang kasama ko sa dorm? O kaya ay iyong mga nasa katabi naming kwarto?"

Umangat ang isang sulok ng labi ni Code. "Hindi naman nila ako nakita."

"Pasalamat ka." Nirolyuhan ko siya ng tingin.

Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa kanya kanina. Pero kung nagtagal pa kami marahil doon ay baka pinagkakaguluhan na si Code ngayon.

"So, saan kayo ng punta ng lalaking iyon?" seryoso at may halong pagdududa ang ipinupukol na tingin ni Code sa akin habang hinihintay niya ang sagot ko.

"Nagpunta kami sa baywalk. Nagpahangin lang kami sa may sea side, tapos...pinakinggan niya iyong mga sentimento ko."

"I'm really sorry. Ako dapat ang kasama mo kanina."

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Code at ang lungkot sa mga mata niya nang tumingin siya sa malayo. He's looks guilty.

"Nauunawaan ko naman na wala kang alam."

"Pero kung naisip ko lang sana agad na may mali. Naiganti sana agad kita."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka naglakad ako palapit kay Code. Namumungay ang mga mata niya nang paglapit ko sa kanya ay agad niyang niyakap ang baywang ko at isinubsog ang mukha niya sa tyan ko, ako naman ay masuyong sinuklay ang kanyang buhok at hinagod ang kanyang ulo.

Alas-onse pasado nang bumaba kami ni Code sa rooftop. Sa tenth floor ay sumakay kami ng elevator at nang makababa ito sa fifth floor ay nagpaalam na kaming dalawa sa isat-isa.

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng doorm ko. Sabay-sabay namang napatingin sa akin ang mga kasama ko.

"Hi, Persis. Kumain ka na?" ani Wency na nakaupo sa kanyang kama at kandong ang kanyang laptop.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya.

"Nice to meet you, Persis. Ako nga pala si Beatrice Santos. Nursing student. Sophomore." pakilala sa akin ng dormmate ko na nakaupo sa kama niya habang nanonood ng tv.

"Ako naman si Jenielyn Dela Cruz, IT at sophomore na rin." pakilala naman ng dormmate ko na nasa itaas ng kama ni Wency.

"Bakit laging late ka na kung umuwi, Persis? Ganoon ba ka-busy ang mga Arki student?" tanong ni Wency.

"Medyo, may pinag meetingan lang kami ng mga groupmates ko." pagsisinungaling ko.

"Salamat nga pala sa dala mong pagkain, Persis." ani Jenielyn.

"Wala iyon."

"May naghahanap sa iyo kanina, Persis." sabi naman ni Beatrice. "Matangkad tapos moreno na..."

"Mukhang gwapo! Nafacemask at shade." nakangiting dagdag pa ni Jenielyn.

Hilaw ko silang nginitian.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon