Chapter 7

5 0 0
                                    

A/N: bobo ang author kaya kokonti lang ang English at yung iba wrong grammar pa hehe

Buong oras lang akong nasa loob ng kwarto ko, hindi naman ako makatulog kaya nag selpon muna ako pampalipas oras. Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin

"hello--"

"Rein tulungan mo naman ako" humikbi sya kaya kinabahan ako kung anong nangyare "please Rein tulong, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh, Rein Rein Rein si mommy Rein " at humagulgol sya

"teka ano bang nangyare, hinay hinay lang, Decenty kumalma ka muna,, hindi kita maiintindihan"

"si mommy Rein hindi ko alam ang gagawin ko,, pumunta ka sa ospital Rein,," sabi nya ng humahagulgol

"sige pupuntahan ko kayo dyan ha"

Hindi na ako nagpalit ng damit ang dala ko lang ay selpon ko at dali dali ng bumaba. Tumakbo ako papunta sa may garahe buti nalang ay nandon na si kuya peter. Dali dali akong sumakay at sinabing sa ospital ang punta

"kuya pakibilisan emergency eh"

"sige po maam,  sino po ba ang nasa ospital"

"hindi ko alam basta pakibilisan nalang po"

Sa isang iglap ay nasa tapat na kami ng ospital. Dali dali akong bumaba at nagtatakbo papunta sa may information desk para magtanong

"Miss saan ang room ng mga Acerenza"  hinigingal kong sabi

"maam sino po bang Acerenza-"

"kahit sino, may Acerenza ba dyan"

"ahm 101 po maam 4th floor lang-"

Hindi pa sya tapos ay tumakbo naka ako papuntang 4th floor at hinanap ang room 101. Nang makita ko si decen na umiiyak sa may hallway ay agad ko syang dinaluhan

"decen" nang makita nya ako ay agad syang yumakap  sa akin " anong nangyari sinong na ospital, ayos ka lang ba"

"si mommy" humikbi sya " si mommy nahulog sa hagdan"

" ha teka bakit naman , ano bang nangyare" naguguluhan kong tanong

" hindi ko alam ang buong istorya basta ang alam ko lang ay nahulog sya sa hagdan"

"bakit naman sya mahuhulog, anong oras sya na hulog, nandon ka ba"

"Nasa taas kaming dalawa ng marinig namin si kuya at tito na nag aaway, dali dali syang bumaba at nadulas sa may hagdan" umiiyak sya habang nagpapaliwanag

"teka bakit naman nag away-" pinigilan kong magtanong ang sarili ko ng mapagtanto na wala na sa akin yon

Hinayaan ko lang syang nakayakap sa akin. Iginala ko ang mata ko at nagulat ng makita si lourd na nakaupo sa sahig ang dalawalang siko ay nakapatong sa kanyang tuhod at diretsong nakatingin sa akin

Humiwalay sa yakap sa akin si decen at pareho kaming umupo.

"kuya umupo ka dito" alok ni decen sa kapatid

Tumayo sya at lumapit sa akin, sa mismong harap ko.

"b-bakit" i asked. Tiningnan nya lang ako na parang may gusto syang sabihin sa akin pero pinili nyang umiling nalang

Bakit parang sangkot ako sa mga nangyayare. Bakit ganto nararamdaman ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, gustong gusto ko nang magtanong pero wala pang oras para don. Gusto kong tanungin kung ano ang problema ni lourd, bakit sya humihingi sakin ng tawad kanina?, bakit sya umiiyak?, bakit sila nag away ng tito nya. Hindi naman sya ganito dati. Nakakapanibago ang mga nangyayare. Bakit iba na ang trato nya sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi maramadam ang mga kinikilos nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OUR STORY UNTITLED [SecretlyChoseYou] (De Verginia Boys Series#1)  Where stories live. Discover now