Part 1: The Dixon Family

25 0 0
                                        

Sa bayan ng Laguna may naninirahang isang pamilyang kilala ng mga tao. Ito ay ang pamilyang Dixon. Si G. Arthuro Dixon ay isang barangay official sa nasabing lugar at ang asawa naman nitong si Gng. Alecia  ay leader ng religious group sa kanilang barangay. Mayroon silang tatlong anak at ang panganay ay si Carmi.

Si Carmi ay iniidolo rin ng mga kabataan sa kanilang lugar at sa paaralan kasi bukod sa matalino ito ay mayroon din itong napakalinis na kalooban. Silang tatlong magkakapatid ay talaga namang mabubuti at masasabi talaga ng mga taong nakakakilala sa kanila na sila ay mga goal at family oriented na mga anak. 

Isang araw, umuwi si Carmi sa kanila bandang alas syete na ng gabi dahil galing pa ito sa kanyang klasi at nag-meeting din sila sa kanyang club na sinalihan. Pagpasok ni Carmi sa kanilang bahay sakto naman maghahapunan na ang pamilya.

"Oh anak tamang tama yung dating mo. Halika na. You look tired. Kumain ka muna bago magpahinga ha." Sabi ng kanyang ina.

Tama nga ang kanyang ina pagod na pagod si Carmi kasi naman magtatapos na yung kanilang semester at saksakan na ng mga activity, outputs at tsaka mga final exams sa iba't ibang subject niya.

"Opo mommy. talagang kakain ako ng marami gutom na gutom na ako eh." sagot naman ni Carmi.

Nagawa pa talaga nitong ngumiti para di mahalata masyado ang pagod niya. Nagsimula ng magblessed ng food and mommy niya at pagkatapos nagsikain na sila.

Pagtapos kumain, tatayo na sana si Carmi para mag-ayos ng pinagkainan kaso nag volunteer  na ang mga nakababata niyang kapatid na sila na ang mag-aayos at manghuhugas ng mga pinggan.

"Ate kami na. Total wala naman kaming ibang ginawa dito sa bahay eh kaya na namin to." Sabi ni Arbiy, bunsong kapatid.

"Oo nga naman ate, magpahinga kana. May exam kapa bukas diba? Gora na ate.Kami na bahala dito." Dugtong naman ni Bea , nakababatang kapatid.

Natuwa naman masyado si Carmi at napayakap sa mga kapatid.

"Nako kayo talaga. Salamat ha? Ang swerte swerte ko talaga sa inyo. Busy lang talaga kasi ang ate niyo eh. Wag kayong mag-alala, ililibre ko kayo pagtapos ng finals namin." Sabi ni Carmi.

Nagtinginan ang dalawang nakababatang kapatid at sabay napasabi,

"YEHEEEEY!! Thank you ate." Ngiti na lamang ang tugon ni Carmi sa mga ito.

Natuwa naman ang mga magulang nila Carmi sa nakitang eksena sa hapagkainan.

"Nako. Ambabait talaga ng mga batang to. Buti nalang talaga nagmana sayo." sambit naman ni daddy Arthuro.

Hinampas naman ng pabiro ni mommy Alecia ang asawa.

"Ano ka ba. Katuwang kita sa pagpapalaki sa mga anak natin. Kaya kasama kita sa pagpapalaki sa kanila ng maayos."

At nagyakap ang mag-asawa habang minamasdan ang mga anak na Magkayakap din.

Pagpasok ni Carmi sa kwarto niya, tsaka naman bumagsak ang balikat niya. Doon niya lamang naramdaman ang pagod na kanina pa niyang nararamdaman. Nagtungo ito sa higaan at nahiga. Napa-buntong hininga ito at naalala na naman ang eksena kanina sa meeting nila kung saan sa kunting pagkakamaling nagawa niya noong foundation day nila ay hinusgahan na agad siya ng mga kasama niya. Ang masakit pa dun sinabihan pa siya ng kung ano ano at dinamay pa pamilya niya at ayaw na ayaw niya yun. Pag pamilya na ang usapan nanghihina talaga siya. Napabuntong hininga na naman si Carmi at napailig.

"Ang drama ko naman. May exam pa bukas. Baliwalain ko na nga lang yun. Hindi naman importante yon. Be strong Carmi. Wag mo nalang pansinin." Sabi nito sa sarili at nagsimula ng mag-aral. Maya maya ay natulog na rin agad ang dalaga dala na rin sa pagod.



Author's Note: This is it. This is my first story to write in wattpad. Sana po suppotahan niyo ako at kung may maisa-suggest man kayo sakin just message me or reach me out po kasi I am still learning and I am willing to learn. Hope you enjoy my first story. Thank you for reading. :) I'll update the next chapter soon. Sana may bumasa nito hehe

The Lost CarmiWhere stories live. Discover now