"S-Seryoso ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Nanatiling nakatingin si Brayden sa mga lyrics ko, habang tumatango siya.

"I want this beautiful masterpiece to be heard."

Muli akong napahikbi. Natutuwa ang puso ko na may handang tumanggap ng tila ibinasura kong liriko.

Pag-angat ni Brayden ng tingin sa akin ay kumunot ang noo niya. "Bakit umiiyak ka na naman?" nababahalang pinunasan niya ng kanyang daliri ang naglandas na mga luha sa pisngi ko. "Ayaw mo ba? Hindi naman kita pinipilit na ibigay sa amin itong gawa mo."

Umiling ako. "Hindi naman sa ayaw ko. Umiiyak ako dahil may isang katulad mo na nakakaappreciate ng gawa ko at handa pang tanggapin ang mga iyan."

"Why not? Ilang ulit ko ng nababasa ito at mas lalo akong namamangha at nasasabik na magawan ito ng arrangement. Pag-isipan mo ang alok ko, Persis."

Nakangiting inabot sa akin pabalik ni Brayden ang Folder.

"Wag mo ng masyadong damdamin ang ginawa nila. Sigurado akong hindi ang kakayahan mo ang totoong dahilan kung bakit tinatakwil ka nila."

Kumunot ang noo ko sa nabubuong akusasyon ni Brayden.

"Ikaw mismo. Your existence is there threat. It's obvious, gusto ka nilang ilayo kay Code."

Iyon din ang sinabi ni Code noon nang magkainitan sila ni sir Gerry. Pero bakit nila ginagawa iyon? Talaga bang isang malaking hadlang ako sa career ni Code para ilayo nila ako sa kanya?

Kahit minsan naman ay hindi ako tumutol sa mga plano nila para kay Code. Parati ko naman siyang sinusuportahan, kahit pa nga masakit sa loob ko ang ilan sa mga iyon ay pilit kong tinatanggap iyon at iniintindi, dahil alam kong trabaho lang naman ang lahat.

Bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Huminga ako ng malalim nang tuluyan ko ng mapanatag ang pakiramdam ko. Katatapos lang din namin kumain ni Brayden. Kung anu-anong pagkain lang na makita namin ang kinain namin. Kumain kami ng balot, chicharon at saka iyong nilagang mani.

"Ano? Okay ka na?" nakangiting tanong ni Brayden sa akin.

Tumango naman ako at saka tumalon pababa ng seawall.

"Mag focus ka na lang muna sa plates na gagawin natin at saka sa pagtugtog sa bar ni ate Alyanna. Hayaan mo na ang mga iyon, balang araw pagsisisihan nila ang ginawa nila sa iyo."

Akmang ilalagay ni Brayden ang kamay niya sa ulo ko at nakahanda na rin akong iwasan iyon, ngunit napatigil siya sa gagawin niya at kunot noo na nakatingin siya sa kung saan.

Sinundan ko ang tingin ni Brayden pero wala naman akong makitang kakaiba sa bahaging iyon.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at saka tumingin siya sa akin.

"There's someone watching us. Parang may nahuli akong kumukuha ng litrato sa atin kanina."

"Huh?"

"I think we should go."

"S-Sigurado ka na may kumukuha sa atin?"

"Oo."

Kinuha ni Brayden ang kamay ko at saka hinila niya ako at mabilis kaming tumakbo patungo sa parking lot kung saan niya ipinarada ang kanyang sasakyan.

Dali-dali kaming pumasok ni Brayden sa loob ng sasakyan niya at itinuro ko ang daan sa kanya patungo sa dorm ko.

"Damn it! Ano kayang motibo ng isang iyon at kinukuhanan tayo ng litrato?" tanong ni Brayden habang nagmamaneho siya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora