1

949 24 0
                                    

TAGAK-TAK ang pawis ko ng umupo ako sa kubo kung saan nag papahinga ang mga mag sasakang nag ta-trabaho sa aming bukid, anihan na kasi ngayon ng sibuyas kahit na sobrang baba ng palitan, nakaka lungkot man pero wala na kaming magagawa. Hinahabol din namin dahil bali-balitang may paparating na malakas na bagyo kaya kailangang anihin ito. Kahit pa'ano eh may ki-kitain din naman kami at sakto lang para sa pang-gawa ng aming tahanan, at sweldo sa mga taong kinuha ni itay para mag bunot at mag tari, pati narin sa bayad ng lupang ito. Ni-rerentahan lang kasi namin ito.

Habang pinag ma-masdan ko ang magandang tanawin dito sa bukid ay lalong gumiginhawa ang aking paki-ramdam, iba talaga kapag nasa probinsya ka, malayo sa polusyon at sariwang sariwa ang hangin na iyong malalanghap. Simple lang ang aming buhay sapat na para maka kain ng tatlong beses sa isang araw.

Nakita kong papalapit saakin ang aking pinaka mamahal na itay habang pinapay-payan ang sarili gamit ang sumbrelong gawa sa buri.

"Anak sinabi ko naman sayo na kaya na namin ito bakit kasi kailangan mo pang tumulong dito"

Sabi ni itay at umupo sa tabi ko.

Sumimangot naman ako. Ayaw na ayaw kasi akong patraba-huin ni itay dito sa bukid.

"Tay naman wala naman po akong gagawin sa bahay, atsaka bakasyon naman na po namin."

Sabi ko at lumapit sakanya bago pinatong ang ulo ko sa balikat nya.

Naramdaman ko namang ginulo nya ang buhok ko.

"Naku ang dalaga ko, napaka matulungin talaga. Ayaw lang kasi kita maarawan at mamayat anak"

Malokong sabi nya

"Tay naman"

Sumi-mangot ako sa sinabi nya bago umayos ng upo at humarap sa kanya.

Nakita ko namang su-meryoso sya at tumingin sa mga mata ko.

"Ayaw ko lang kasi na nahihirapan ka anak, mas gugustuhin ko nalang na ako ang mag kanda kuba kuba dito sa bukid para lang maitaguyod ko kayong mag kapatid. Kaya anak, mag iingat ka doon ah, mag aaral ka ng mabuti para ma-kapag tapos ka ng pag-aral kasi iyon ang pinaka mahalagang regalo para saamin ng inay mo."

Naluha naman ako sa sinabi niya. Kaya niyakap ko syang muli at hindi na pinansin pa ang kakaibang amoy ng sibuyas na nakadikit saaming mga damit.

"Mahal na mahal kita tay. Kayo ni nanay at bunso napaka swerte ko kasi kayo yung pamilya na binigay ni papa g! Sa-akin! Hindi ko ho kayo bi-biguin!"

____________

"ANAK mag iingat ka sa Batangas ah? Wala kami ng itay mo roon para samahan ka"

Sabi ni Inay.

Nandto kami ngayon sa terminal ng bus na sasakyan ko para lumuwas ng Batangas. Isa kasi ako sa studyanteng mapalad na nabigyan ng pag kakataong maka pag aral sa pribadong skwelahan sa batangas. At madaling araw ang naka schedule na byahe ko.

"Opo inay, mag iingat po ako roon. Kayo rin po ni itay mag iingat po kayo dito. Wala ho ako sa tabi ninyo para alagaan kayo"

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Where stories live. Discover now