Chapter 1: "Amazing JC"

35 4 0
                                    


AUTHOR'S NARRATION

Araw ng linggo ngayon, araw ng pagsimba, maagang nagising si JC upang magtungo sa simbahan dahil miyembro sya ng choir sa St. Francis Church.

Pagkatapos nya mag asikaso ng kayang sarili ay agad na syang nagtungo sa simbahan.

Nakarating na sya ng simbahan, halos 10 minuto na lang ay magsisimula na ang misa. Matagal kasi sya kumilos dahil hindi pa sya makapag decide kung ano ang susuotin nya. Hindi pwede kasi ang mga damit maiksi at kita ang braso, kaya naisipan nya na lang magsuot ng simpleng blouse at skinny jeans.

"Oh JC, dalian mo malapit na magsimula ang misa. Alam mo na ba ang kakantahin mo?" bungad sa kanya ng Choir Instructor nila.

"Opo sir alam ko na po iyon." sagot ni JC.

"Ah JC ikaw na din pala kumanta ng solo, habang nagbibigay ng ostsa. Wala kasi si Irene absent, magboses babae ka at gandahan mo." saad ng Instructor nila.

Maya maya ay nagsimula na ang misa, ginawa naman ng mahusay ni JC ang kantang pina awit sa kanya. Napatingin ang mga tao sa kanya na parang namamangha. Dahil kita nila kung sino ang umaawit. Maraming nakakakilala kay JC dahil palaging laman ito ng singing contest at ang pinaka nakaka amaze sa kanya ay may dalawang boses. Kaya nya kumanta ng pambabae at panlalaki.

🎵JC'S POV🎵

Natapos na ang misa at nagpaalam ako agad kay Sir Allan ang Choir Instructor namin. Dahil may AUDITION ako sa "THE VOICE" yes tama kayo kasali ako. Pangarap ko maging isang sikat na singer tulad ng aking kambal na si CJ sikat sya KOREA dun sya na ngayon nagtitigil dahil nadun ang propesyon nya. Wala na kaming magulang kaya ang Tita Olay namin ang naging magulang namin. Hindi na sya nakapag asawa dahil naiwan kami sa kanya. Kaya nung lumaki kami at nagkaroon ng talento, lagi kami sumasali sa mga contest, kailan lang naman ako sumasali kasi mahiyain pa ako. Si Kuya JC naman ay malakas ang loob kaya may nakadiscover sa kanya at dinala sya sa korea. Kaya ayon sumikat sya dahil magaling din ito kumanta. Talent namin ng kambal ko ang pagkanta. Pero syempre mas talented ako dahil dalawang boses ang tinig ko.

"Ui bekz galingan mo mamaya sa audition ah, papanoorin ka namin." ngiting saad ni Brenda. Ka choir group ko.

"Salamat bekz ou syempre gagalingan ko para sa PAK ... PAK ... PAK ... ekonomiya ng ating bansa." sagot ko kay Brenda habang nagpapalo ako sa puwitan at ng pose. Oh di ba ganda 😁

"Galingan mo BADEENG ah, sasabunatan kta pag di ka nakapasa."
banta sa akin ni Jonard, ka grupo ko din sa choir. Sya yung bully sa amin pero hindi naman nanakit yung nang aasar lang.

"Che! I know duh, gagalingan ko talaga". saad ko sabay irap sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanila kasi biyahe pa ako pa Manila. Nakasakay na ako ng bus papuntang Baclaran, pagkatapos ay mag jijeep ako dahil dun ako sa sasakay sa MRT papunta Quezon City. Ok naman ang biyahe parang sinuswerte ako sa araw na ito dahil walang traffic.

"Papa G., sana tuloy tuloy ang swerte pls makapasok lang ako, gagalingan ko talaga." bulong ko sa sarili ko 😇😇

Sa wakas ay nakarating din ako dito sa studio. Kaso nga lang wala akong kasama kaya ako lang mag isa. Hindi na din kasi ako nagpainterview bali kinunan na lang nila ako ng konting detalye. Dahil wala naman si Tita Olay dahil nasa trabaho yun. Kaya sasalang na lang talaga ako.

Sasalang na ako audition pag nakapasa ako nxt step na ang BLIND AUDITION.

Syempre ang mas bongga gagamitin kong boses ay pambabae dahil bet ko bumirit noh.

Kaya ang kakantahin ko ay "ROLLING IN THE DEEP BY KZ TANDINGAN"

(A/N: yung video na lang po ni KZ Tandingan ang ilalagay ko, sabi ko nga di ba na very talented ang bida natin. Kaya nya gayahin ang mga boses ng kumakanta.)

FABULOUS BEKIWhere stories live. Discover now