VILLA JACINTA - II

Start from the beginning
                                    

Hindi rin nito napigilang magtaas ng kilay.

"O! Anong kailangan mo? Sinabi ko na sa'yo kanina diba? Na hindi ko pipirmahan ang index card mo. Ano't narito ka na naman?"

Mataray na tanong nito sa kanila, partikular kay Liah.

Dahil sa lakas ng boses nito ay napalingon pa ang mga guro at mangilan-ngilang estudyanteng naroroon.

At dahil hindi kaaya-aya para kay Vicky ang estudyanteng bully ay muli nyang inabala ang sarili sa mga papers na nasa harapan nya.

"Busy ako." Sambit nya nang hindi tumitingin sa mga kausap.

Agad namang siniko ni Liah si Jo.

"Amuhin mo!" Mahina pero ma-otoridad na utos nito.

"Eh mam---" Bitin at napipilitang sambit ni Johanna.

"At nagdala ka pa talaga ng padrino ha? Anong palagay mo sa 'ken--- Uto-uto."

Galit na singhal ni Vicky kay Liah.

Pagkatapos nitong irapan ang dalaga ay muli nitong itinuon ang atensyon sa ginagawa.

"Eh di wow! Pakshit ka!"

Inis na sambit ni Liah sabay walk out.

Naiwan si Jo na hiyang-hiya sa inasal nito.

"Pasensya na po kayo mam---" Biting sambit nya dahil biglang nagsalita ang guro.

"At ikaw pa talaga ang nag-apology ah?" Tanong nito sa kanya.

"Ehhh..." Ang nasambit nya sabay kamot sa ulo sabay upo sa upuang nasa tabi nito.

"Bakit ka ba nagpapa-uto sa malditang yon ha Johanna? Tell me--- (Pause) Tinakot ka ba nya? Binantaan? Ano? (Pause) Wag mong sabihing sinaktan ka nya? Saan?" Sunud-sunod na tanong nito habang sinisipat ang katawan nya kung may pasa ba o galos.

"Naku! Hindi po mam. Wala po. Wala pong ganon. Ang totoo nyan--- Maayos po syang nakiusap sa akin na tulungan ko nga daw po syang magpa-sign sa inyo." Sagot nya.

"I won't buy that my dear. Kilala ko ang bruhang yon. Wala sa vocabulary non ang makiusap." Sabi nito.

"Pero mam---" Biting sambit nya.

"Alam mo ba kung gaano karami ang kulang nyang requirements sa akin?" Tanong nito.

Hindi sya nakasagot.

Wala naman kasing nabanggit si Liah sa kanya.

Ni hindi nga ito nag-explain kung anu-ano ba talaga ang mga kulang nito kaya hindi piniprmahan ang index card nito.

"Para sabihin ko sa'yo wala pa 1/4 ang na-accomplished nya. Meaning, wala talaga syang pakialam sa subject ko. Lalo na sa akin. So--- Why should I signed her clearance?" Muling tanong nito.

Again, natahimik lang ulit sya.

At sa loob-loob nya, wala na nga syang magagawang tulong para kay Liah.

Kung bakit naman kasi sa dami ng teacher eh kay Mam Vicky pa ito hindi nagseryoso?

Terror nga ito sa loob ng classroom.

Pero sobrang bait at lambing naman nito kapag hindi nag-lelecture.

Well gusto lang naman nitong matuto ang mga estudyante kaya ito nagpapakita ng pagka-istrikta.

"Know what? Kung wala syang amor sa akin--- (Pause) Mas lalo akong walang pake sa kanya!" Gigil na sambit ni Vicky.

"Sorry po mam." Sambit nya.

ESMERALDA Book 3Where stories live. Discover now