Chapter 6

8 1 0
                                    

Pag kagising ko ay 8 na kaya nag gayak na ako para sa school. Naligo ako at nagsuot ng  isang fit croptop at high waisted  short at  pinares ko ang favorite kong Balenciaga na shoes. At bumaba na ako para kumain

"Ma lahat ba ng sasakyan gagamitin nyo, hindi nyo naman sinabi sakin na bukod sa anniversary celebration nyo ay outing na  din pala ng buong company ni tito cris yon" tanong ko habang kumakain sa hapag kainan

"hindi  ko ba nasabi sayo na hindi na kami magta-travell by land , May nakuha kasi silang bagong malaking project at maganda ang takbo ng companya nila ngayon kumpara nung nakaraan kaya naisipan ng tito mo na mag break muna sila,, isasama na nga namin si kyst eh, kung gusto mo sumama ka na rin "

" No mom, ayoko" tumayo ako ng matapos ang kinakain

"ok, kung gusto mo lang naman eh" i kiss her on a cheek "bye"

"bye, tito, kyst"

"hindi ka na namin aantayin mamaya ha, aalis na kami" ani mama

"yes ma ingat kayo"

Sinukbit ko ang tote bag ko ganun din ang gitara. Lumabas ako at sumakay sa kotse namin na si kuya Peter ang nagmamaneho

"kuya 3 ang labas ko ngayon ha, bago mag 3 pumunta kana"

"yes maam saulo ko na schedule nyo eh"

Ngumiti lang ako sa kanya. Talagang masasaulo nya ang schedule ko,, sya lang naman naghahatid sakin eh.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan ang magisip kung paano ko haharapin si glaizer ngayon. Tss ang awkward kaya. Pero hindi dapat ako ang ma-awkward kasi hindi ako ang may kasalanan sa aming dalawa. Pero buo na ang desisyon ko, hindi ko na sya babalikan siguro makikipag bati hanggang don nalang yun

"Maam dito na po"

nagulat ng biglang umimik si kuya Peter. Hindi ko namayalan na nakarating na pala kami dahil sa pag iisip.  Similip ako sa labas at nakita ko ang mga estudyante.

" ahh sige kuya salamat,, pasabi kayna mama na ingat sila sunduin nyo ko mamaya ha"

Lumabas ako at nagsimula ng maglakad papasok kinuha ko ang selpon para itext ang mga kaibigan. Pero bago pa ako makapasok sa gate ay may humarang na sa aking lalaki. Bigla akong kinabahan, napatigil ako sa pagtetext at unti unting ingat ang nakatungong ulo. Pag ka angat ko ng tingin ay bigla nalang akong niyakap ng lalaking humarang sa akin.

" love sorry please,, patawarin mo ko, sana mapakinggan mo na ang paliwanag ko, hindi ko yon gusto sorry sorry sorry sorry" paulit ulit nyang sinabi habang mahigpit ang yakap sa akin.

Unti unti kong tinggal ang mga kamay nya sa akin at tinanggal nya na din namang kusa ng makitang ayaw ko sa yakap nya. Tumingin ako sa paligid dahil dumarami na ang nakatingin sa amin.

"Glaizer wag dito, di ba sabi ko sayo wala na tayo,at  ayoko na din, Sorry sa mga pagkukulang ko sayo bilang girlfriend mo, ok lang sakin,, napag isipan ko rin naman na hindi ako karapat dapat sayo"

"No, wag naman ganon, hindi pa nga tayo nakaka two months. Love sorry pakinggan mo muna kasi ako"

" kahit pakinggan kita buo na ang desisyon ko, ayoko na glaizer. Hanggang kaibigan nalang ulit tayo,, awkward man pero hanggang don nalang uli ang maibibigay ko"

" hindi, hindi, no, no hanggat alam kong mahal mo pa ako hindi ako titigil Rein kukulitin kita ng kukulitin, alam mong mahal kita mahal na mahal, at alam ko din na mahal mo pa ako--"

" Hindi na kita mahal" ani ko.

Natigilan sya

Alam kong hindi nya ako titigilan, at kukulit kulitin nya ako tulad noong nanliligaw pa sya sa akin, kaya wala akong choice kundi sabihin yon sa kanya

OUR STORY UNTITLED [SecretlyChoseYou] (De Verginia Boys Series#1)  Where stories live. Discover now