C H A P T E R 1

57 6 22
                                    

Inip na inip na ako sa klase kaya kinuha ko at binuksan ang aking phone at tinignan kung anong oras na 4:45 P.M saktong sakto iilang minuto nalang ay magtatapos na ang klase nitong matandang dalaga na teacher sa harapan ko na hindi nagkamayaw na mag turo ng accounting dahil sa sobrang pagkabagot ay napag isipan ko na huwag nalang makinig at mag muni muni sa paligid dumungaw ako sa bintana na malapit sa akin dahil ito taalaga ang pinakamagandang puwesto sa silid, mahangin at marami kang makikita na mga hanash sa buhay at sa di kalayuaan ay may isang lalaki na nakuha ng aking atensyon sa kanyang tindig at porma ay alam na alam ko at kilalang kilala ko talaga kun sino siya.

Si Czedric Lyniel Alvarez ang pinaka sikat na Varsity-Volleyball player dito sa campus namin maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya he has it all kumbag, dahil sa matipunong katawan dagdagan pa ng kanyang height na 6.0" toned muscles nito dahil sa kakatraining, matangos niyang ilong at medyo singkit niyang mata.

Campus Crush kung ituring dito sa aming faculty at di rin ako mag papatalo noh! Number 1 siya sa listahan ng mga crush ko at walang makakatalo sa kanya! nung Junior High School palang ako ay na love at first sight na talaga ako sa kanya. I've been following and lowkey stalking him for years ako nga yung admin ng isa sa fansclub na dito sa school naming, alam na alam ko at updated ako sa ganaps niya in life. Pero on the other hand pinilit ko nalang na tinago ang sarili ko dahil alam ko naman na Malabo na mapapnasin niya ako at mas Malabo na maging kami, sino ba naman ako eh Babae ang gusto niya at ni katiting ay hindi ako pasok sa standards ng mga ex niya.

Naiingit nga ako dito kay Krystine dahil nasa kanya na ang lahat anong laban kodun eh sya may pepe ako wala at imaginary pa oh ano mag s-sword fight nalang kami ni Czedric ganon? Char kidding aside like as I was saying si Czedric ay Gr 12 student na 1 year lang naman ang yung gap naming, alam mo? bilib na bilib talaga ako sa kanya kahit STEM sya, he can manage to balance his acads and dagdagan pa ng sports at the same time plus consistent with High Honors since Junior High School in short get a man like him OO. Get a man like him but not my babi Czedric... luhh Same kaya kami, Relationship goals kumbaga at si krystine? Ganda lang talaga ang puhunan niya at a yung pepe niya at kung acads ang pag-uusapan ay talagang compatible kami ni babi Czedric ko walang labis walang kulang. Di ko namalayan na lagpas 5:00 na pala at ako nalang ang mag iisa sa classroom (may batas, bawal lumabas) oh bat mo kinanta?

agad akong niligpit ang mga gamit ko at tumakbo palabas sa silid. Sa di kalayuan ay yung dalawa kong Kaibigan sina Gale at Gabrielle na naghihintay sa akin, sila talaga yung tinuring kong mga kaibigan this SHS agad ko kumaripas sa pagtakbo at tinungo ang direksyon nila.

"oh anyare parang sumali ka sa 1000m run, ano ba kasi pinag tatakbo mo"- Gale

"luhhh kayo nga tong nang-iiwan, mga walang hiyaa"

"at parang kasalanan pa talaga naming ikaw nga tong nag d-day dreaming kahit hapon na sa bebe mong si Czedric may pa pikit, pikit kapa ng mata mo kanina at tila kinikilig na parang matatae"- Gabrielle

si gabrielle po opo ay isang lalake same kami he is also bi but mas malambot pa sa marshmallow.

"luhhh paki mo? Ikaw nga walang laban sa kulay ko"

"oh siya bago kayo mag sumbatan hoyy Augustine Nile Xavierr Sarmiento ito yung notes ko pag-aralan mo at may long quiz si maam bukas, ikaw na bahala mag review at kokopya nalang kami ni gabrielle, ikaw nalang kasi ag pag-asa naming para makapasa sa accounting wagka muna lumandi at no omegle mamaya kasi major subject natin yan.

"ohhh siya siya libre nioo nalang ako bukas"

"anything you want your highness" sabay nilang sabi

Sabay kaming umuwi nila gale at gabrielle at dahil Wednesday ngayon ay susnduin ako ni kuya roger at yes I have my personal driver malayo kasi ang tinitirahan naming subdivision dahil di pa naman nag text si kuya roger ay napag isipan ko munang tumambay sa 7/11 oh ang kabigian ko lang naman na si Gale ang may ari nito now wonder kung kayat ABM ang kinuha ng strand, napasarap kami ng kwento ni gale at hindi ko namalayan na kanina pa pala naghihintay si kuya roger sa tapat ng paaralan agad akong nagpa-alam at tumakbo ng matulin mag aalas 7 na ng makadating kami sa bahay for sure Awarding ceremony naman ako nito, wala naman akong paki at halos sanay na ako sa ganitong situation , concerned lang talaga si papa at lola dahil baka ih mabuntis ako.

PADAYONHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin