My friends and I talked for a little bit. Nang magbandang alas cinco ay bumaba na silang dalawa at naiwan ako kasama ng aking mga magulang.

"Happy birthday, anak." Mommy kissed my cheek as we walked towards the door. I held on to my father's arm. Nang magbukas ang pinto ay pinaunlakan ako ng masigabong palakpakan mula sa mga bisita. My smiled went wider.

I never really dreamed to have a party this grand before. Noong bata ako, minsan ay hindi ako naniniwalang may ganito kabonggang party ang inihahanda para magkakaroon ng kaarawan. Indeed, the eighteenth birthday is the most memorable day for any teenage girls.

"Oh my god, Mama is here Lyco!" narinig kong usal ni Mommy kay Daddy nang papalapit na kami sa stage. Si Mommy ay humarap sa akin at ngumiti.

"I guess, your Lola is not that bad at all." She smiled.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko doon. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan ni Lola sa pagpunta. Kung pinilit man, ayos lang din sa akin. To have her presence is enough for me, kahit na sinabi niyang hindi siya pupunta, pero nandito at dumating siya.

Hanggang sa stage ay hinatid ako ng aking mga magulang. Their was a greek couch in the middle that serves as my seat.

My parents gave their welcoming remarks to the visitors. Mula sa stage ay kitang-kita ko ang aking mga bisita. Marriam, Juni and Darwin sat on the table near the Vasiliev's. Kumpleto din doon ang pamilya at si Dimitri ay napakagwapo sa kaniyang suot na suit.

"Hello po, I'm Juniper. Iyong iba po sa inyo, hindi ako kilala. I am Syden's best friend ever since we were young. Syden as a friend is very caring and emotional. Pero ngayong lumaki na kami, nakita ko na ang malaking pagbabago niya. She's smart, beautiful and strong. Wala na siyang inaatrasang laban ngayon and I am glad to have witnessed all those changes from her. Kahit magkalayo tayo, Syd, you never forgot about me. At ako din, hinding-hindi kita makakalimutan. I love you and happy birthday!"

Ngumiti ako sa mensahe ni Juni para sa akin. She is my eighteenth candle. Nagyakapan kaming dalawa bago maghiwalay. She went to the line of girls who belonged to the eighteen candles. Pinatayo ako ng emcee para hipan lahat ng nakasinding kanila. I started from the first until I stopped at Juni.

Matapos ang unang parte ng program ay ni-serve na ang dinner. Bumaba ako ng stagw at naglibot-libot sa kada table. I actually missed some of my friends in high school, kabilang na doon sina Jeremy. I didn't invite Carl. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa mapagmataas nitong pangako sa sarili.

I stopped at our grandparents' table. Nandoon sina Grandma at Grandpa, sina Lolo at Lola din. My aunts and uncles were at the other table.

Nagkaroon ng picture taking pagkatapos ay lumipat ako sa table nina Juni. We chatted for a little bit and took photos. Pagkatapos noon ay lumipat ako sa mesa ng mga Vasiliev.

"Syden, you look wonderful tonight, hija!" Hinalikan ako sa pisngi ni Tita Aleah nang makalapit. Tito Vladd just smiled at me. Ang batang si Dimitri ay excited na yumakap sa akin.

"You're so beautiful, Ate Syd! Mommy take a picture!" He demanded at his mother. Nagtawanan kami bago nga sinunod ang gusto ng bata.

"Kayo ni Rhett, sweetie." Tita Aleah motioned Rhett to stand up. Tumayo nga siya at lumapit sa akin. I smiled at him when he approached me.

He looked dashing in his dark suit with a gray neck tie. Ang malambot niyang buhok ay nakaayos at napansin kong mas umikli iyon kumpara sa huli naming pagkikita.

Some eyes were on us. Ang iba ay nagpatuloy sa pagkain habang magkatabi kami ni Rhett at hinihintay ang photographer.

"Nagpagupit ka?" I asked him while waiting.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon